Nang hapong iyon ay napagdesisyunan kong makisalo sa mga pinsan ko. Hinanap ko kaagad sila Morthena, Atifa at Jadeite. It was sad to think that both Zette and Solaire failed to attend the wedding. Mga tatay kasi nila mga istrikto. Ewan ko nga kung paano nila napagtiyagaan ang mga iyon.
But at some point, I still envy them. I think it's good to have a father who will guide your way; who will help yourself to become the person you always wanted to be. Ang sarap kaya magkaroon ng tatay! Who wouldn't dream to have a loving father? Na tipong siya lang ay sapat na. 'Di mo na kailangang maghanap ng pagmamahal mula sa iba because your dad is more than enough.
Mula rito ay natatanaw ko na si Morthena na nakikipagtawanan kina Atifa at Herana. Nakaupo sila sa buhangin pero may sapin iyon ng manipis na tela. Sa harap nila ay may basket ng mga prutas.
Napansin ko kaagad na wala si Jadeite. Baka nga umuwi na kasi may inaasikaso sa negosyo niya. Within this week na rin siguro ang exhibit ng mga alahas niya.
Habang nagtatawanan sila ay nahagip ako ng tingin ni Herana. Kumaway kaagad siya sa 'kin nang nakangisi.
Walang pinagkaiba si Herana sa mga pinsan ko. Kung puwede nga lang sana ay pinsan na ang turing ko sa kanya, bakit naman hindi? She's like a family to me; to us. Kaya 'di na rin ako magugulat kung kilala siya ng mga pamilya namin.
"Lika, Luca!" Tawag niya. Ngumiti naman ako bilang sagot at tumakbo papunta sa kanila.
"Akala ko uuwi ka na!" Ani Morthena at kumain ng ubas.
Naghubad ako ng tsinelas saka nakiupo sa kanilang tabi. Si Atifa sa harap ko, sa magkabilaan kong tabi ay ang dalawang natira.
"Sino may sabi?" Tanong ko. Nakikuha na rin ako ng ubas.
"Si Moffet?" Si Atifa. 'Di na ako magugulat pa kasi close naman ang dalawang iyon.
"I changed my mind." Sabi ko.
Because of Ximi. Kasi natalo ako... nagpadala ako. But maybe it was the right thing to do. "Second chance," ikanga. No more chances the next time.
"Wala ka naman sigurong gagawin, right?" Atifa asked and bite her red apple.
"Wala. Alam mo namang nagkakatrabaho lang ako kapag may kliyente."
It was true. But the real reason why I changed my mind was better left untold.
"Si Jadeite pala?" Pag-iiba ko ng topic. Ayokong mapunta sa kung saan iyon. Alam kong kapag magkaroon ng suspetsiya si Herana ay wala na akong kawala.
"Umuwi na kaninang umaga," si Morthena ang sumagot. "Busy sa project niya. Alam mo naman... may pagkaambisyosa ang babaeng 'yon."
Natawa ako nang bahagya sa sinabi niya. Napansin niya rin pala iyon. But unlike her, I hated Jadeite. She's too arrogant.
"Hindi naman natin alam ang pinagdaanan niya," said the pregnant. "... we don't have the rights to judge."
"Nagsalita ang judgemental, ha?" Herana joked. Atifa just scoffed at her.
"Uy balita ko masamang galitin ang mga buntis," Morthena teased. Nagkatinginan sila ni Herana na halatang may sariling koneksyon sa isa't isa.
"Alam niyo na pala?" Tanong ko.
Kailan pa nila nalaman na buntis si Atifa? O baka naman ako pala ang nahuli sa balita?
"Last week?" Morthena replied, unsure. "Saka halata naman sa umbok ng tiyan ka. We all know Atifa is conscious when it comes to her body. Imposible namang lalaki lang 'yang tiyan niya sa pagkain."
"Puwede rin naman," sabi ko.
Puwede namang malaki lang talaga ang tiyan kasi bukod sa laging kumakain, umiinom din ng malamig na likido, most specially water. Nakakaumbok 'yon ng tiyan.
"'Di naman niya kailangang itago pati," singit ni Herana sabay kain ng orange. "She can trust us naman. Saka isa pa, pananagutan naman siya ni Tam."
"Speaking of him," I said. "... asan na 'yon?"
