webnovel

Hate

Laine's Point of View

Throughout life, people will make you mad,disrespect you and treat you bad. But my parents taught me that instead of hating the people who did you wrong,just do the other way around. Pray for them and love them.

And let God deal with the things they do.

They said that hate is a weak emotion. It's a sign of failure. And there is something about hate that tears down and is destructive.

But what am I going to do with Marga now? How can I prevent myself not to hate her? She ruined my life, our lives. She destroyed our happiness and used the people who are closest to my heart at her own expense. I know that there is no relief in hate. It's just a waste of perfectly good happiness. But how can I freed myself  from this anger that I am feeling right now? Akala ko sagad na ako dun sa ginawa sa akin ni Marga pero may isasagad pa pala. This time para kay Nhel, nasasaktan ako para sa aking asawa, sa panlolokong ginawa sa kanya ni Marga.

" Babe are you ok? Ilang araw ko ng napapansin na lagi kang tahimik. Pati si Aliyah tinatanong kung may sakit ka ba. Hindi kami sanay na ganyan ka. Ang Laine na kilala ko mula pagkabata ay luka-luka hindi ganyan. Kaya kung sino ka man, ilabas mo na yung asawa ko.Miss na miss ko na ang kapilyahan nya."

" Hahaha. Sira ka talaga beh. At sinong luka-luka ha?" natawa talaga ako sa pang-aasar nya.

" Hay salamat bumalik na sya." tatawa-tawang saad nya sabay yakap sa akin ng mahigpit.

" Beh sorry ha kung medyo parang wala ako sa sarili ko nitong nga nakaraang araw. Hindi ko na kasi kaya eh. Parang sasabog na ako kaya dinadaan ko na lang muna sa pananahimik. Kinakalma ko lang ang sarili ko baka bigla na lang akong sumabog."

" Wait,wait,wait. I hardly understand what you're saying.Anong sasabog ka? May kaaway ka ba babe?"

I heaved a deep sigh.

" Wala pa naman sa ngayon, pero galit ako beh. Galit na galit at kailangang hindi ako madala ng nararamdaman kong ito. Kaya beh dito ka lang lagi sa tabi ko huwag mong hayaan na mawalan ako ng self control.I don't want this hate in my heart to consume me too."

" Nagkita na ba kayo ni Marga kaya nararamdaman mo ngayon yan?" tanong nya.

" Mabuti nga sana kung nagkita na kami para ma-release ko na itong galit na nararamdaman ko sa kanya. Unfortunately she's still in Singapore at kahit nasa malayo sya yung kasamaan nya nagsusumigaw pa rin!" galit kong turan. Hindi ko na naman mapigilang hindi magalit kapag naaalala ko yung mga sinabi ni kuya Frank.

" Okay calm down. Don't let hate consume you. We can deal with her when she comes back. Magkasama na tayo at ito ang pinaka masakit na maigaganti ko sa kanya,ang iwanan na sya." mas humigpit ang yakap nya sa akin. Kapag nalaman kaya nya ang katotohanan magiging kalmado kaya sya?

" Okay I'm sorry beh. Hindi ko lang mapigilan kasi kapag pumapasok ako sa office at nadadaanan ko yung pwesto nya naaalala ko yung mga ginawa nya sa atin. Pero hanggat maari pinipigilan ko ang galit ko kahit mahirap."

" I understand you babe. Kahit naman ako may galit din sa kanya pero ibigay na lang natin sa Diyos ang lahat, Siya na ang bahala kay Marga. Para sa akin nakaganti na ako, naiganti na kita, kayo ng mga anak natin. Kasi ang pinaka masakit kay Marga ay yung makita nyang magkasama na uli tayo at mas masasaktan pa sya kapag nalaman nyang ikaw ang legal kong asawa at hindi sya. Yung akala nyang nagtagumpay sya na naagaw nya ako sayo tapos in the end hindi pala talaga. Masakit yon sa kanya at yun ang pinaka matinding pagganti natin sa lahat ng ginawa nya."

" Kulang pa yun beh. I wanna see her rot in jail. She's so bad.Really bad. A wicked one!"

" Babe?" nagulat sya sa biglaang outburst ko.

" Kung alam mo lang beh ang lahat ng mga ginawa nya baka hindi mo na rin makuhang kumalma but it's not yet the right time for you to find out.I'm sorry if I can't tell it to you right now. Hintayin natin syang bumalik. Gusto kong isampal sa harapan nya ang mga kasamaang ginawa nya."

He sigh. " Alright, if that's what you want hindi kita pipiliting sabihin sa akin baka nga mawala ang calmness ko kung malaman ko na kung ano man yun. What you do not know won't hurt you. Baka nga makasira pa sa mood ko sa araw-araw at maapektuhan ang performance ko sa trabaho."

" Tama ka bebeh ko,huwag mo na munang alamin at ayaw kitang masaktan. Hayaan mo na lang na ako na muna ang makaramdam ng ganito.Huwag lang ikaw, ayaw kong makita kang magalit at masaktan.  You've been through a lot because of Marga and I won't let anything or anyone to take that happiness you are having right now away from you. I love you so much Nhel at hindi ko gustong makitang malungkot ka pang muli."

