webnovel

Four

Chapter 4

"Ronaldo." Tawag ko sa isang kaklase ko. Nakatalikod ito saakin dahil kausap niya ang isa sa kaklase 'kong nag-lilipstick.

Humarap siya sakin at umirap. "Tiana, huwag mo kong tawagin nang ganyan. Just call me Rolly." Bumusangot ang mukha niya. "Okay?" Segunda niya tinapik tapik ang aking balikat.

Humahalakhak ako at iniyuko ang aking ulo. "Sorry po." Ibinagay ko sakaniya ang form ko. "Ayan na." Nanlaki ang mata niya nang makita ang ibinigay ko sakaniya at kinuha agad.

"Oh my god." Yinakap niya ako at nag beso. Beso, ito yung unang natutunan ko sa Pinas. "Hindi ako nanghinayang na isali kita." Pumalakpak siya. "May meeting mamaya girl. See you."

Napailling nalang ako, kinukulit niya ako kanina na sumali sa kanilang Club. Kahit na hindi talaga ako permanent student. And also, hindi ko binigo ang dakila kong Bestfriend to join a club and make friends. Tsaka gusto ko rin naman dahil mukhang ang babait nila

They all knew na galing ako sa Performing Art School. And some of here are crazy about Kpop. So, alam ko na agad na bakit interesado sila sakin.

Doon sa School ko sa Korea. Our days are divided. Meron pang academic days and training our talents and skills. I've already met some K-idols there. But I'm not interested to know them. I'm much more interested in K-actors than K-idols. I don't know why, but Yerin is the one who really fangirling about male K-idol. Makakakita lang siya ay nababaliw na siya.

"Seatmate!" Tawag sakin ni Perez. Nanlaki ang mata ko kaya hindi ako nagpapatinag.

Tumalikod ako at inilagay sa aking tenga ang headset. Kahit walang music ay hindi ko siya pinansin kahit kulbit ng kulbit siya sa aking tabi.

"Tiana, pansinin mo ko." Pakiramdam ko ay nakanguso nanaman ito uli. Ang hilig niya kasing ngumuso, pero kahit ganun ay bagay parin sakaniya. But when he do that, matatawa talaga ako.

"Ako nga pala si Jeydon." Nakita kong inilahad niya ang kaniyang kamay sa aking tabi pero lumiko ako para iwasan siya. Manigas ka 'dyan!

Nang wala na akong narinig na ingay sa likod ay napahinga ako nang maluwag. Ba't ba ang kulit nang lalaking yun? Hindi ba siya nagsasawang kausapin ako? Kahit hindi ko na siya pinapansin ay nangungulit parin.

Kinuha ko ang phone ko at pumili nang music. Dahil wala namang maingay at gusto kong makarinig ng music.

"Wala palang music ha?" May biglang nagsalita sa likod ko. It gives me shiver down to my spines.

Biglang tumayo ang buhok ko sa batok nang may maramdaman akong init ng hininga sa aking leeg. "Aish! Ano ba? Nakaka-inis kana." Tinignan ko siya nang masama.

"Hindi mo kasi ako pinapansin." Ngumuso ito. Habang tinignan ko siya ay pansin kong hindi maayos ang kaniyang buhok ngayon, kahit nga hindi pa niya na butones yung polo ng uniform niya. With all the looks, bagay parin sakaniya. Slacker plus Badboy look.

Umiwas ako ng tingin. "Ba't ka Absent kanina?" Tanong ko. Wala kasing maingay na katabi ko. But, hey I don't miss him. Concern lang ako baka may sakit siya.

Humarap siya sakin kaya umiwas na uli ako nang tingin. "Concern ka ba sakin?" Narinig ko ang paghalakhak niya. Damn him. Kahit bait na ang turing ko sakaniya. Hindi parin mawawala ang pagkaka-isip bata niya.

Ngumuso ako at umirap. "Gago." I commented. Iniwan ko siya doon pero naramdaman ko siyang nakasunod sa likod ko.

"Tiana, hindi Gawgow. Dapat Ga Go." Napahinto ako sa kaniyang sinabi. Umusok talaga ang ilong ko. I heard his laugh.

"Ano?" If looks could kill, kanina pa siya linalamayan dito. I crossed my arms.

"Ang cute mo talagang magtagalog." Bigla niya akong kinurot sa pisngi. But it doesn't hurt.

Nanlaki ang mata ko at tinampal ang kamay niya kaya napabitaw ito at napadaing.

"Sakit nun ah." Ngumuso ito na parang bata. Mukha siyang batang inagawan ng candy dahil parang iiyak na siya.

I thought Korean Boys looks cute when they act like one. But, naiba ang paningin ko dahil sa kaniya. Ang cute niyang tignan. I've never seen Hyunsik oppa acting cute before.

Napailing ako. Did I compare him on my Oppa?

"Ugh, your frustrating me." Tumalikod ako at pumunta sa Cafeteria. Mabuti nalang at hindi siya sumunod sakin kaya malaya akong kumakain.

Habang kumakain ako ay hindi ko maiwasan i-stalk si Hyunsik. Hindi na kami nakakapag usap nung umalis kami papunta dito sa Pinas.

