webnovel

Chapter 29

As what was the planned thing, pupunta kami sa bahay nila Isha. But I didn't think sa mansyon since Aubriene told me nasa Villa Imelda ang kuya niya ngayon. So probably, sa Villa Imelda kami pupunta.

"Malapit lang ba 'yon dito?" I asked.

Kalong ko si Ori while Natasha was driving at katabi niya si Aubriene. Pinauwi ni Natasha iyong driver niya since she'll be the one to use her orange RANGER.

"Puwede na rin, ate." Sagot ni Aubriene.

I glanced outside the car. Mga punong kahoy o bundok lang ang nakikita ko, paminsan minsan may mga bahay. Sobrang layo nito sa nakagisnan kong lugar na kabahayan, may nagtatayugang gusali, billboards at kung ano pang meron sa siyudad. Sobrang layo nito sa kabihasnan.

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa tanawin sa labas. I felt like living in forest, in mountain. Pero kung sabagay, maybe they considered this place as mountain?

May mga damo sa gilid ng makitid na daan. Para siyang eskinita na halos isang sasakyan lang ang magkasya. And to think na 'di pa sementado ang daan, sumasayaw nang mahina ang sasakyan.

"I want dada!" Biglang sabi ni Ori na nakaupo sa hita ko.

"Malapit na tayo, Ori." Si Aubriene ang nagsabi as she looked behind. "Just wait for a moment, okay?"

"Okay!" Magiliw na sagot ni Ori at pumalakpak.

"Namiss ko si Bruno." Biglang sabi ni Natasha na chill lang magmaneho. "'Di na kasi ako nakakapunta sa Villa Imelda kaya 'di ko na alam ang kalagayan niya."

Sino kaya si Bruno? Napaisip ako bigla sa itsura niya. Pero kapangalan siya ng aso.

My heart raced abruptly. I was praying intently na hindi aso si Bruno. What's wrong with the people who love dogs?

"Malaki laki na rin 'yon." Sagot ni Aubriene. "In fact, Bruno's bigger than Ori now."

Napalunok ako. Tama. Tama ako! Baka nga isang aso iyon! And what? Malaki na? Mas malaki pa kay Ori! Mahihimatay yata ako!

I fanned myself. I swore I was having a hard time to breathe. May kung anong nagwawala sa tiyan ko.

"I miss Bruno!" Biglang sabi ni Ori at nag-angat ng tingin sa akin. "Let's play with Bruno!"

Napakagat ako ng labi. Fudge! Nasaan ba si Ximi? Puwede bang sila nalang maglaro ni Ori? Oh my god! Puwede namang si Natasha nalang!

"Please, Mama?" She pouted and I winced.

"What?" Humalakhak si Aubriene sa kinauupuan niya. She once again turned to us. "You call her "Mama", baby?"

Aubriene found it funny. Kahit naman siguro ako ay magugulat sa kung paano ako tawagin ni Ori.

"She's Ate Luca, baby." She chortled. Ori was looking at her then turned to me.

"Ate Luca?" Inosente niyang sambit at tinignan ako nang diretso. Her eyes were dilating. "Mama." She insisted. Hinawakan niya iyong pisngi ko. Ang liit ng kamay niya.

I smiled and kissed her forehead. "Ate Luca."

Bumagal ang takbo ng sasakyan kaya nabaling sa iba ang atensyon ko. We're almost here. May nakita akong signage na "Villa Imelda" ang nakalagay at nandoon din ang logo nito.

"We're here!" Excited na bulalas ni Aubriene. Lumabas kaagad siya at sumunod si Natasha while I remained on my seat kahit pa nagpumalakpak na si Ori sa tuwa.

"Go! Go!" Tumili sa excitement si Ori. I had no choice but to open the door at pinauna siyang lumabas.

I took a deep breath. Siguro naman nakatali lang iyong aso, 'di ba? I just really hate dogs! They were monsters!

"Tara na, Ate Luca!" Aya ni Abi sa nakangising mukha. Katabi niya ang seryosong Natasha na karga si Ori.

