webnovel

What's Mine is Mine. Period.

Laine's Point of View

" Congratulations babe! I'm so proud of you."

Bati ni Nhel sa akin pagkatapos ng aming graduation ceremony kung saan ako ang valedictorian.

" Thank you beh, you're one of the reasons why I made it." sabay yakap sa kanya at ibinigay ko uli sa kanya ang isa sa mga medals ko.

Niyakap nya ako ng mahigpit at hinalikan sa noo.

" Oy,oy kayong dalawa PDA na yan, baka nakalimutan nyong nandito kami at may kasama kayo." si daddy yon na kunwari galit pero nagpipigil ng ngiti.

Bigla kaming namula pareho dahil nagtatawanan na rin yung ibang kasama namin na nasa likod ni dad.

" Eh tito pasensya na po, masaya lang dahil sa wakas college na si Laine sa pasukan at magkakasama na po kami sa Manila." sabi ni Nhel na kakamot- kamot na.

" Siguraduhin nyo lang na makakatapos kayo Nhel, malaki ang tiwala namin sa inyong dalawa.Eh kung ipadala ko kaya si Laine sa States at dun mag college? seryosong sabi ni dad.

" Huh!" sabay pa kami ni Nhel na nagulat sa sinabi ni dad.

" Joke lang! kayo naman why would I do that, 2 years is enough na pagtitiis na hindi kayo magkasama, and maybe it's about time to be together in Manila." sabi ni dad na nakangiti na.

Napaisip ako..oo nga 2 years is long enough.Sa loob ng dalawang taon na yon, hindi naging madali para sa amin ni Nhel ang mga araw na hindi kami magkasama.Tiniis namin pareho ang pangungulila sa isat-isa.May mga pagkakataon pa nga na hindi sya nakakauwi sa mga importanteng okasyon pero pinag-uusapan naman namin yun ng maayos.

" Hey, you're spacing out.Why is that? si Nhel sabay tapik sa akin.

I heaved a deep sigh..ang sarap isipin na nalampasan na pala namin yun, at summer vacation na naman at simula sa araw na ito magkasama na uli kami.

" Wala naman beh, time flies fast at akalain mo nalampasan na pala natin yung 2 years na yun." sagot ko.

" Oo nga, with God's mercy." sabi nya.

" Okey, let's go at pagsaluhan na natin yung handa ni Laine." aya ni mommy na masayang masaya.

At umuwi na nga kami para magselebra sa tagumpay ko sa pag-aaral ko.

" Anong university ang pipiliin mo? Pareho kang pumasa sa scholarship nila." tanong ni Nhel sa akin isang hapon na pumunta sya sa amin.

" Dun na lang sa malapit sa school mo para mabantayan kita." nakangiti kong sagot sa kanya.

" Sus, kahit naman hindi mo ako bantayan faithful ako sayo.Buti pa nga dun ka na lang sa malapit sa akin para nakikita ko kung may pumoporma sayo." sagot nya na parang naiirita.Labo nito..asar na naman kasi nabalitaan nya na may gustong manligaw na naman sa akin.

" O salubong na naman yang kilay mo.Kaya nga yung malapit na lang sa school mo ako mag-aaral di ba?Para mapanatag kana." sabi ko na nangingiti.

Lumapit sya sa akin at niyakap nya ako mula sa likod at pinatong ang baba nya sa balikat ko.

" Babe sorry kung seloso ako, I'm just protecting what is mine.I trust you pero dun sa mga umaaligid sayo, wala akong tiwala." seryosong sabi nya.

I sigh at humarap sa kanya at hinawakan ko sya sa magkabilang pisngi.

" Okey, I understand and I like it when you're jealous.Ang cute mo kaya pag naka pout ka.hahaha."asar ko sa kanya.

" Ah ganon!"

" Opo ganon!"

" Eh kung mag pout kaya ako ng malapit dyan sa lips mo.What do you think ha?" asar nya na may ngiting namimilyo.

" Oopps, teka lang beh taym pers.hindi kana mabiro..hindi ako ready." sabi ko para maasar sya.

" Anong taym pers? Babe, when was the last time we kissed? New Year's eve pa yon.Puro halik lola na lang yung mga sumunod don.Anong petsa na ha?"

sabi nya at unti-unting inilapit nya yung mukha nya sa akin.Shocks, kinikilig ako!

