@International_Pen
((( SENA )))
Limang Piraso lang na Kamias ang nasa harapan ko… dahil ito lang ang nakuha nila matapos halughugin ang buong bansa. Napasimangot ako dahil kulang yun sa akin. Pero sige na nga… ngingiti na ako sa naghihintay si Seannn.
Kagat.
Hmmmm! Asemmmm…
Dikdik sa asin… na ayaw pa ako pagbigyan kanina.
Hahaha. Napapalaway si Sean.
"Ang saya mo pa no?"
"Masarap."
"Alam mo ba kung anong kahihiyan ang sinapit ko sa paghahanap lang ng Kamias na yan?!"
"Asa naman na ikaw ang naghanap nito. Ikaw ba?"
"Lahat ng empleyado ko lang naman Sena, nagtanong ako kung sino sa kanila ang nakaka-alam ng hinihingi mong yan. At saan mahahanap."
"… Sa maasim kasi yung laway mo kanina." Minimean ko yung halik niya. Na inilayo ang paningin sa akin. Nahiya pa si Sean.
Kagat ulit na may pa cruchy pang tunog.
"Masarap kayang ilagay to sa isda… alam mo yun?"
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com