"Sige, susunod ako." Sabi ko, which I thought was a lie. I mean, wala akong balak pumasok sa loob kasi baka may aso at atakihin ako.

"Sige, Ate Luca. Mauna na kami!" Pagpaalam niya. She waved at us.

"Bye!" Cute na sabi ni Ori at kumaway sa akin. Ganoon din ang ginawa ko.

I contemplated and once again, huminga ako nang malalim nang nakapagdesisyon.

Kaya mo 'to, Luca. Relax ka lang. 'Di ka takot sa aso. Mababait sila.

Gathering all my strength together, lumabas ako ng sasakyan at ang malamig na hangin ang sumalubong sa akin. Ngayon ko lang napansin iyong pine trees sa paligid, sa harap ng resort.

Sa paarkong gate pa lang ay may nakalagay na "Welcome" sa taas at "Villa Imelda" naman sa baba. Napapaligiran ng mga halaman ang gilid nito at maging sa loob. May bakod itong gawa sa semento na disenyuhan ng mga bato bato. Halos mga halaman lang ang makikita rito bukod sa loob na may bahay o siguro doon ang office o kung ano man ang tawag nila dito.

Huminga ako nang malalim. It's been my dream to live my life with serenity. Iyong walang hassle, malayo sa gulo at kalmado ang paligid. Silence has been my friend eversince. Ayoko sa magugulong tao, bagay o lugar. I wanted peace to think comprehensively. 'Di ako sanay sa maingay na lugar at mga tao. Kaya isa iyon sa rason kung bakit minsan 'di ako nakakapagtimpi. Kung bakit una palang ay ayoko na kay Ximi.

Pumasok na ako sa loob. Tanaw ko mula rito ang isang may kalakihang bahay na sa harap nito ay mga halaman. It has sliding windows na mukhang tinted or dark brown dahil nakikita ang repleksyon ng mga punong kahoy sa labas. May parking lot din o espasyo para doon iparke ang sasakyan. At sa harap ng bahay, may nakalagay na "Villa Imelda" sa logong bundok na may pine tree sa gilid. Sa baba ng pangalan ay ang lokasyon ng resort.

Sa kanang banda ng bahay ay may tangke ng tubig. May nakatatak ulit doon na pangalan at logo ng resort. Mayroon ding mga halaman. I guessed hindi nauubusan ng halaman ang lugar na ito.

Sa kaliwang banda naman ay may tent kung saan puwede kang tumambay. Nakakamangha dahil gawa sa kahoy ang upuan na may dalawang gulong sa magkabilaang parte. Dalawa iyon at magkatapat. Sa gitna ay may mesang bilog na gawa rin sa kahoy. Varnished ang mga iyon, kulay light brown. I felt like I was back in history dahil ganoon ang mga kagamitan noon. And to add more art, may mga bushes na preskong luntian ang kulay. At ang sahig, hugis honeycomb.

Naglakad ako kahit saan. I wanted to explore the whole place. May kalakihan pa naman itong lugar and I thought of myself being lost. To think hindi ko kabisado ang bawat daanan na kung saan nakakapunta. Mabuti nalang at marunong akong magtanda.

I roomed around, enjoying the nice view. Malamig ang hangin at sumasayaw ang mga nagtatayugang puno. Nakakamangha lang talaga. Kung ganitong lugar ang tinitirahan ko, hindi na ako aalis dito. Sa ganitong lugar na ako tatanda at mamamatay.

Nakarating ako sa isang lugar kung saan may malaking bangin. Hindi talaga siya bangin. Isa siyang sapa na may umaagos na tubig doon. Sa baba ay may malalaking bato. Nilulumot na ang paligid na nagsisilbing barrier. At meron sa gilid ng daan papunta sa castle-like building, may warning sign doon na striped, dilaw at itim.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Ngayon ko lang napansin ang mga sasakyan, van and ordinary cars. Mayroon ding mga tao na 'di pamilyar sa paningin ko. Maybe they were having a great time staying here. Summer na rin naman kaya uso na ngayon ang bonding. May mga naliligo sa dagat o nagstay sa isang resort. Some were also looking for adventure.

