webnovel

Chapter 40

Atifa's wedding day was getting near. Isang araw bago ang mismong kasal ay naghanda ang lahat para sa dadalhin nilang mga gamit. It's a beach wedding kaya asahan na may maliligo sa dagat. And to think it was Siargao, the surfing capital, maraming excited sa magaganap.

Kahit naman ako ay excited na sa kasal. I've never even thought ganito pala sa pakiramdam dumalo sa kasal ng sarili kong pinsan, how much more kung si Atifa pa iyon? Tiyak akong 'di masidlan ng tuwa ang nararamdaman niya ngayon.

"Maraming rooms 'yon, la. Exclusive resort iyong venue." Sabi ko kay Lola Rita.

Gabi nang sama sama kaming apat na kumain, 'di naiwasan na pag-usapan iyong location ng kasal. I told them it was like a paradise. Ako mismo ang nakapunta roon dahil inasikaso namin ang set up.

"Mayroong pool doon kahit pa sabihing may dagat. In case you didn't want the beach, you may use the man made pool."

Malaki iyong pool, 2 ft to 8 ft ang lalim, depende kung saan mo gusto pumwesto. Pero kung saan mo prefer, doon ka. Wala namang magbabawal sa'yo.

"Excited na kaming lahat, hija!" Halata sa boses at ngiti niya ang excitement. "Finally ay matatahimik na 'yan si Atifa. She already knows the essence of her existence."

Natawa ako sa sinabi niya. Atifa's different. Lagi nalang party at club ang inaatupag lalo na noong mga college pa kami. 'Di ko nga alam paano siya napagtiyagaan ni Tam. Swerte lang talaga nila sa isa't isa.

"Magtitino na 'yan, la." Sabi kong nakangiti.

Pagkatapos ng pagkain namin ay tumambay ako sa pool. Nakahiligan ko na talaga ang tumambay rito pagsapit ng alas siyete o otso nang gabi. I just loved watching the moon while the wind was whispering. Ang sarap ding malunod sa kinang ng tubig na natatamaan ng ilaw.

"Hi, babe." A familiar voice knocked me off from my trance. Muli na namang nagwala ang puso ko.

I heard a low growl from him nang tumabi siya sa akin. Ang panlalaki niyang pabango ang kaagad na yumakap sa akin.

"Why are you still wide awake?" He asked and I faced him. Ngumiti ako sa kanya na ipinagtaka niya.

"I just can't sleep." I said and looked straight. "Ang bilis ng panahon, 'no? Parang kailan lang ay nasa high school pa kami tapos ngayon, ikakasal na si Atifa."

Hindi siya umimik. Nanatili naman ang tingin ko sa harap.

He told me everyday we are getting older. Ako, 25 na ako. 'Di ba bata pa naman 'yon masyado to settle down? Isa pa, 'di pa ako ready. Ni hindi ko pa alam ano talaga ang balak ko sa buhay. Pagkatapos ng kasal ni Atifa, 'di ko na alam kung ano ang gusto kong mangyari. Kung magpapatuloy ba ako sa pagtatrabaho o gagawa ako ng sarili kong pangalan sa industriya. I still didn't know.

Siguro kung nandito sina Mama at Papa, baka alam nila kung ano ang dapat kong gawin. They should have been here. Sila dapat 'yong gumagabay sa akin. Sila Lola Rita at Lolo Pocholo, masyado na silang matanda para isipin pa ako. Kaya ko na rin namang tumayo sa sarili kong mga paa. Dapat ay nagde-desisyon na ako para sa sarili.

"Babe," he called out. Halos mapatalon ako sa pagkabigla nang hinawakan niya ang kamay kong nasa hita. Nilingon ko siya at ganoon na lamang ang pagsikip ng dibdib ko nang nakita ko siyang nalulungkot. "May problema ba? You can tell me."

Pero hindi ako umimik. Hindi ko rin alam kung anong problema. Basta ay pakiramdam ko walang patutunguhan ang buhay ko. I didn't know how to plan and organize my life gayong ganoon ang trabaho ko. When it comes to myself, it just felt different. I can't comprehend. I can't decide.

"W-Wala naman," mahina kong sabi at nag-iwas ng tingin sa kanya. I didn't want him to think that I was weak. I've been living all alone in life and never needed someone to survive. Lumaki akong sarili ko lang ang iniintindi ko-- ang iniisip ko. I grew up with the mere fact that I had to be strong for myself; to be independent kasi mahirap masanay sa atensyon na binibigay ng ibang tao. Kapag mawala sila, parang bigla nalang hihinto ang mundo mo. You cannot revolve on your own because they've been your strength. Back to zero na naman kapag umalis sila.

I took a deep breath. Naramdaman ko naman ang maingat na paghawak ni Ximi sa kamay ko.

"Can I ask you a question?" I started, obviously I was asking him already.

"Go on, babe." He said and I turned to him. Malungkot ang kanyang mata. Maybe he was worrying about something.