When his lips met mine, I automatically close my eyes and felt a wave of emotions runs through my veins making my heart beats faster.All my senses focused on how his lips continued kissing me.He's expertly kissing me now.I never thought that he'd be a good kisser.Our kiss lasted for I don't know how long basta ang alam ko sobrang nanghina ako sa paraan ng paghalik nya pero bago pa kami mawala pareho sa katinuan, he stop.

Pinagdikit nya ang mga noo namin bago nagsalita.

" I love you babe, malapit na ang 4'th anniversary natin.Matagal na rin tayo at ganon pa rin ang nararamdaman ko para sayo at mas lalo pa nga yatang nadaragdagan.Ganon pa rin ang effect mo sa akin, when you're near, para pa rin akong teen ager na kinikilig." sabi nya na ngiting-ngiti.

" Sus, para namang ang tanda mo na dyan..you're only 20, you're still young kaya pwede ka pa kiligin.Ako rin naman ganon pa rin naman ang effect mo sa akin.Ngiti mo lang ulam na, kinikilig pa rin ako when you're jealous, kahit nandyan ka lang, nami-miss pa rin kita.My love for you is getting stronger each day.I love you too beh, a thousand times." seryosong sabi ko.

He kissed my forehead and hug me tight.Kumalas ako ng may maalala akong itanong.

" What's your plan nga pala on our anniversary? What do you have in mind?" tanong ko.

" Well, I want to ask for your dad's permission." sabi nya.

" Permission? For what?" tanong ko.

" Permission to take you out on a date.You're going seventeen in three months time, baka pwede na nya tayo payagan mag date.What do you think?"sagot nya.

" That's a good idea.Where do you plan to take me?Mukhang malaki yata ang mababawas sa savings natin ah."sabi ko.

Yeah, may join account kami since our first year.Dun kami kumukuha pag nagse-celabrate kami ng anniversary namin pero hindi kalakihan ang kinukuha namin dahil hindi naman kami lumalabas.Bumibili lang kami ng mga bagay na pair kami like t-shirt, stuff toys then pinapa-personalized namin.Pero sa naiisip nya ngayon mukhang malaki ang ibabawas namin.Sabagay malaki na rin naman yung naiipon namin kasi pag bakasyon nagsa-summer job kami at yung kinikita namin dinadagdag namin yung iba sa ipon  namin.

Naisip ko na ngang tanggapin yung offer ng tita ko na mag model sa clothing company nila para pandagdag sa savings namin.Medyo malaki kasi ang offer na bayad. Pumayag na sila daddy, si Nhel na lang ang hinihintay kong mag approve.Hindi ko pa sinasabi sa kanya.

" Hindi naman siguro kasi balak kong ilabas yung tricycle namin this week, pandagdag na rin para hindi na masyadong mabawasan yung ipon natin." sabi nya.

I sigh..chance ko na to para magpaalam sa kanya.

" Eh beh, yung clothing company kasi nila tita Ems, yung pinsan ni mommy, kinukuha akong model.Quarterly lang naman ang pagpo-pose para sa brochure nila and three days lng ang shoot..Kinausap na nya sila dad the other day at pumayag naman sila.Hindi pa ako nag decide kasi hindi ko pa sinasabi sayo.Okey lang ba? Dagdag na rin sa savings natin yon."

He heave a deep sigh before he answer.Cross fingers na nga ako.

" Okey, as long as walang mae-expose sayo na private parts, that's fine with me.And thank you for consulting me first babe nakaka-overwhelmed ." he said and wink at me.

" Talaga? Oh I'm so happy and thank you.Don't worry casual dresses ang imo-model kaya walang mae-expose na kung ano.Anyway, wag ka na magmaneho ng tricycle dahil sasamahan mo ako sa shoot ng 3 days at next week na yon."

" Oh may schedule na agad, akala ko ba hindi ka pa pumapayag? gulat na tanong nya.

" Hindi pa nga dahil hindi pa ko nagpapaalam sayo.Pero sabi ni tita once na pumayag ka itawag lang daw agad sa kanya para makasama na ako sa shoot next week.Sakaling hindi ka naman agad pumayag may susunod pang shoot." paliwanag ko.

" Ayos ah.Sige sasamahan kita baka may male model pa na magpa cute sayo dun buti na yung may bantay ka."

" Hay naku! Napaka-territorial mo talaga."

" Tss.Pag akin, akin..period.

Start na ng panibagong journey ni Laine bilang estudyante. Magkakasama na kaya sila ni Nhel ngayong college na sya?

Thank you for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Siguiente capítulo