(Sena POV)
Nauna si Sean maupo. Cross leg at hinila ang kamay ko para maupo nga sa tabi niya. habang yung principal at ilang tauhan ng school, pinapaliguan na niya ng masamang titig.
"Maupo po kayo." Yaya ko sa kanila kasi parang si Sean na tuloy ang may ari ng school na ito. Si Leo nasa likuran lang namin.
Pilit na ngiti ang binigay ng principal sa akin. Natatakot sila kay Sean. Siguro noong naging studyante din si Sean noon, natatakot sa kanya ang mga instructor na humahawak sa kanya.
Nanginginig na inilapag naman ng isang guro ang inumin na hinanda sa amin. Kukuha na sana ako dahil nauuhaw ako. Bigla namang hinila ako ni Sean.
"Sa tingin mo ba ligtas na inumin yan kung naparito nga ako para sirain ang imahe ng school na ito Sena?"
Naalala ko yung pinasunog niyang pinapasukan kong pipitchuging private college. Yan din ba ang kahahantugan ng school ng mga babies ko?
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com