"Nasa loob." Si Atifa ang sumagot. Suot niya'y the usual floral brown dress. "Kasama yata sila Moffet at Ximi."
"Ahh," tanging sagot ko.
"'Di pala totoong sila ng babaeng Patricia ang pangalan," singit ni Morthena. Nabigla ako sa biglaan niyang pagpasok sa topic kaya naman ilang segundo rin akong nablanko.
"Huh!" Si Herana. "That bitch is feelingera." She flipped her hair with a rolling eyes.
"Bakit? Paano mo nasabi?" Tanong ko.
Ako lang ba ang nakakapansin na iba talaga ang reaksyon ni Herana kapag si Ximi na ang pag-uusapan or any girl linked to him?
"Feel na feel talaga nang pinakilala siya sa 'tin na girlfriend ni Ximi. As if namang papatulan siya nun!"
Kumunot ang noo ko. Bumaling ako sa dalawang babae sa nagtatakang mukha.
Ako lang ba ang walang alam sa nangyayari?
"'Di ko gets," sabi ko sa kanila. It was true. 'Di ko maintindihan ang sinasabi ni Herana.
"Kasi sabi ni Moffet sa 'min, kailangang magpanggap ni Ximi na boyfriend ni Patricia kasi dumalo lang naman 'yong baliw niyang ex-lover." Si Atifa ang sumagot.
I gasped at the realization. Sobra akong nawindang.
What else did I miss?
So ibig sabihin, totoo ngang kailangan lang ni Ximi na tulungan si Pat? At iyon nga ang magpanggap na in a relationship sila?
"Hindi pa rin kasi makaget-over 'yong boy kay Patricia so he is still hunting that girl." Kwento ni Morthena. "... and to make a proof na may jowabels na si girl, she asked Ximi some favor."
"E 'di ba nga nililigawan naman talaga ni Ximi si Pat?"
I couldn't be mistaken! Sa mga kilos ni Ximi, mukha namang gusto niya si Pat. In fact, I remembered when he told me one time that he changed his favorite ice cream flavor kasi ayaw ni Pat sa salted caramel. Ano 'yon lahat ng iyon? Palabas lang?
Isa pa, sinabi rin sa 'kin ni Ximi na kaya niya nagustuhan si Patricia kasi the girl was nice. She made him feel all the things he wanted to feel. Palabas lang din ba ang lahat ng iyon?
"What?!" Bulalas ni Herana. Kulang nalang talaga ng isang kembot at puputok na ang kanyang mukha kasi namumula siya. "No way! Ximi won't court that girl! Ever!"
Mas lalo akong nalito, mas lalong naguluhan. I didn't know if it was either the thing about Ximi or Herana's reaction. Bakit parang diring diri siya kay Patricia?
"Grabe ka naman makapanglait!" Saway ko sa kanya. Umawang naman ang labi niya.
"I'm just telling the truth!" Giit niya. "Maybe Ximi was just being nice to Patricia."
"He told me," I reprimanded. Or baka nagkamali lang ako nang pagkakaintindi?
"I asked Moffet but he said he was not sure if Ximi was really courting Patricia." Atifa butted in.
Huh? Nakakalito!
"Palibhasa kasi, crush ni Herana dati si Ximi," pang-aasar ni Morthena. Bigla namang namutla ang kaibigan ko.
Talaga? Kailan at paano niya nagustuhan si Ximi? Did it mean matagal na silang magkakilala?
"Hoy 'di ah!" Tutol ni Herana. Pumula ang kanyang mukha.
"Says who?" Morthena fired. "'Di ba nga dahil kay Sivi nakilala mo si Ximi?"
Siningkitan ko ng mata si Herana. Si Sivi, sa pagkakaalala ko, ay kaklase namin noong senior high pa kami. Kaibigan ko 'yon pero 'di ganoon ka-close.
Pero paano sila nagkakilala ni Ximi? Did they have the same school before?
"Dati lang 'yon, 'no!" Depensa ni Herana. "Isa pa, 'di na ngayon."
"Sus!" Kantyaw ng pinsan ko. "Kaya pala ibang iba kung makareact."
'Di na nagsalita si Herana kahit pa gusto niyang makipag-away. Siguro kasi wala siyang laban kay Morthena.
