@International_Pen
((( Sean )))
Dinala ko siya sa likuran. Maraming tao at ng dumating kami... ngiti at pagbati ang sumalubong sa amin. May hinandang kainan at parang may nakangiti at natatakam na naman sa nakita.
Di nga ako nagkamali... siniko niya ako.
" May welcome party pala bakit di ako inform."
Sabay sabit niya ng kanyang buhok sa tenga.
At parang tanga na napapakaway sa bumabati sa kanya... Matagal ko ng napapansin ang akala mo beuty queen na wave niya. Asa din siya. Oh well, she is my wife.
Naupo kami...
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com