@ International_Pen
((( SENA )))
Kinausap ko sarili ko na dapat maaga ako magising para makausap si Sean, since pinayagan ko na ngang makatulog siya… Pero dahil mag-uumaga na ako natulog… halos tanghali na akong nagising. Napabuntong hininga na lamang ako na wala na namang Sean sa tabi ko. Kundi ang larawan niya sa dingding na may kalakihan.
Kinuha ko yung unan at binato sa larawan niyang naka-upo na parang ang laki ng pinaghaharian niyang lupain. Sabagay, parang ganoon na nga, pareho lang naman ngayon.
Miss na kita Sean…
Bumangon na ako… at parang mapipilitan talaga ako na matulog mamayang hapon para kapag twelve di paa ako inaantok. Yap… better. Kaya lang pagod din si Sean. Hmmm… dapat mauna akong magising sa kanya! Tama! Ganoon na nga! Yun ang dapat gawin.
Kaya naman, kinagabihan ulit… di ko na si Sean hinintay at nauna na akong natulog.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com