@International_Pen
((( SEAN )))
Wala nga akong nagaw kundi sakyan tong mga sinasabi nila. Nang makita kong dumaan sila Sena, agad kong hinila palikuran yung Janitor. Nang makapag bihis ako, agad kong tinapon sa kanya yung damit ko. Sa may awa ako sa kanya, kakahiyang lumabas na wala siyang saplot. Bakit nga ba naiisip ko pa ang kalagayan ng taong to. Saka nagmadali na akong lumabas sa gusali na wala man lang kumpirma kala Hint. Bago pa man makalayo yung jeep na sinakyan nila… tumakbo ako… at sa wakas tumigil din saglit.
Napaupo ako sa paanan ng Jeep na medyo ibinaba ko yung cap… dahil baka makilala nila ako. Halatang kay Elaine nakafocus si Sena. Pakiramdam ko nabawasan yung bigat ng dibdib ko ng makita ko siyang… maayos. Di ko alam kung bakit, parang nakaramdam ako ng tuwa. Lalo na ng masilayan ko ang ngiti niya.
Sena... alam mo bang... naiinis ako...
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com