webnovel

Caught

Aliyah's Point of View

SANDALING namayani ang katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Onemig. Pilit pinoproseso sa isip ko ang binitawan nyang salita. Seryoso syang nakatingin sa akin samantalang ako naman ay hindi malaman kung ano ang maaaring isagot sa kanya.

" Beb do you think that's the only way to relieve your tiredness? to escape?" tanong ko nung magbalik na sa wakas yung mga brain cells ko.

" Hindi lang sa napapagod na ako kundi gusto ko na rin na makasama ka talaga. Yung malaya kong maipakita sa lahat na ikaw yung mahal ko, yung pag-aalayan ko ng buong buhay ko. Hindi yung ganito na nakikita ng lahat na nagpapaka-pagod ako para sa babaeng hindi ko naman talagang mahal kundi dala lang ng obligasyon. Wala ng ibang paraan akong naiisip baby, yun lang. To escape. Bubuo tayo ng sarili nating mundo, yung malayo sa lahat ng ito. Yung walang sila. Walang Jam at Monique. Kundi tayo. Ikaw at ako lang. Gusto ko yung akin ka lang at sa iyo ako ng buong-buo. " tila hirap na hirap talaga yung kalooban nya habang nagbibitaw sya ng mga salita.

" So sa palagay mo kung papayag ako sa gusto mo, matatapos na yang pagod at hirap mo? Maaaring oo, kasi iiwanan mo na ang lahat at bubuo tayo ng panibagong mundo natin pero--may pero dyan beb, may problema ka pa ring iiwan na siguradong iba ang magsa-suffer. Kuha mo? " napaisip sya saglit sa sinabi ko.

" Yeah, I got your point. Pero kasi sa mga nangyayari ngayon parang mas lalong tumatagal na mangyari yung kagustuhan ko na ilantad na kita , ayokong itinatago ka. You don't deserve that kind of treatment. Mahal kita eh. Mahal na mahal. Kaya masakit sa akin na hindi ko masabi sa buong mundo yung nararamdaman ko sayo. Tama ka, mas malaki ang magiging problema kung tatakas tayo at iiwan ang lahat. Pero masisisi mo ba ako kung yun lang ang naisip kong paraan para makasama na kita ng tuluyan? Gusto ko akin ka lang. Sabihin mo ng possessive at territorial ako, sa yun talaga ako eh. Sayo lang naman. "

Sa haba ng sinabi nya wala akong maisagot kundi---

" Hahaha! "

" What's funny? " nagtatakang tanong nya.

" Shemay ka! kung ano-ano sinasabi mo, kinikilig tuloy ako. "

" Tss. Seryoso naman kasi! " tila nayayamot na turan nya.

" Beb, ano ba kasi ang ikinatatakot mo? Sobrang territorial mo eh sayo lang naman ako. Yung Pilipinas hindi naman tuluyang nasakop ng mga Espanyol." kunot noong napatingin sya sa akin.

" Hayan ka na naman sa mga talinhaga mo sweetie. Yung sinabi mo nga nung nakaraan hindi ko pa rin nakukuha hanggang ngayon. " reklamo nya.

" Sige beb, para mabawasan na yang pag-aalala at pagod mo, ganito yung meaning ng mga talinhaga ko. For three years, hindi naranasan ni Jam na mahalikan ako. Puro yakap lang at halik lola ang ginagawa ni Jam sa akin, hindi sya lumampas doon.

Why? kasi hindi nya naman lubusang nasakop ang teritoryo mo o nakuha ako mula sayo. Yung relasyon namin ni Jam, may expiration beb. Totoong naging boyfriend ko sya pero for convenience lang. Tinulungan nya lang ako na buoin ang sarili ko mula dun sa pagkawasak dahil sa paghihiwalay natin. He loves me but not in a romantic way. At ganoon din ako sa kanya. Hindi kami pwede beb. Hindi talaga. Nakatakda kasi si Jam sa iba. " nakatitig lang sya sa akin ngunit may multo ng ngiti sa labi nya.

