@International_Pen
"Sean…" saka di ko na napigilan umiyak na talaga ako.
"Alam kong di ako karapat dapat sa isang kagaya mo. Ang pangit ko… maraming magaganda sa labas… Ang tanga ko nga… yun ang sabi mo diba? Kahit alam ko sa sarili ko matalino ako…" para pa akong may tama… sa sinasabi kong to sa kanya… pero may punto naman ako…
"Kuko mo lang ako panigurado sa mga narrating mo Sean. Hamak na marami kang maipagmamalaki kaysa sa akin. Oo ikaw na Sean… kaya lang talaga… natatakot Sean.. na baka mawala ka sa akin… hindi dahil sa katayuan mo… kundi mahal kita Sean! At Gago ka… pina-ibig mo ako… noon pa!"
At para na akong bata na napaupo sa sahig.. di alintana yung sakit ng ulo na nararamdaman ko… at ang lumalaking tiyan ko.
Okey lang na umamin ako diba? Nasa Pilipinas tayo… Democracy Country po ang bansang ito. Meaning okey lang ipahayag yung nararamdaman… lalo na kung nasasaktan ka na. Mahirap din kayang kumimkim ng galit.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com