Habang tinitignan ko ang Instagram niya ay nakita ko ang isang School and he looks handsome on his new school uniform. Mas lalo yata akong nainlove.

Napangiti ako, ang lapit lang yata nito dito? Kailan ko kaya siyang i-surprise? I already miss him. Doon sa Korea, parati ko siyang makikita dahil parati kaming may meeting. Dito, ang layo na.

Napatingin ako sa mga tao dito sa Cafeteria. Ibang iba talaga dito. Sa ilang araw ko pa lang na nandito ako, madami na akong nakilala. And they are good to me.

Madami akong natutunan sakanila. They are really thoughtful and caring. Lalo na sa mga foster parents ko, kahit naki-stay lang ako sakanila tinuring na nila akong anak.

"Uhm, Tiana." Isang babaeng nakasuot ng headband at may kulay ang kaniyang dulo sa buhok at may hawak siyang papel.

Napaangat ang tingin ko. "Huh?" Ibinaba ko ang aking ininom na Juice sa mesa. At napatingin doon sa letter.

"Galing kay Rolly." In-emphasize niya ang pangalan ni Roland kaya napangisi ako dahil mukhang naiinis siya dahil kay Roland.

Tinanggap ko ito at nagpasalamat. Bubuksan ko sana ang binigay niyang letter pero nakita ko pa rin siyang nakatayo sa tabi ko at nakatitig sakin.

Kinunutan ko siya ng noo. "What?" Ano pa ba ang hinihintay niya? Does she need something? O baka may nagawa akong masama sakaniya?

Ngumiti siya at umiling. "Sabay ka naman samin tuwing lunch, since magiging Kabandmates na tayo." Hinawakan niya bigla ang kamay ko kaya nabigla ako sa ginawa niya at napakurap.

"Ah?" Ngumiti ako nang pilit. "Pwede ba?" Nahihiya kasi akong mag approach sa mga kaklase ko. And Yerin knows how much I'm scared talking to others. Sometimes they misunderstood me as Silent but Deadly.

Bigla niya akong sinapak kaya napangiwi ako. It stings. Feeling close rin siya tulad ni Yerin?

"Ano ka ba, doon kami kumakain sa Band Room at doon kana rin ha?" Pumalakpak siya at tumawa. "Dadami na tayo. Baka maraming sasali mamaya." It sounds so cool.

Bigla siyang umupo sa harap ko at hinawakan ang kaniyang baba at parang nag-iisip. "At may makilala akong mga poging lalaki." She squished her own cheeks.

Napailing nalang ako, she looks exactly like Yerin and I miss her already. Baka nga magkakasundo sila dahil sa kulit at bibo.

Pagkatapos ng klase ay nagtataka ako dahil Absent uli yung Katabi ko. I don't usually care about people. Pero, baka kasalanan ko dahil parati ko siyang inaaway. Pero nah.

Dumeritso ako doon sa Band Room na tinuro sakin nang isang babae. Hind ko kasi alam ang pasikot-sikot dito sa school. It's big, dahil maraming mga rooms ang nandito.

Kumatok ako sa labas, pero parang walang tao. Idinikit ko ang aking tenga sa pintuan pero bigla itong bumukas kaya napaatras ako sa gulat

"Tiana! You came." Nanlaki ang mata ko nang bigla akong hinila ni Rolly sa loob.

Napanganga ako sa daming tao ang naroon. Akala ko ba Banda? Bakit naging Musicals ito?

"Everyone, please gather around. Ito na ang ating Lead Vocalist." Tinulak ako ni Rolly sa harapan kaya napatingin ang mga tao samin. Mostly, boys are here.

Naghiyawan ang mga tao narito sa loob. Pero natahimik ang lahat nang pumasok yung Seatmate ko.

What the hell is happening? Anong ginagawa niya rito? Mang gugulo? Hahaha!

Parang bubuyog kung makapagsalita sila. Tinignan ko lang silang lahat, pati si Rolly at yung babaeng kausap ko kanina ay napatanga.

"All of you. Who's not willing to join the band, get out." Seryoso niyang sabi at nakatitig sa mga lalaki.

Darn, it gives me shivers. First time ko lang nakita na ganyan siya. Usually I see him as bubbly and crazy. But now. I don't think so.

Natahimik ang mga narito pati na rin ako. What is he doing? I heard na hindi naman siya kasali dito ah? Narinig ko lang sa tabi tabi.

"If you won't--" hindi pa natapos ang kaniyang sasabihin pero kumaripas nang takbo ang nandito. Parang flash na naging bakante ang room.

Napatitig ako sakaniya. Ano ba siya dito? Bakit lahat nang mga estudyante ay takot sakaniya?

Nabalik ako sa huwisyo ng pumalakpak si Rolly at lumapit sakaniya. "Sali kana ulit?" Tunog babae ang boses ni Rolly and it's flirty.

Napaatras ako nang napatangin siya sakin at biglang ngumiti. He's moody!

Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko para i-handshake.

"I'm Jeydon Perez at your service. And welcome to my Band." Napanganga ako sa kaniyang sinabi at napatitig sa mukha niya. Is he serious?

----

Enjoy reading pepz :) Please Vote and Comment. I hope you'll love it.

XOXO.

Siguiente capítulo