"What are your plans in life?"

Kumurap lang siya, hindi kaagad nakabigay ng sagot. He was thinking about my question. Sa huli ay nagbigay siya ng tipid na ngiti.

"Whatever suits in you, babe. All my plans are with and for you."

"With me? For me?" Pagkaklaro ko. Parang may sumabog sa tainga ko. "What do you mean?"

He sighed exasperately at inangat ang kamay ko. He kissed my knuckles while looking at me.

"I can't lay down my plans without you, babe. Gusto ko kasama kita."

May kinuha siya mula sa kanyang bulsa. I gasped the moment I saw it was a red box covered in velvet cloth. 'Di naman siguro ako namamalik mata lang?

He gently opened the box and presented it to me. Bumungad sa dalawang mata ko ang round stone na singsing. Kulay puti ito.

"I know I'm too fast but I just want to make sure everything is worth waiting for, babe." He said, looking straight at me. Nangingilid iyong luha ko. My heart was sinking for unknown reason. Parang nananaginip lang ako.

"X-Ximi," napalunok ako ng isang beses. Tinignan kong muli ang singsing saka ang mukha niya.

"Will you be my wife, Lulu Cailleigh Nadella?" He asked, punong puno ng sinseridad ang boses. Ang kanyang mata ay namumula at namamasa.

"You're too fast, Ximi." Sabi ko but there was an urge of me to accept the ring. Of course I will. "Paano kung magkamali ka sa pagpili sa 'kin?"

"Kailanman ay 'di nagkakamali ang puso, Luca. Handa naman akong maghintay hanggang sa ready ka na. Hanggang sa mapagtanto mong ako rin 'yong kahati mo."

Bumuhos ang luha ko. Sobrang saya ko ngayon. 'Di ko mapigilang umiyak sa tuwa. I just found myself nodding to his question. Sino ba ako para tumanggi? Siya rin ang pangarap ko.

Kinabukasan ay maaga kaming tumulak papuntang Siargao. Mabuti nalang at hapon ang umpisa ng kasal. May sapat na oras pa kami para makaabot at makapagpahinga nang kaonti. Kailangan ko pa namang ayusin ang mga pagkain na ihahanda. I had to make sure na walang magiging problema roon.

"Wala pa ang bride pero nandito na ang groom." Anunsyo ni Herana sa amin.

Hinihintay nalang namin si Atifa. Ang sabi ni Morthena ay malapit na sila. Nang nalaman din iyon ni Tam ay kinabahan siya bigla. Siguro 'di lang talaga siya makapaniwala na itatali na siya sa magiging ina ng kanyang mga anak. I wished them all the best. Siguro, kapag nasa tamang panahon na at ready na talaga ako, ako naman ang susunod.

We waited for few minutes bago nag-text si Morthena na nasa labas na sila. Kami naman ay excited at nag-panic at the same time. Finally, the long wait is over. Sa hinaba-haba ng prusisyon, sa altar pa rin ang hahantungan.

Kanya kanya ng puwesto ang mga imbitado. 'Di naman sila karamihan pero 'di rin bilang. Maraming mga kaibigan si Atifa at natural din na malawak ang clan namin kaya napuno talaga ang puting upuan. Sa side naman ni Tam, mga kamag-anak niya at ang pamilya ang naririto.

While watching Atifa walking down the aisle, 'di namin maiwasan ang maiyak. She was crying her heart out, too. Siguro maging siya ay 'di makapaniwala sa mga nangyayari. Baka iniisip niya na nasa pelikula lang siya o naglalaro lang sila ng kasal kasalan.

Pero hindi. Totoo na 'to. Wala na sila sa libro. Sabay na nilang haharapin ang panibagong yugto ng kanilang buhay.

After the wedding, kanya kanya ng kumain ang mga bisita. Sarap na sarap sila sa mga pagkain dahil sina Ademe at Kier lang naman ang nai-hire ko para magluto. Sila lang talaga kasi ang mapagkakatiwalaan ko.

Sa venue, may tugtugan. Mayroon silang pinapanood sa amin sa malaking screen, iyong portable. Nandoon lahat ng pictures nila. Mula noong sila pa, engaged na hanggang sa 'yong pictorial sa kasal. Ang sweet nila. They seemed so in love. Kahit nakasalamin si Tam, kita sa mata niya kung gaano niya ka-mahal si Atifa. And I couldn't ask for more but for their strong relationship. Lalo na ngayon na may hinihintay silang lumabas na supling.

Nang nainip ako nang kaonti ay lumabas muna ako. 'Di ko pa nakikita si Ximi at Moffet. Nasaan kaya ang mga iyon?

Naglakad ako kahit saan hanggang sa nakita ko ang mga pamilyar na mukha. I smiled in awe. Nakaramdam ako ng saya nang makita si Ximi. But then, it turned out to be my worst daydream when I heard him saying,

"This is Patricia, my girlfriend." Nakangiti niyang pakilala kay Patricia sa kanyang mga kaibigan. Halatang arogante siya kung anong meron siya.

