@ International_Pen
((( SENA )))
Kanina lang malaginto yung paglubog ng araw… ngayon naman… agad kinain ng parating na maitim na ulap. Parang uulan na nga, kaya naunang umuwi yung dalawang makulit. Habang ako… heto maghihintay ata ng himala na sana di umulan.
" Miss Sena. Master Sean, was looking for you." Yung tauhan niya na kanina may katawagan.
" Talaga? Wait lang… masakit pa yung paa ko. Wait lang talaga. Ten minutes." Wala siyang nagawa kundi nga maghintay sa sampung minuto na hinihingi ko.
Di pa nga natatapos yung sampung minuto pumatak na yung ulan. Upang buksan kaagad ng katulong kong kasama yung kulay itim na malaking payong. Sige, i-continue natin yung sampung minute na hinihingi ko.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com