webnovel

Hoping

Nhel's Point of View

IT'S been three months mula nung mangyari yung insidente na naging dahilan ng pag-alis ni Laine ng walang paalam.

Three months na hindi ko alam kung paano ako naka-survived ng wala sya.

Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa akin kung ano ba talaga yung buong pangyayari kung bakit ganun na lang yung paglayong ginawa ni Laine, siguro bukod dun sa mga sinabi sa akin ni mama na sinabi rin ni Laine sa kanya ay mayroon pa na mas malalim na dahilan.Hindi ko kasi alam kung ano ba talaga ang nangyari nun, wala akong matandaan sa sobrang kalasingan.Sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ako uminom ng sobra hindi sana nangyari ang ganun.

Nasasaktan din ako dahil hindi nya ako binigyan ng pagkakataon na makausap siya bago sya umalis at wala akong kaide-ideya na iiwan nya pala ako.Sobrang parusa dahil hindi ko kaya ang hindi sya nakikita.

Galit din dapat ako dahil biktima rin ako dito pero sabi ni mama bigyan ko lang ng sapat na oras si Laine para makapag-isip dahil sobra syang nasaktan.Kaya naman maghihintay ako at alam kong babalik sya.

Mag-isa akong nag-celebrate ng 4'th year anniversary namin two months ago.Ang sakit lang kasi pinlano ko talaga yun at nagpaalam pa ako kay tito Franz para sa first real date namin. At nagbakasakali pa rin ako na baka bigla syang dumating, pero ano, wala eh..nga-nga!...

At simula nun, isinubsob ko na lang  ang sarili ko sa pag-aaral at next sem OJT na ako.Buti na lang may company na akong papasukan sa tulong na rin ni tito Franz..Pumayag na rin si ate na mag rent na lang ako ng apartment pag nag-OJT na ako. Gusto ko sana ngayon na dahil ayoko ng makita si Peachy.Hanggang ngayon patuloy pa rin sya sa paglapit sa akin na parang walang nangyaring gulo sa relasyon namin ni Laine na siya ang may kagagawan.Kahit nakikita na nya ang pagkadisgusto namin ni ate sa kanya sige pa rin sya.Kapag hindi nya ako inaabot sa bahay, sa school naman sya pumupunta, ilang beses ko ng pinagtaguan nakakalusot pa rin.Kung nandito lang sana si Laine.

Naputol ang pag-iisip ko ng may nagsalita sa likod ko.

" Ano brod. tuloy ba tayo mamaya?" si Dennis yun tinatanong kung tuloy yung lakad namin after class.

Niyaya ko kasi silang kumain sa isang sikat na restaurant sa may Roxas boulevard. Birthday ngayon ni Laine at kahit wala sya gusto kong mag-celebrate kasama mga kaklase ko at ang barkada.Oo yung apat, sila Pete at Rina, Wil at Candy.Napag-usapan na namin yun nung isang araw at maghihintay sila mamayang uwian sa gate.

" Oo naman brod, may reservation na ako dun sa restaurant aantayin tayo ng barkada namin sa gate mamaya." sagot ko sa kanya.

" Ayos ah, mukhang ang dami mo yatang datung ngayon Engr.Nielsen Mercado, may reservation ka pang nalalaman." singit naman ng kaibigan namin na si Mel na nang-aasar pa.

" Hindi pa tayo graduate uy, engineer ka dyan! Wala naman akong masyadong datung, nakapag-ipon lang.Para talaga sa kanya to, just in case, alam mo na." malungkot na sabi ko.

" Naku, umaasa pa rin yan na darating si Laine, kaya tayo isinama nyan para hindi sya magmukhang tanga na nag-iisa kung sakaling hindi dumating yung inaasahan nya.Ayaw nyang mangyari yung katulad nung anniv. nila, nga-nga!" asar naman ni Paul

" Hoy, hindi ah.Alam ko namang wala sya, tsaka kung gusto ko lang ng kasama eh pwede namang isa na lang sa inyo, eh ang dami natin noh.Ayaw nyo yata eh." sabi

" O siya , wag ng asarin si Nhel baka magbago pa isip nyan i-cancel pa yung reservation nya.In love lang talaga yan kaya ganyan. " sabi naman ni Issa.

" Mga baliw!" sabi ko na lang.

Natapos na yung huling klase namin at lumabas na kami para pumunta na dun sa restaurant.Naunang lumabas yung dalawang babae at nasa may likuran nila kaming tatlo.

Pagdating ng gate ay wala pa sila Candy, baka na-traffic lang kaya naghintay kami sa may gilid.