" You mean wala ng Jam at Aliyah? " halos bulong lang pero dinig ko naman.

" Wala na. Finish na. "

" Kailan pa? " tanong nya ulit.

" Three months ago, bago sya pumunta ng Italy." sagot ko. Nakayuko ako kasi baka magalit sya dahil hindi ko sinabi kaagad.

" Baby alam mo ba na halos mamatay ako sa selos nung pumunta ka ng Italy tapos malalaman ko ngayon na wala na pala kayo. Binabaliw mo ba ako sweetie?"

" Beb sorry naman. Ayoko lang naman kasi na maranasan ulit na kinakaawaan ako kapag nalaman ng lahat na wala na kami ni Jam. Ayoko ng maulit uli yung pinagdaanan ko nung maghiwalay tayo. Usapan na namin ni Jam yon. Ayaw din nya na masaktan ulit ako lalo na't wala na sya sa tabi ko para damayan ako. Hindi ko sinabi sayo agad kasi gusto ko maayos mo muna yung sa inyo ni Monique. Kasi alam ko na kapag sinabi ko sayo kaagad, ora mismo iiwan mo si Monique, so paano na yung lola nya at yung pangako mo sa kapatid nya? Hindi lang kapakanan ko ang iniisip ko beb, pati na rin yung sayo. Kita mo nga ngayon niyayaya mo na akong tumakas kahit alam mong mayroong Jam sa buhay ko. "

" Sorry baby. Ngayon naiintindihan ko na. Wala naman pala akong dapat ipagselos kahit noon pa man. Pero bakit pumunta ka pa ng Italy kung wala na pala kayo? "

" Nag-attend lang kami ng religious vow ni Jam kasama ang parents nya. "

" You mean-?"

" Opo magpapari si Jam kaya nga hindi kami pwede talaga. " ang lapad ng ngiti nya ng marinig ang sagot ko.

" Oh great! "

" So, okay ka na? " tanong ko. Niyakap nya ako ng mahigpit imbes na sumagot.

" Aw beb hindi ako makahinga! " reklamo ko.

" Alam mo bang ang saya ko ngayon? Nabawasan yung inaalala ko. Akala ko nagtataksil na tayo sa likod ni Jam. "

" Hindi ka ba nag-isip kung bakit pumayag ako sa second chance na hinihingi mo?" tanong ko.

" Nag-isip din pero naisip ko na mahal mo lang talaga ako kaya tinanggap mo ulit ako. Hindi kailanman sumagi sa isip ko na wala na kayo ni Jam. Nakikita ko kasi na masaya ka lalo na kapag nag-uusap kayo. "

" Beb hindi naman kita tatanggapin ulit kung kami pa ni Jam. Hindi naman ako ganong klase ng babae noh! Pero nakahinga na ako ng maluwag ngayong nasabi ko na sayo ang totoo. Alam mo ba na si Jam pa ang nag-udyok sa akin na sabihin na sayo ang totoo? Unfair daw kasi yon sayo kung patuloy akong maglilihim. Sinabi ko na rin sa kanya yung tungkol sa atin. " naramdaman kong bumuntung-hininga sya. Nakasubsob kasi ako sa dibdib nya habang yakap nya ako. A sigh of relief.

" Baby? "

" Hmm.? "

" Sabihin na kaya natin sa kapamilya natin ang tungkol sa atin. "

" Alam na ni mommy, kagabi ko lang inamin. Alam na rin pala nila ni daddy yung tungkol sa house natin, sinabi daw ng mommy mo kaya naghinala si mommy na tayo na ulit. "

" Si mommy rin naghihinala na pero wala naman akong sinasabi pa. Mamaya kausapin na natin sila, dadalhin ko sila sa inyo. "

" Uhm. okay. " sagot ko na lang medyo bumibigat na kasi ang mga talukap ng mata ko.