"Ang akin lang naman," panimula ni Herana. "... imposible namang liligawan siya ni Ximi. Oo may itsura si Pat pero kung agad agad na liligawan, aba baka nagayuma si Ximi."
Sumulyap ako kay Atifa na ngayo'y kumakain habang nakatingin sa 'kin. Nagkibit balikat lang siya habang ngumunguya.
"Mabait naman si Patricia. 'Di imposibleng magugustuhan siya ni Ximi." sabi ko.
Totoong mabait si Patricia. Sa loob ng ilang taon kong kasama siya sa trabaho, nakilala ko siya nang paunti unti. She has a good heart. Mahal na mahal niya ang kanyang pamilya.
"Whatever," Herana just rolled her eyes. Malabo ng mananalo siya sa 'min.
Nag-iba nalang kami ng usapan. Medyo mainit na ang ulo ni Herana dahil ayaw niyang magpatalo na imposibleng niligawan ni Ximi si Patricia.
Pero kahit ako, 'di ko alam kung totoo niya bang niligawan si Patricia. Looking back, parang nagbigay ng hint si Ximi na niligawan nga niya ang babae.
Ewan. 'Di ko alam. Bahala sila. Kung may nakakagulat na bagay, 'yon ay totoo ngang tinulungan lang ni Ximi si Pat. He saved the girl from her crazy ex-lover umano. Baka naman head over heels talaga si boy kay girl?
I should apologize to Ximi. Siguro naging masama ako sa kanya. Malay ko ba na ganoon nga ang totoong nangyari? Mahirap naman kasing isipin nalang na 'di totoo 'yon. I was hurting. Ayoko namang magmukhang tanga dahil lang mahal ko si Ximi.
"Ingat kayo sa LA," sabi ko. Naalala ko bigla na lilipad sila roon to have their honeymoon. Isa pa, nandoon ang ibang kamag-anak ni Atifa, specially ang kanyang lola at lolo sa father side.
"Pagkauwi niyo, pasalubong, ha?" Ngisi ni Morthena. "Mamimiss ka namin. Doon ka na ba manganganak?"
"Hindi naman siguro," kibit-balikat niya. "Baka uuwi rin kami rito."
"Gawin mo ng american citizen si baby," singit ni Herana. "... puwede naman ding dual, 'di ba?"
"Yeah," Atifa nodded. "... just like me."
"E kung anong gusto niyo, go lang," sabi ko kaya napatingin sila sa 'kin.
Wala akong alam sa sinasabi nila. Anong malay ko roon? Basta ako, Pilipino ako kahit may halo ng ibang lahi ang dugo.
Nang lumubog na ang araw ay napagdesisyunan na naming bumalik sa loob para kumain. Ito na ang huli naming araw dito sa Siargao. Bukas na kami uuwi. Ang iba ngang bisita ay nagsiuwian na dahil may mga trabaho pa.
I was busy scrolling my cellphone when someone knocked on the door. Sigurado akong sa pinto ko 'yon. Bumangon ako at nilapag ang cellphone sa kama para pagbuksan ng pinto ang kumakatok.
Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang nakangising mukha ni Ximi. He was wearing a watermelon pink cotton shirt, boxer short at tsinelas.
Kinunutan ko siya ng noo. What was that grin all about?
"What are you doing here?" Tanong ko sa kanya. Pero imbes na sagutin niya ako ay hinalikan niya ako sa pisngi.
"I just miss you, babe. Can I sleep over?" He pouted, nagpapacute.
"Uhh," naguluhan ako bigla. Naisip ko kasi na baka may mangyayari na naman sa 'min kapag dito siya matutulog. Isa pa, baka malaman nila Atifa na nasa iisang kwarto lang kami buong magdamag.
"Don't worry, I'll behave." He waved his brows with a grin. Inirapan ko naman siya at tumalikod na sa kanya.
My heart was thumping. I can feel it in my throat. Iba talaga ang epekto ng presensya niya sa 'kin.
"Ximi," sambit ko. Nilingon ko siya at sakto namang sinara at ni-lock niya ang pinto.
I felt guilty. Ngayong alam ko na ang totoo, napagtanto kong ang sama ko sa kanya. I should have let him explain! Pero 'di mo naman ako masisisi dahil I was just protecting myself from further damage.
