@International_Pen
((( Sena )))
"KISS! KISS! Kiss!"
Sigawan ng mga tao.
Kinalas ni Sean ang yakap niya sa akin…
Kinuha ang kamay ko at isinuot sa akin yung singsing…
Pinisil niya kamay ko...
Hinawakan yung ulo ko...
At naramdaman ko na lang ang maiinit niya labi na lumapat sa labi ko...
Lumakas yung palakpakan… hiyawan…
Di ko inaasahan na dadaanin ako ni Sean sa ganitong klaseng proposal na di ba siya natakot… baka may
mangyaring masama sa kanya? Saka laman ito ng balita.
Tinitigan niya ako... ngumiti siya...
Saka niyakap niya ako ulit...
Mahigpit ang yakapan namin… at ang kamay niya na ayaw pakawalan ang kamay ko.
Kung alam lang ng mga taong to… na may Marriage Contract na kaming dalawa, siguradong di na sila
kikiligin… Ngunit maraming salamat Singaporeans!
Ibinigay sa akin ni Cecile yung bouquet ng bulaklak…
Kinuha ko at hinarap si Sean…
" Promise, di ko ito inaasahan." Ngumiti si Sean… " Thank you." Saka ngumiti din ako.
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com