Lumingon ako sa kaliwang banda ko. Malinis ang pagkakagawa ng bakod na gawa lang din sa bato o semento. Sa ibabaw noon ay damuhan na may pine trees. Puwede siguro roon tumambay puwera nalang kung gabi na. Baka may mga ligaw na hayop doon. Marami pa namang punong kahoy.

I walked around again at napahinto sa tapat ng isang payat pero mataas na kahoy. They all looked like bamboo trees but I didn't think it was really a bamboo tree. Maramihan ito at kulay puti na gray. Kung ano man ang tawag nila rito, bahala sila.

I checked my wristwatch and found out na tanghali na. Ngayon lang din ako nakaramdam ng gutom. Nasaan na kaya sila? Si Ximi? 'Di ko pa naman alam kung saan pumunta 'yong tatlo. At mukha ring naliligaw ako.

'Di bale na, I thought to myself. Ngayon lang ulit ako nakapunta rito kaya gusto kong sulitin. Maraming nagbago and those changes made me feel like it was my very first time here. Kaya naman naglakad muli ako kung saan hanggang sa napadpad ako sa lugar na may Mother Mary sa loob ng arkong bato, looking like a cave. Hugis tatsulok ang espasyo na may harang na blue chain barricade stand. 'Di naman ito kalakihan. Tama lang pang harang.

Mayroon namang hagdanan na may apat na batong hagdan. Ang paligid din ng statue ay gawa sa bato. At ang mismong kapaligiran ay mabato rin pero maliliit lang na matatalas.

Umakyat ako roon. I was just curious of the place. Kaagad kong napansin ang maliit na parang pond. Kulay green na ito at may kung anong bulaklak ang nakalutang. And the way to lady statue, may rectangle sa lupa kung saan doon ka aapak.

I sighed. I was loving the place. I wanted to have this kind of sanctuary. Maybe soon, maybe hindi na. Basta ay payapa ang lugar na tinitirahan ko, ayos na sa akin iyon.

Napagdesisyunan kong bumalik sa kung saan ako nagmula. At habang naglalakad ay panay pa rin sa paggala ang mga mata ko. Mayroon palang mga kwarto rito. Mayroon ding hagdanan pataas na mukhang mapapasabak ka sa labanan dahil ilang steps din iyon. Sa taas noon ay may bahay. Baka mga kwarto iyon. Mukha pa namang magarbo.

I was in the middle of my trance when I saw a stranger. Nakatalikod siya mula sa akin and he seemed lost o may hinahanap. Naningkit ang mata ko habang pinapanood siya. May kung ano siyang hinahawakang papel na panay siya sa pagsulyap noon. I had the urge to approach him kaya ganoon din ang ginawa ko.

"Hi!" Bati ko sa kanya. Kaagad siyang umikot para harapin ako. He was a little bit surprised. I smiled at him to make him feel comfortable. "Are you lost or something?"

He was just staring at me na parang 'di makapaniwala sa nakikita niya. I found him strange.

"Uhh, hi."

"Are you okay?"

"O-Oo," panay siya sa pagtango. "Nawawala kasi ako. 'Di ko alam saan 'yong room ko."

"Baguhan ka ba rito?" I asked at nilibot ng tingin ang paligid. Mukhang may kalayuan ang lugar na ito doon sa function hall na hugis kastilyo.

"Uhh, oo." Tumango siya.

"Sino ba kasama mo rito?"

Nasaan sila ngayon? Paano siya nakapunta rito?

"Si Isha."

I contorted my face at him. 'Di naman siya mukhang pamilyar sa akin kaya 'di ko masasabing Isha na second cousin ko ang tinutukoy niya.

"Ate Luca?" Rinig kong boses ng babae. Pareho kaming napatingin ng lalaki sa pinanggalingan noon and to my surprise, isang matabang babae ang nakita ko.

"Isha?" Tawag ko sa kanya. "Hey!"

