@ International_Pen
((( JANINE )))
" Sakripisyo ng isang ina… Tsss… Kung lilisanin niyo nga ang pamilyang to… unahin niyo ng lisanin ang silid ko, ngayon din!"
Di tumulo ang luha ko sa harapan niya… dahil labis ko talagang pinipigilan. Masaya ako na malaki na siya… at nakikita ko na kaya niyang protektahan ang kanyang Ama. Wag kang mag-aalala Aaron… gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayo. Dahil kung hindi… mawawala tayo sa mundong ito. Hindi ko isusuko ang kinabukasan mo… bata ka pa. At kung totoo nga na maswete ka dahil kahit anong gawin nilang pagbabanta sa buhay mo… parating may mga taong… handa na isalba ka. At parang isa na rin ako sa kanila. Kaya Aaron… magpakatatag ka. Darating ang panahon na malalaman mo ang katotohanan tungkol sa iyong pagkatao. Sana sapat na ang lakas mo para kalabanin ang sarili mong pamilya… na sa totoo lang kaya ka nanatiling buhay ngayon, ay para buwagin ang katarantaduhan na nangyayari sa loob ng pamilya ninyo.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com