webnovel

Chapter 7 Mahal na yata kita?

kring kring kring kring, Nagising ako sa tunog ng aking cellphone, tinignan ko ang orasan 10:34 pm

sino naman kaya iyon?

baka si aika na naman, ang galing talaga tyumempo ng pang iistorbo nitong bestfriend ko...

kinuha ko na ang cellphone at pupungas pungas na sinagot ito,

Hello? oh, bakit?

Hello hanah,

boses lalaki????

napabalikwas ako bigla at tinignan ang screen kung sino ang tumatawag, unregistered number...

Hello? sino po ba to?

Ako to, si zack

Sorry nga pala kanina..

natutulog kana ba? Sorry kung naistorbo kita... tumawag lang ako para mag sorry

tawag nalang ako ulit bukas..

Thank you sa time

Hindi ako makasagot, bukod sa inaantok pa ako, nag spaced out din ang utak ko..

si zack ba talaga ang kausap ko?

ang ganda at lambing ng boses nya... parang gusto ko pang marinig ng matagal...

sige, bukas nalang

tulog ka na ulit...

wait, pagputol ko sa sinasabi nya..

hindi na kasi ako inaantok, kwentuhan muna tayo...

Sure, sige sige... excited na sagot nya

feeling ko tuloy na nanaginip lang ako, kasi sa pagkakatanda ko hindi na sya nagreply sa chat ko about sa bracelet... iniisip ko galit sya sakin.

bakit ngayon? the way na kausapin nya ako

parang walang nangyari... nababagabag ako sa isiping iyon

hindi ko napigilan ang aking sarili...

tinanong ko sya

zack, Sorry nga pala sa naitanong ko kanina,

hindi kaba galit sakin?

Alam kong mukhang tanga ang mga tanong ko sa kanya, pero di ko mapigilang hindi macurious, parang ang weird ng dating nya sakin...

ako iyong tipong sobrang prankang tao, kung ano ang nasa isip ko at opinyon ko, bigla ko nalang sinasabi...

Ok lang iyon.. Hindi ako galit, wala namang dahilan para magalit ako sayo.. tumatawang sabi nya

saka itong bracelet, may sentimental value nga talaga to sakin, kaya lagi kong suot... bigay kasi sakin to ni papa, sabi ni papa sa tuwing nahihirapan ako or pinanghihinaan ng loob, tignan ko lang daw itong bracelet.. gagaan daw pakiramdam ko

Andami naming napag usapan tungkol sa buhay ng isa't isa at sa aming mga pamilya... pakiramdaman ko sobrang nagiging malapit na kami sa isa't isa...

Napapangiti na lang ako pag naiisip ko ang mga sinabi nya,, mas lalo ko syang nagustuhan... well, sino ba namang babae ang hindi magkakagusto sa kanya,

hindi na natin isama ang physical appearance ... Matalino, Matulungin, Mabait, Malambing at Mapagmahal na anak... almost perfect

mga katangian na hinahanap ng isang babae... pag nakilala mo sya ng lubusan, masasabi mo talagang his more than a pretty face...

Siguiente capítulo