(Rymalene POV)
Ngunit bago pa man may bumaril, biglang may nagsidatingan mula sa liku ran ng bahay nila… na mga tauhan ni Sean at mabilis na pinabagsak ang mga tauhan ko.
"Mga wala kayong silbi!" Umangat ang paningin ko, at sa labas nga naroon ang sasakyan ni Sean, nakatitig ito sa amin, saka halos matunaw ako sa titig na binigay sa akin. Kahit napakasama ng titig sa akin ni Sean, talagang nangulila ako sa kanya. Kala ko noon gagamitin ko lang ito… pero heto, mahal ko na siya. Napapbangon ako at papalapit na sana ako sa sasakyan nito ng tuluyang pinatakbo at bago yun, sinipa palabas ang sekretarya na kinuha ko para sa kanya.
"Miss Rymalene…" iyak nito na kalalaking tao. Wala akong paki-alam sa kanya… tumakbo ako at tinawag ang pangalan ni Sean, ngunit di man lang huminto ang sasakyan nito.
(Sean POV)
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com