© International_Pen
((( Sena )))
Yung kanina na pinigilan kong gigil Kay Sean, sa huli lumabas at sagad kong hinampas sa balikat na wala siyang nagawa... At ang abnuy na Sean, ngumiti pa.
" Ano nginingiti mo dyan! Kanina Highblood tapos ngayon para na namang nilangam ang ngiti mong gago!"
Wala akong pakialam kung nawala yung poise ko. At sagad paring ang panghahampas ko ng kamay ko sa kanya.
" Hey... haha... Stop.. Hey..."
Nang hinuli na nga niya yung dalawa kong kamay at hinarap akong nakangiti.
" Namumula kasi ang biik."
"Bitiwan mo na nga ako!"
Pero... bago niya ako binitiwan... hinalikan niya ako sa noo...
Yun di na naman ako nakapagsalita...
Natulala na naman ako.
Instant tulala kapag nahahalikan noo ko? wow...
Napaharap na ako kina Jane at Lea...
Hinakbang ang distansya na walang lingon kay Sean... dahil alam ko wagas na naman yun makangiti...
Hinila ko... at malakas na sinarhan ang pinto...
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com