" Oh babe hindi ko man maunawaan yang pinanggagalingan mo,tandaan mo na nandito lang ako lagi sa tabi mo,kakampi mo sa lahat ng laban mo. You are the source of my happiness kaya hindi ko hahayaan na masira ang kaligayahang meron tayo ngayon ng dahil kay Marga. Mahal na mahal kita. Kaya huwag mong hayaang kainin ka ng sobrang hate mo sa kanya. Bahala na ang Diyos sa kanya."

Hindi ako kumibo. Napakabait ni Nhel para dumanas ng sobra-sobrang sakit. Alam ko na masasaktan sya ng husto kapag nalaman nya ang katotohanan tungkol kay Mark. Nung makunan ako nasaktan na sya ng husto hindi pa man nya nakikita ang magiging anak namin pero ngayon paano nya tatanggapin na ang anak na minahal at inaruga nya ay hindi naman pala kanya.

Yumakap din ako sa kanya ng mahigpit, sa mga bisig lang nya talaga ako nakakasumpong ng kapayapaan. I'm so lucky. When God made him, He must be thinking about me.

______________

TWO weeks na ang nakalipas simula nung malaman ko mula kay kuya Frank ang lahat ng tungkol kay Marga. Sa ngayon nasa Singapore na uli sya para dun sa branch na itinatayo dun. Hindi ko na inalam kung papauwiin na ba nya si Marga at Wesley dahil wala na akong pakialam kung umuwi man sila o hindi na. Ayaw kasi ni Nhel na kainin ako ng sobrang galit ko kaya naman ayaw ko ng alamin pa maging ang pag-uwi nya.

Pauwi kami ngayon ng Sto.Cristo dahil birthday ni papa Phil. Saktong lunch nung makarating kami sa kanila kaya naman nandoon na sila dad at magkakasalo na sila sa hapag. Tuwang-tuwa si ate Merly dahil first time nyang makita si Aliyah. Para daw talagang si Nhel nung maliit pa.

May mga kamag-anak din silang dumating at nagtataka kung bakit kami ni Nhel ang magkasama. Alam kasi nila na naghiwalay kami dahil pinakasal si Nhel kay Marga kaya naman hindi maiiwasan na hindi sila magtaka na kami ang magkasama ngayon.

But Nhel doesn't mind at all, para pa ngang proud sya na ako ang kasama nya. And ate Merly is so proud too as she introduced Aliyah to their relatives. Hindi niya alintana ang sasabihin ng iba at yun naman talaga ang gusto nilang mangyari para matapos na ang problema kay Marga.

It's almost 6pm ng matapos ang birthday party ni papa Phil. Umuwi na ang ibang kamag-anak nila at yung iba naman ay naiwan para tumulong sa pagliligpit ng mga gamit. Nagpaalam na rin sila mommy na uuwi na at sinama na nila si Aliyah dahil doon naman kami matutulog. Nagpo-protesta pa nga si ate Merly dahil ang gusto nya sa kanya tumabi si Aliyah sa pagtulog pero kila mommy naman sumama ang anak namin. Naiwan kami ni Nhel dahil tutulungan pa namin si mama Bining at ate Merly sa pagliligpit kasama ng ilang kamag-anak. May nag-iinuman pa kasi sa likod bahay kasama ni papa Phil.

Patapos na kami sa ginagawa namin sa kusina ng may kumakatok na parang humahangos sa front door kaya si ate Merly na ang nagbukas dahil nagwawalis sya sa may sala.

Nakarinig kami ng pagtatalo kaya lumabas kaming lahat mula sa kusina para sinuhin kung sino ang dumating na tila galit na galit.

Namangha kaming lahat ng madatnan namin sa sala kung sino ang nakikipagtalo kay ate Merly.

" So totoo nga pala talaga ang sinabi ng nagbalita sa akin na magkasama na nga kayo!" nag-aapoy ang tingin sa akin ng bagong dating. Hindi ako kumibo,tinignan ko lang din sya ng tinging walang pagkabahala. Who cares?

Pasimple kong tinignan ang mga kasama ko. Lahat sila natahimik na tila naghihintay lang kung ano ang susunod na mangyayari. Maging si Nhel ay tahimik lang din na parang pinauubaya na sa akin ang lahat.

" Hindi ka ba talaga titigil sa pag-iilusyon mo na magiging kayo ulit? In your dreams Laine and over my dead body!"

Nagkibit balikat lang ako at sinalubong ang tingin nya.

Hindi ko naman sya uurungan baka akala nya. This is the new version of me na ipapakita ko sa kanya. Laine version 2.01...Fiercer,bolder and fearless.

So this is it!

And let the battle begins.

Haha. pasensya pasenya kung mabibitin na naman kayo.. wait lng guys ng susunod na chapter. Medyo mainit ang tagpo ng paghaharap ni Laine at Marga sa susunod.

Thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Siguiente capítulo