"Ate!" Tumakbo siya papunta sa akin. Ang taba pa rin niya! Mas tumaba kumpara sa huli kong kita sa kanya.

"How are you?" I hugged her tight pero mukhang ako 'yong naging palaman. Ang taba niya talaga!

"I'm good!" She giggled and glanced at the boy. "Nandito ka lang pala. Saan ka ba nagpupunta?"

"Iniwan mo kaya ako rito!" Pagsusungit ng lalaki.

"Okay! Sorry. Balik na tayo sa function hall." Isha turned to me. "Pasensya na, ate, but we have to go na." Hinawakan niya ang braso ng lalaki at ambang umalis. "Kuya Ximi's been looking for you pala. Nag-aalala kasi 'di mo pa naman daw kabisado ang lugar na ito."

"Okay." Tanging nasabi ko. Kumaripas na ng takbo ang dalawa. That was weird.

Bumalik na ako sa labasan. I was thinking of meeting Ximi today. Sabi pa naman ni Isha nag-aalala ang kumag na 'yon sa akin. Kahit naman 'di ko kabisado ang lugar na 'to, marunong naman akong magtanda ng pinanggalingan ko.

Napadpad ako sa tambayan. Nandoon 'yong dalawang upuan na pang general. Doon muna ako nagpalipas ng oras. Ang sakit na ng paa ko. 'Di nasanay sa mahabang lakad.

I leaned on at pinagkrus ang hita at dalawang kamay. I was in the middle of my reverie nang may narinig akong pamilyar na boses. Nanatili namang nakasara ang mata ko kahit pa alam kong si Ximi iyon.

"Where have you been, Luca?" May halong inis ang boses niya. "Why did you tour around alone?"

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko. I wasn't wrong he sat next to me dahil naamoy ko na naman ang panlalaki niyang pabango.

"Luca," banayad niyang sambit. Naramdaman ko ang kamay niya sa braso ko. At muli, bumilis ang tibok ng puso ko. "Nag-aalala ako sa'yo. Saan ka ba nagpunta?"

I opened my eyes and immediately faced him. His whole face looked so worried. Parang ngayon ko lang nakita ang ganyang ekspresyon sa kanyang mukha.

"I was thinking I needed some time for myself." Sabi ko. Napatingin ako sa kamay niyang maputi na nakalapat sa braso ko.

"Why?" He asked with a breath. Muli ko siyang tinignan sa mata.

His light red lip was a temptation. His big eyes were screaming in fear. Sa malapitan ko lang napapansin ang stubbles niya and his face, makinis na daig pa ang babae. Wala man lang tigyawat o marks bukod sa nunal niyang pen point sa pisngi.

He has small ears na may dalawang nunal na maliit sa left side down to his neck. He has a high nose bridge, kapansin pansin iyon lalo kung nakaside view. And his brows, straight.

Sa unang tingin sa kanya, malinis at disenteng tao. Mukha rin siyang feminine sa ibang anggulo, siguro dahil kahawig niya ang kanyang nanay. And his eyes, dark brown na almost black. Nagkamali ata ako ng tingin noong una naming pagkikita.

"S-Sino si Bruno?" I asked, cowering. I saw a glimpse of surprise in his eyes. "Aso 'yon, 'di ba?"

He remained his eyes on me. Para bang binabasa niya ang nasa utak ko.

"Luca," he sighed. Nahihirapan siguro sa sitwasyon ko ngayon. "Yes, Bruno's a dog. But don't worry, nandito naman ako. I have promised I won't leave you, haven't I?"

I looked away and bit my lower lip. I nodded and gawked somewhere else.

"Just trust me, Luca." He said and gently squeezed my hands. Muli ko na namang naramdaman iyong pamilyar na mahinang kuryente. "No one can hurt you while I'm around."

"Thank you," I said, almost in a whisper. Nanatili lang ang tingin ko sa kawalan. Kapag kasi titignan ko siya ulit, I knew I just destroyed my own brick.

Siguiente capítulo