((( Sean )))
Pagdating namin sa labas.
"Pol, susi, ako na ang bahala."
Binigay sa akin.
"Oy, ikaw umayos ka. Baka atakihin naman ako sayo, Uupakan talaga kita."
"At paano mo naman ako uupakan kung nahimatay ka."
"Sus, kapag nagising ako." Kumapit siya sa balikat ko at naupo sa likuran ko.
"Patay ka na sa susunod na atakihin ka." Bigla niya akong kinurot sa talikuran ko…. Awww ang sakit,
bakit ganito mangurot ang babaeng to…. Aww…
"Mumultuhin kita!" Saka ko pinatakbo yung motor.
Yun parang baliw na naman na sinasalubong ang sariwang hangin… Habang ang ngiti sa mga labi niya di
na naman maalis alis. May mga batang nadadaanan kami at kinakawayan niya…
At dahil sa sout niya at suot ko na parang kami yung ikakasal, may mga nag aakalang kami yung ikakasal.
Tsk. Binabati kami, na kahit di naman kami kilala.
Pag dating namin sa Simbahan, madaming tao … at laging nakusunod si George at Hint sa akin
Apoya a tus autores y traductores favoritos en webnovel.com