" Okay ? " tila nagtataka naman na tanong nya.

" Yeah. Inaantok na ako. "

" Okay, let's sleep. " naramdaman ko na inayos nya ang upuan para maka-pwesto kami ng maayos at bahagyang binuksan ang bintana sa may driver's seat. Hindi ko na alam kung ano ang sumunod na nangyari dahil kinain na ako ng antok.

" Juan Miguel! "

" Aliyah Neslein! "

" ONEMIG! "

" LIYAH! "

Napabalikwas ako mula sa pagkakasubsob ko sa dibdib ni Onemig ng parang may nauulinigan ako na tumatawag sa amin. Bahagya pa akong nagulat ng may nadiinan ang kamay ko na parang matigas.

Teka lang, matigas?!!! OMG!

" Ouch baby!" nabalik ako sa realidad ng marinig ko ang daing ni Onemig. Putek naman! yung morning wood nya pala ang nadiinan ko. Kawawa naman si bigbird.

Shame on you Aliyah! ☺️

" Sorry beb, nagulat kasi ako may tumatawag eh."

" Opo mga bata, kanina pa nga kami dito tumatawag sa inyo. Bakit ba dyan kayo natulog ha?" boses ni mommy yung nagpagulat sa aming dalawa, sabay pa kaming napatingin sa labas sa may gawi ng passengers seat. Nakahalukipkip si mommy. Sa likod nya si daddy na nakayakap sa balikat nya tapos nasa likuran ni daddy si tito Migs at tita Blessie.

Namula ako ng husto. Hindi kaya nila nakita na muntik ko ng madakma ang dragon ni Onemig. Jusko lang! Nakakahiya talaga.

" A-ah eh s-sorry po. Si Onemig kasi mga 3am ng nakauwi mula sa ospital eh ayaw naman nyang manggising na sa kanila kaya sinamahan ko na lang po dito." paliwanag ko. Nag-stutter pa ako.

" Bakit kayo ang magkasama? Ano ang meron sa inyo ni Aliyah, ha Juan Miguel?" si tita Blessie na ang anak naman ang hinarap.

" Mommy magpapaliwanag po kami pero huwag po dito. " untag ni Onemig sa ina.

" Okay dun tayo sa bahay. Mukhang marami nga kayong dapat ipaliwanag sa amin. " pinal na turan ni daddy saka nagpatiuna ng lumakad pauwi sa bahay namin kasunod si mommy at ang parents ni Onemig.

" Beb, this is it. Yung balak nating gawin, sila na ang nagpatiuna. Tara na! " untag ko sa kanya. Mabilis naman syang kumilos palabas ng kotse nya saka umikot papunta sa passenger's side saka ako pinagbuksan ng pinto at alalayang bumaba.

Sa likod bahay kami dumiretso para mag-bathroom muna. Naghilamos muna kami bago tumuloy sa living room.

Naratnan na namin silang prenteng nakaupo sa couch na halatang naiinip na sa amin. Medyo kinakabahan ako dahil naroon din si lolo Franz at lola Paz.Lahat sila ay nakasuot na ng corporate attire. Mukhang bago sila pumasok ng opisina ay sesermunan muna kami.

Umupo kami ni Onemig dun sa nag-iisang sofa dun sa gilid. Pinagkasya namin ang mga sarili namin doon dahil okupado nilang anim ang mga couch.

" Ano mga apo, may nangyari ba kaya nandito tayo ngayon para pag-usapan ang kasal nyo?" bungad agad ng the Franz Guererro. Nakakagulat lang na hindi sya seryoso ngayon kundi nakangisi pa.

" Dad!" sita ni mommy sa ama.

" O bakit hindi ba?" namimilyo pa muli ang ngiti nya ng magtanong.

" Lolo wala pong ganon. We're here just to announce something, and it's not what you think it is po."

" Well, I'm just trying to lighten up the mood. Pardon me for being naughty." paumanhin ni lolo.