Nagulat na lang ako ng may humigit sa aking braso.Nang tignan ko ay nadismaya na naman ako.Bakit nandito na naman itong babaeng ito?

Si Mike Enriquez ba ito? Hindi na ba nya ako tatantanan?

Tumingin ako ng tinging nagpapasaklolo kay Mel at Isa, pero dahil inis din sila kay Peachy hindi sila lumapit sa amin.

Bad trip! Nasan na ba kasi sila Candy? nahuli pa tuloy ako nitong babaeng to.

Nung matanaw ko na yung barkada sa may kanto, niyaya ko na sila Mel na salubungin na lang namin at sa malas naman sumama pa itong Peachy na to na naka-angkla pa sa braso ko.

Pag minamalas ka nga naman.

Alyanna umuwi ka na parang awa mo na.Kahit paluhurin mo ako sa asin o paglakarin ng paluhod sa Quiapo, gagawin ko basta malayo lang ako sa babaeng ito.

———

Laine's Point of View

Finals week na, naging busy na kami sa pagre-review para sa exams halos gabi na ako nakakauwi dahil nagbababad kami ni Sheena sa library after our last class.

Ang bilis ng araw, after this week, sem break na.Hindi ko alam kung uuwi ba ako ng Sto.Cristo ngayong sem break, miss ko na mga kapatid ko pero siguro wag na muna, ayoko pa.

Nakausap ko na si mommy kagabi, uuwi na raw sila next month kaya sa susunod na sem dun na daw ako sa apartment na kinuha nya kasama sila Candy dahil balak din nyang umuwi dun para malapit dun sa pinatatayo nyang bagong branch ng resto namin.

Haaay! Ano pa nga ba magagawa ko sa utos ng reyna.

Pero okey na rin siguro yon malapit sya sa school ko at hindi ko na kailangang mag-effort na gumising ng maaga at makakasama ko pa yung dalawang friendship ko.

Pero paano si Nielsen, ready na ba ako?

Asa pa ko, eh mukhang sila na nung Peachy na yun.Wagas kung maka-angkla sa kanya nung makita ko sila nung birthday ko.

Well, Laine hindi pwede yun,wala kayong formal break-up. Ipaglaban mo yung karapatan mo, wag na mag-inarte eh.

Hayan na naman yung bumubulong sa akin, napa-praning na yata ako.

Haisst! bahala na.I'll just cross the bridge when I get there.

Hindi ako umuwi ng sem break.Sabagay ang alam ng lahat nasa America ako kaya kahit hindi ako umuwi walang mangungulit sa akin.Sumama na lang ako kila kuya Frank sa Laguna kahit one week lang then babalik ako para sa shoot ng bagong collections ng Montreal.

Bale ito na yung pangatlong brochure cover ko, yung una may kopya si Nhel nun binigay sa amin nung makuha ko yung first paycheck ko, yung pangalawa wala pa sya pero itinabi ko na rin just in case na magkita na kami.Gagawin nya daw kasing collection lahat ng brochure na ako ang cover.Baliw talaga.Yung talent fee ko nung second shoot ay inilagay ko lahat sa joint account namin. Ewan ko lang kung na-check na nya,siguradong magtataka yun. Sana hindi pa dahil malalaman nya na wala na ako sa America.

Ber months na kasi kaya ang bilis ng lumipas ang araw, malaman-laman ko nandito na pala ako sa harap ng photographer at huling araw na ng photo shoot.Next week pasukan na uli.

Nang ianunsyo na nung photographer  na tapos na, dali-dali na akong pumunta sa dressing room para mag-ayos.Tinawagan ko na si Mang Berto na sunduin ako at ihatid sa school dahil mag-enroll pa kami ni Sheena na naghihintay na sa akin dun.

I sighed.Napaka-hectic naman yata ng schedule ko ngayon dahil pagkatapos kong mag-enroll ay mag-iimpake na ako para sa paglipat ko sa apartment namin nila Candy bukas.Hindi pa nila alam na uuwi na ako dun, kakausapin ko na lang siguro sila.Nandun na sigurado yung mga yun dahil pasukan na sa susunod na araw.

Kinabukasan, nagpahatid ako kay Mang Berto sa apartment.Medyo marami kasi akong gamit kaya hindi ko kakayanin na walang kasama.

Pagtapat ko sa gate, medyo kinakabahan pa ako ng mag-doorbell ako.Nakailang pindot pa ako ng marinig kong may nagbukas ng front door.Hay, salamat naman akala ko wala pang tao.

Nang magbukas ang gate, isang nakangangang Rina ang bumungad sa akin.

" Laine?!!!"

Siguiente capítulo