"Hmm?" He hummed. Inaantok na siguro. Namumungay na kasi ang mga mata.
"Matulog ka na," sabi ko nalang. Tumango siya at sinunod ako. Humiga siya sa kama ko.
I sighed. Nakatingin lang ako sa kanya na ngayo'y nakabaon ang pisngi sa unan. Bagsak na bagsak ang katawan.
"My goodness," bulong ko sa kawalan. Kinuha ko ang cellphone ko at inilapag iyon sa bedside table.
Umupo ako sa gilid ng kama. Tama lang sa distansya ni Ximi. Napatingin ako sa legs niyang malaman at makinis. Talagang 'di mabuhok ang lalaking 'to.
"Sorry, Ximi," sabi ko kahit alam kong 'di na niya naririnig iyon. Humihilik na ang kumag. "I'm so sorry if I made you cry... if I didn't listen your side. Natakot kasi ako na baka after all this time, niloloko mo lang ako."
Napabuntong hininga ako. 'Yon lang naman talaga ang problema sa 'kin. Natakot ako na baka magiging okay lang kami kasi naniwala na naman ako sa isang kasinungalingan. It's better to be hurt by the truth than to be happy with lies.
"Babawi ako, Ximi. I promise you." Huli kong sabi.
Napagdesisyunan kong matulog na. It's was a hard day for me. I deserved some rest.
Nagising ako nang may kayakap. Pagkamulat ko ng mata, ang payapang mukha ni Ximi ang sumalubong sa paningin ko. Napangiti ako nalang ako. It was a good start to wake up beside the person you love.
I hoped this would last. Na tama na talaga. Kami lang ang para sa isa't isa. Na wala ng sisingit. Siguro puwede namang mangyari iyon. At bakit hindi kung pareho naman naming mahal ang isa't isa?
I tried to loosen up from his arm pero nagsisi ako sa huli. Nagising ko yata siya. Nang nagmulat siya ng mata at tinignan kaagad ako ay ngumisi ako.
"Good morning," ugong niya at hinalikan ako sa noo. Muli na namang kinilig ang puso ko.
"Goodmorning. Bangon na tayo?" Sinubukan kong kumalas pero mas humigpit lang ang pagkayakap niya sa 'kin.
"Later," he growled.
"Uhh, okay," sabi ko. Niyakap ko nalang siya at binaon ang mukha sa kanyang dibdib.
"Gutom ka na ba?" Bigla niyang tanong.
"'Di pa naman. Ayos na ba ang gamit mo?"
Tumingala ako para makita ang bagong gising niyang mukha. Nakapikit pa rin siya. Ngayon ko lang napansin na medyo makapal ang kanyang pilik mata.
"Not yet," he growled.
"Okay," tanging sabi ko. Niyakap ko ulit siya at pumikit. Nalulunod ako sa presensya niya.
Mabango pa rin siya. 'Yong tipong yayakap ang pabango niya sa damit o balat ko.
"Babe?" Sambit niya.
"Mm?"
'Di siya umimik kaya nagmulat ako ng mata at tumingala sa kanya. Mukhang malalim ang iniisip.
"May problema ba?" Tanong ko. Huminga siya nang malalim at hinalikan ang noo ko.
"Uuwi muna ako sa amin, babe." He said, making my world stop from spinning. "I have to finish some business."
"Matatagalan ka ba?"
What business ang tinutukoy niya? Gaano ito ka-importante?
"I don't know yet," he simply said. Nag-iwas naman ako ng tingin at ibinaon nalang ang pisngi sa kanyang dibdib.
Ibig sabihin, walang kasiguraduhan kung kailan siya babalik dito. Baka nga 'di na siya babalik.
I shook my head mentally. 'Di dapat ako magpapaapekto. Kung uuwi siya, hahayaan ko siya.
"Promise me you'll be safe always," sabi ko at tinignan siya nang diretso. He just gave me a small smile in return.
"Wait for me, okay? Promise me." Umaasa niyang sagot.
"I promise," I assured him. Hinalikan niya muli ako sa noo at niyakap nang mahigpit.
While me? Of course nasasaktan while thinking he'll be gone for god knows how long. Pero kagaya ng sabi ko sa kanya, I will wait for him no matter what it takes; no matter how much it would cost.