" Naku Francisco tigilan mo na nga yang kalokohan mo at makinig na lang sa mga sasabihin nitong mga bata. Sige mga apo ano nga ba ang sasabihin nyo? " si lola Paz na ang nagtanong.

Sinabi namin ang lahat ng tungkol sa lihim naming relasyon ni Onemig.Ang mga dahilan namin kung bakit ginusto naming ilihim muna. Nung una ay hindi sila pabor na manatili kaming lihim pero nung pinaliwanag ni Onemig yung sitwasyon nya kila Monique at ang kalagayan ng lola nito saka pa lang sila umayon at nangakong makikiisa sa kagustuhan namin. Sa madaling salita tinanggap nila agad na kami na ulit.

Nang patapos na kami sa pinag-uusapan, walang pag-aatubili na nagpahayag si Onemig ng kanyang intensyon. Talagang nagulat ako ng sabihin nya sa gitna naming lahat na gusto na nya akong pakasalan matapos lang ang lahat ng sa kanila ni Monique. Wala pa kasi kaming pinag-uusapan na ganon. Marahil mga pasaring lang. Unang beses ito na seryoso at sa harap pa ng pamilya namin.

" Beb, seryoso?" bulong ko kay Onemig.

" Mukha ba akong nagbibiro ngayon sweetie?" pabulong din nyang sagot.

" Alright, hindi ko sinasabing pumapayag ako sa gusto mong mangyari Onemig pero parang ganoon na nga. Ang gusto ko lang ayusin mo muna yung obligasyon mo dun sa mag-lola at pagkatapos non saka ko ibibigay ang basbas ko. " seryosong turan ni dad kahit medyo natatawa naman kami dun sa unang sinabi nya. Nakiki-uso. Ang lakas talaga mag-influence ni Neiel sa kanya.

" So for the meantime, ililihim natin ito. Pero sana anak dalian mo ang pag-aayos dyan sa problema mo dahil naiinip na ako, gusto ko na ng apo." turan ni tita Bless na nagpagulat sa amin ni Onemig.

" Mama!" sansala ni tito Migs sa asawa.

" Bakit? Maganda nga iyon habang bata pa tayo, mas maalagaan natin ang mga apo natin ng maayos. Kailan mo gusto? pag-uugod-ugod na tayo ha Miguel. Napapakamot na lang ng ulo si tito Migs dahil sa sinabi ni tita.

Nang magkasundo na sa pinag-usapan ay sabay-sabay pa silang lumabas ng bahay namin para pumasok na sa trabaho nila sa FCG. Kung titingnan sila ay aakalain mong galing sa company meeting.

Nagkatinginan kami ni Onemig matapos naming ihatid ng tanaw ang mga nagsilisang kamilya sakay ng kanya-kanyang sasakyan. Sabay rin kaming natawa dahil sa bilis ng pangyayari. Pareho naming hindi inaasahan ang agarang pagtanggap nila sa relasyon namin. Tingin ko nga parang inaasahan na nila talaga yon.

Yung buong araw na yon ay ginugol namin ni Onemig na magkasama. Hindi na muna sya pumunta ng ospital dahil gusto daw muna nyang matulog na sya naman naming ginawa matapos kaming mag-lunch sa amin. Lumipat kami sa bahay nila pagkatapos at doon kami natulog sa kubol na tambayan nila sa likod bahay. May papag kasi doon na natatakpan ng manipis na kutson na pwedeng tulugan kaya doon kami pumwesto.

Halos 5pm na nung magising kami. Medyo nakabawi na rin kami dun sa puyat namin kagabi. Nauna akong bumangon pero hinila ako muli ni Onemig pahiga saka idinantay ang katawan sa akin at niyakap ako ng mahigpit. Kapit tuko na naman sya.

" Ten minutes lang baby." bulong nya tapos hinalik-halikan pa yung pisngi ko.

" Alright!"

