webnovel

I Wanna Call You Baby

Laine's Point of View

Get's mo na baby?

Get's mo na baby?

Get's mo na baby?

Hala! Paulit-ulit yung huling sinabi nya sa utak ko, bakit nya ako tinawag ng ganun? Nag blush tuloy ako.

" Hoy! Laine ano nangyari sayo? tulala kana dyan." nagulat ako nung magsalita sya.

" Huh! Baby, you call me baby." halos pabulong kong sabi pero narinig naman nya.

" Uy, w-wala yon.Tawag kase nila tito sayo yun di ba? Tama yun ang tawag nila sayo hehe".

sagot nya na parang kinakabahan.

" Ah okey!"

wheww!akala ko kung ano na.Assuming naman yata ako dun.

" Sige,tuloy nako ha?"

" Geh, ingat na lang."

Nhel's Point of View

TINANGHALI ako sa paghahatid ng gatas kila Tito Franz,usually mga 6am lang nandun na ako.Umaga na kasi ako nakatulog dahil nga sa kwentuhan namin ni Laine.

Si kuya ang talagang naghahatid sa kanila ng gatas kaya lang nagtrabaho na sya sa ibang bansa 2 weeks ago kaya ako na ang naatasan na maghatid kila Tito Franz.

Nung una tutol ako kase nga magkaaway pa kami ni Laine nun kaya lang umisip ako ng paraan kung paano ko maihahatid ang gatas ng hindi nya ako nakikita, yun ay ang gumising ng maaga para maihatid ko ang mga ito ng maaga dahil according to tita Baby before seven pa gumigising si Laine.

Pero ngayon na ayos na kami pwede na akong maghatid ng medyo tanghali na para makita ko naman sya para buo na ang maghapon ko.

Kanina nagulat sya nung madatnan nya na kasalo ko sa almusal ang pamilya nya,alam ko naman na hindi bumabanggit si tito Franz ng kahit ano sa kanya tungkol sa akin kasi sinabi ng mabait kong nanay na hindi kami in good terms ni Laine.

At kaninang paalis na ako sa kanila, hinabol nya ako.Sabi ko na nga ba, hindi sya makakatiis na hindi magtanong.

" Matagal ka na ba kilala nila daddy? Matagal ka na ba nagdadala ng milk dito? Bakit hindi kita nakikita nun?"

sunod-sunod nyang tanong.

Grabe,dami nyang tanong pero sinagot ko naman lahat yun.Pero natigilan ako dun sa huling sinabi ko at alam kong nag- blush siya dun.Natawag ko sya ng baby.Hindi ko alam kung bakit lumabas sa bibig ko yun.Sabi kasi ng Panginoon dun sa Bible, kung ano ang nag- uumapaw sa puso ay siyang nilalabas ng bibig.

Matindi na ang feelings ko kay Laine.At yun ang endearment na gusto kong itawag sa kanya pag naging kami na.Dahil aalagaan ko sya at hindi sasaktan.Oo, tinatak ko na sa puso't isip ko na magiging kami pag right time na.Yun ang na-feel ko nung unang beses na makita ko sya.

Natulala sya at kinailangan ko pang gulatin sya para bumalik ang huwisyo nya.

" Huh! Baby, you call me baby? halos pabulong nyang sabi na narinig ko naman.

Kinabahan ako,paano ba ako magpapaliwanag na hindi nya mahahalata ang tinatago kong feelings sa kanya.

" Uy, w-wala yon.Tawag kase nila tito sayo yun di ba?Tama yun ang tawag nila sayo hehe..

naku maniwala sana sya.

" Ah okey" sagot nya.

haay salamat nakalusot yata ako dun.

Haay! ang hirap ng ganito na pinipigilan ang nararamdaman sa taong hindi pa pwede sa ganung bagay.

Bakit ba huli pa syang pinanganak?

Sana pag dumating na yung tamang panahon, may katugon naman yung feelings ko sa kanya.

Sana nga,sana...

                 

Young love sweet love.

Ano ang mangyayari sa susunod sa ating mga bida.Abangan!

Thanks for reading!

AIGENMARIEcreators' thoughts
Siguiente capítulo