webnovel

The Girl in the Mirror's Confession

CHAPTER TWO – The Girl in the Mirror's Confession

Dear UCnian Freedom Board,

Hello admin. Gusto ko sanang magpasalamat sa iyo dahil pinost niyo po ang confession ko dito. Para sa avid reader ng confession page na ito, tawagin niyo na lang po akong The Girl in the Mirror. Gusto ko lang po sana i-share sa inyo ang kwento ko… ang love story ko rather.

College student po ako. Hindi ako galing sa mayamang pamilya pero salamat sa mga magulang ko dahil nakakasustento sila para sa pang-araw araw namin dito sa bahay at lalo na sa pag-aaral ko. Si mama ay nagtitinda ng mga alahas at si papa naman ay may business na bakery shop. Dalawa kaming magkapatid at ako ang bunso. Kuya ko naman ay may anak na. Single dad siya. Bihira lang sa panahon ngayon na magkaroon ng single dad. Namatay kasi ang asawa ni kuya noong nanganak ito sa kanilang first baby boy. Masakit man para sa kanya ang ganoong sitwasyon, naging matatag pa rin siya para sa kanyang baby boy. His child name is Chad. 'Yung pamangkin ko na talaga siguro ang pinaka-cute na nilalang na nakita ko sa buong pagkatao ko. Bukod sa napaka-sweet, ang cute-cute rin niya.

Back to the main topic. Ayun nga po, mga UCnian readers. College student na po ako. Hindi po ako nag-aaral sa UC pero avid reader rin ako sa page na ito. Gusto ko lang po sanang i-share ang love story ko. So, ito na po iyon.

Napahinto bigla ako sa pag-type mula sa android phone ko ng biglang nag-pop up sa messenger head ang profile pic ni Neil. Napangiti ako sa message niya.

"Nasa labas na ako. Wait kita ah," sabi ni Neil sa messenger. Nag-reply ako sa kanya.

"Pumasok ka muna sa loob. Magbibihis ako."

Bago ako kumilos sa hinihigaan kong kama, kaagad ko munang sinave ang draft confession na ginagawa ko para i-send ko sa sikat na FREEDOM BOARD sa facebook kapag natapos na. Pagkatapos niyon ay saka lang ako bumangon para makapagbihis na. Narinig ko naman sa labas ang boses ni Neil kausap si Kuya Dave. Isa nga palang waiter si Kuya Dave sa isang fast food chain na open 24 hours. Night shift siya kaya siya nandito ngayon sa bahay.

Sobrang close na siguro sila ni Kuya Dave. Palagi kasing pumupunta si Neil sa bahay namin kapag papasok kami ng school.

Nakapagbihis kaagad ako ng pang-alis na damit. Walang uniporme sa kursong kinuha ko kaya pang-alis na damit ang suot ko. Kaagad akong lumabas sa kwarto at nakita ko kaagad sa sala ang isang lalaking matangkad, maputi, mapayat, baby face, nakasuot ng long sleeve smooth cloth na damit na color white and maroon stripe tapos naka-jeans ito at nakasapatos. Sa unang tingin mo pa lang sa lalaking ito ay parang si Tom Rodriguez na pinabata or kaya naman pinapayat na version pero parang ganun na nga. Kapag ngumiti siya, kita yung dimple niya sa pisngi. Siya nga pala si NEIL.

"Tara na?" bigla niyang tanong sa akin nung nakalabas na ako sa kwarto. Pero hindi ko siya pinansin kasi dumaretso kaagad ako sa human size mirror namin na nakadikit sa dingding para mag-ayos at maglagay ng pulbos sa mukha doon.

"Cindy, baka ma-late kayo sa klase." Narinig ko pang sabi ni Kuya Dave sa akin habang binabantayan niya ang isang taong gulang na sanggol na si Chad na panay tawag sa akin ng "Titat" short for "Tita". Bata pa kasi, di ba.

"Kuya, alas tres pa ang klase namin. Ewan ko diyan kay Neil kung bakit ang aga-aga dumating dito sa bahay. Alad dose pasado pa ang oras." sabi ko habang nakaharap ako sa human size mirror.

"Kuya Dave, may pupuntahan kami ni Cindy saglit." Paalam naman ni Neil kay Kuya Dave sa akin.

"Saan naman kayo pupunta?"

Bigla naman akong tumingin kay Neil kasi kahit ako ay hindi ko alam kung saan kami pupunta nito. Nakita ko yung tingin niya sa akin na parang may meaning kaya dinalian ko ang pag-aayos at nagpaalam na kaagad kay Kuya Dave. Hinalikan ko si Chad bago ko hinila si Neil papalabas ng bahay. Sira ulo 'tong Neil na 'to. Alam naman niya na ayaw ni Kuya na naggagala ako kahit saan.

"Saan nga ba tayo pupunta?" tanong ko bigla kay Neil nung sumakay kami sa scooter niya na color red-pink.

"Basta. Sumama ka na lang sa akin. May bibilhin tayo."

Wala na lang akong nagawa kundi manahimik na lang habang bumabyahe kami. Mahina naman ang pagpapatakbo niya ng motor kaya independent akong ipagpatuloy yung sinusulat kong confession.

Si Neil. Siya po ang kauna-unahang lalaki na naging kaibigan ko simula noong high school ako. Bawat araw ay palagi kaming magkasama. Kahit hindi kami magka-klase noon, hinihintay pa rin niya ako sa labas ng classroom ko para sabay kaming umuwi sa bahay. Medyo malapit-lapit rin kasi naman ang bahay nila sa bahay namin. Pagtuntong namin ng college, madalas na kaming nagkakasama. BSCS ang course niya, meaning BS Computer Science.

Mabait si Neil. Palagi siyang nanlilibre. Kadalasan kapag may problema ako, kaagad niya akong tinutulungan. Rich kid kasi si Neil. Mga entrepreneur ang kanyang mga magulang at nag-iisa rin siyang anak.

Gusto ko lang ipakilala sa inyo si Neil kasi bukod sa lahat, proud ako na nakilala ko siya. Pero hindi ibig sabihin niyon na may gusto ako sa kanya. WALA AKONG GUSTO SA KANYA KASI WALA RIN NAMAN SIYANG GUSTO SA AKIN. At inamin na niya iyan noon pa. Pero nalilito lang ako kasi kakaiba ang ikinikilos niya these past few days sa akin. Nakaka-awkward kasi kapag bigla siyang napapatulala ng walang dahilan. Hindi ko alam kung bakit siya ganyan.

Kaagad na huminto ang motor namin sa isang mall. Bumaba ako at tumingin sa kanya.

"Ano ginagawa natin dito?" nakataas pa yung kilay ko kay Neil.

"Di ba nabanggit mo sa akin na wala kang susuotin para sa debut party ng kapatid ni Ryan. Bibilhan kita rito. Sakto at binigyan ako ni daddy ng pera."

Bigla akong na-shock sa sinabi niya.

"What!? As in?"

Wala akong nakuha kay Neil kundi ang ngiti lang niya. Kasi kung ano ang gusto niya para sa akin, yun ang masusunod. Walang gusto niya ang hindi natutupad. 'Yan si Neil.

Siguiente capítulo