Sa kanila na ako nag-dinner. Nang matapos kaming kumain ay gumayak na sya para pumunta muli sa ospital at ako naman ay idadaan nya sa aming bahay bago sya dumiretso doon. Bukas ng umaga ay ilalabas na raw ang lola ni Monique at kumuha na rin sya ng private nurse para may mag-alaga dito.

Hindi ko alam kung nakauwi ba si Onemig nung madaling araw. Bago ako natulog kagabi ay tumawag pa sya, just to say his goodnight and i love you. Paggising ko naman ng umaga ay may text sya sa akin, good morning at i love you lang ang laman ng kanyang mensahe pero ganun pa man kinikilig na ako. Ang sarap lang gumising pag ganon, sa totoo lang.

Hindi kami nagkita ng buong maghapon, at hanggang sa umalis na kami ng family ko papunta dun sa venue ng Christmas party ay hindi pa rin kami nagkita.

Sa resort ng family nila Gilbert gaganapin ang party ng buong FCG. May malaking function hall kasi ito. Kailangan kasi malaki ang venue dahil lahat ng company ni lolo Franz under FCG Group of Companies ay kasama.

Nung nandun na kami ay namataan ko sa isang table si tito Migs at tita Blessie kasama ang buong staff ng FCG Home Builders, kasosyo sila ni lolo Franz at ni Dad. Dun pumwesto si daddy dahil sya ang boss nila. Si mommy naman ay kasama ni lolo Franz at lola Paz, sila ang executives ng main office. At ako naman ay sa pwesto ng ComTech Masters uupo.

Nagmano muna ako kila tita Blessie at tito Migs bago ako pumunta sa pwesto namin.

" Wow anak you look stunningly beautiful in your gown. Ang galing talagang pumili ni Laine, simple but elegant." buong paghangang sambit ni tita Bless habang nagbebeso kami.

" Thank you po tita. Kayo rin po ang ganda nyo po." totoo sa loob na puri ko. Napakaganda rin naman talaga ni tita Blessie.

" Syempre naman. Ang mommy mo rin ang pumili nitong gown ko. By the way, nagkita na ba kayo ni Onemig?" pabulong lang na tanong nya.

" Hindi pa nga po. Umuwi po ba sya? "

" Oo after lunch na. Nilabas na yata nila sa ospital yung lola ni Monica tapos natulog saglit. Ginising ko nung bago kami gumayak ng tito Migs mo. Hayun nauna pa sa aming umalis, hindi ko alam kung saan nagpunta." wika ni tita. Parang medyo kumirot ang puso ko sa sinabi ni tita Blessie, nahuhulaan ko na kasi kung saan nagpunta si Onemig. Syempre hindi pwedeng ako ang kasama nya kundi yung alam ng lahat na girlfriend nya.

Nung makarating na ako sa lugar na nakalaan sa amin, umupo na ako sa tabi ni Tin na napakaganda rin sa suot nyang gown na si mommy din ang bumili. Halos magkamukha ang gown namin, kulay lang ang pinagkaiba.

Hindi pa ako natatagalan sa pagkakaupo ng kalabitin ako ni Tin. Nung lingunin ko sya ay inginuso nya ang entrance ng resort.

There I saw my man wearing a three piece suit. Napaka-gwapo talaga nya. Pero napawi ang paghanga ko ng makita ko ang katabi nya na naka-angkla pa sa braso nya. Napaka-ganda rin nya sa suot na kulay berdeng gown at simpleng make-up.

Hindi ko alam kung bakit parang may dumagan na malaking bato sa dibdib ko at hindi ako makahinga habang tinitingnan sila. Tila nalimutan ko na rin ang pangako ni Onemig na ako lang para sa kanya. Na akin lang sya. Kung titingnan kasi mukha silang perfect couple.

Yung nararamdaman ko na kirot kanina ay naragdagan pa. Para rin akong sinuntok sa sikmura.

Masakit din pala kahit na alam mong sa iyo sya!

Siguiente capítulo