Nahigit ko ang hininga ko. I didn't know how to react. Parang may sumabog sa tainga ko.

Nabigla ako.

Nawindang.

Nasaktan

At gumuho.

And just that, I found myself crying hard. My heart was sinking. Hindi ako makagalaw. Nanghina ako sa narinig ko at napatingin sa kamay na may singsing.

Kagabi lang 'yon, a? Bakit parang nanaginip lang ako? Pero kung ganoon, bakit totoo ang singsing sa kamay ko?

I gritted my teeth in anger. Nandidilim ang paningin ko. I felt betrayed. I felt fooled by the person I loved the most.

So I ran away. It's all I can do at this moment. To run away; to mourn for my dead heart.

He broke me... 'cause I let him. He made me believe that I was the only one.

Tama si Elliana. I should have listened to her. Dapat naniwala ako sa kanya at 'di nalang sa puso ko.

Pero dapat ko rin bang sisihin ang puso ko? Ang sarili ko? Akala ko kasi siya na. 'Di pa pala. 'Di naman pala.

Natapilok ako kaya bumagsak ako sa mabuhanging parte ng baybay. Umiyak na naman ako. Nagkagasgas ako sa tuhod but it was nothing compared to the bruises Ximi had caused me. He got me going. He fooled me.

Girlfriend na niya si Patricia? Kailan pa? Bakit 'di ko alam? And if she was, why did Ximi propose to me last night? Was that part of his plan of killing me? Ano bang nagawa kong mali sa kanya para saktan niya ako nang ganito?

Tumayo ako at nagpunas ng mukha. May iilang buhanging dumikit sa braso ko na siyang nagpuwing sa akin. Napamura ako nang mahina dahil masakit ito.

"Luca!" Rinig kong pamilyar na boses. Nataranta ako. Ayaw kong makita niya akong umiiyak. "Okay ka lang ba?" Tanong niya sa nag-aalalang boses.

Kahit 'di ko siya tignan nang diretso ay alam kong nag-aalala ang kanyang mukha ngayon. I can imagine him.

"Here, I got you." He said. Hinawakan niya ang dalawa kong braso at tinulungan akong tumayo. 'Di naman ako pumiglas. I was too tired. My heart was sore. "May gasgas ka." Komento niya.

"I'm fine, Moffet." Sabi ko nang nakapikit. May buhangin pa rin sa mata ko.

"You're not. Napuwingan ka."

Hinawi niya ang kamay ko at maingat na binuksan ang kaliwang mata. I wished it's how easy to open my eyes to reality. Sana ganoon nalang din kabilis buksan ang mata ko sa katotohanang niloloko lang pala ako ni Ximi. Na lahat pala ay palabas lang.

Puta, I didn't expect that one. Masyado akong nahumaling sa mga salitang lumalabas sa kanyang bibig that even my eyes shut down to let my ears work on their own. And now, I am blinded. I was blinded as easy as how the sand lingers inside my eyes. Nakakabulag naman talaga kapag napupuwingan ka. Pero mas nakakabulag pa rin kapag nagmamahal ka.

Maingat niyang binubuksan ang mata ko at hinipan iyon. Muli akong pumikit at hinayaan naman niya ako. Sa sandali pa ay marahan kong binubuksan ang mga mata ko. It still hurt but I managed to do it.

"Okay ka na?" Nag-aalala niyang tanong. Tumango naman ako kahit 'di pa talaga ako okay.

Okay ba 'yong malaman na niloloko ka lang pala? Okay ba 'yong pinaniwala kang ikaw lang? Okay ba 'yong pinagpalit ka sa iba nang ganun ganun lang?!

Kung ganoon ang basehan ng pagiging okay, putangina 'di ako okay!

"Luca," mahina niyang sambit. Muli kong naramdaman ang pagsikip ng dibdib ko.

Sobrang sakit. Pinaglalaruan lang talaga ako ni Ximi. Ginawa niya akong libangan while Patricia was not around. At nang bumalik na si Patricia, iniwan ako na parang lumang laruan. Dahil tutal nandoon na ang paborito niya, wala na akong kwenta. Wala na akong halaga.

Ganoon lang ba ang tingin niya sa akin? Pampalipas oras? What about the sex that we did for how many times? Ginawa niya lang ba iyon dahil nga nababagot siya? Or worse, nagawa niya iyon habang iniisip niyang ako si Patricia?

Putangina.

I don't want to hear his excuses. I don't want to see his face anymore. Baka mandilim lang ang paningin ko.

Narinig ko ang mabigat na hininga ni Moffet. Siguro sa mga oras na 'to, ako na ang pinakamahinang tao na nakilala niya. At habang iniisip ko 'yon, mas lalong sumisikip ang dibdib ko. Niyakap ko nalang siya nang mahigpit saka tuluyang pinakawalan ang mababangis na luha.

Ayoko na, tangina.

Siguiente capítulo