webnovel

Chapter 11

Ice Kiss

NANATILI ako sa loob ng school infirmary ng dalawang araw. Si Jufiel, si Lemuel at si Manong ang nagbantay sa akin. Sinabihan ko na silang pumunta na sila sa klase nila pero antitigas ng ulo. Si Jufiel, pupunta na sana pero pinagbantaan naman ito ni Lemuel. Si Manong, sinusunod naman ako at umaalis pag pinapaalis ko. Pero kalahating oras lang naman ang pagkawala nito, maya-maya ay bumabalik rin suot na ang bagong damit at bago ng ligo. Silang tatlo ang dahilan ng sakit ng ulo ko sa araw-araw.

Ngayon, tahimik na sa loob dahil pinaalis ko na talaga sila. Kung paano ko yun ginawa ay dahil sa sinabi ko.

"Magbibihis ako ng tatlong oras. Pag kayo, pumasok lagot talaga kayo!" Naalala ko pang sigaw ko nun. Agad din naman silang umalis at iniwan ako.

Mag iisang oras na nung sila ay umalis. Tinutoo nga nila ang sinabi ko. Mabuti na rin yun. Dalawang araw na rin silang liban sa klase dahil sa akin. Nakakakonsensiya na.

Napabaling ang atensyon ko mula sa puting pader ng infirmary papunta sa pinto nang bumukas ito. Pumasok ang school nurse. Yung school nurse na nagbantay kay Gio nung nagkasakit ito.

"Pumasok ka sa loob at gagamutin kita, " sabi nito. Mukhang may pasyente na naman ito bukod sa akin. Parang kani-kanina lang, may tatlong pasyente na nagsapakan dahil sa dota, ngayon meron na naman. Ano na naman ito? Sinapak ng prof dahil nahuling naglalaro ng Summer Time Saga? Tss.

Bumukas ang pinto. Tiningnan ko kung sino iyon at nagulat na lamang ako nang makita siya, putok ang ibabang labi. Nangunot ang noo ko nang magtama ang paningin namin.

"Hey, " pacool nitong bati sa akin bago pumasok at umupo sa isang upuan malapit sa desk ng school nurse.

"Hindi ka dapat nakikipag-away Gio, " malanding saad nung school nurse habang ginagamot ang putok na labi ng mokong. Nakalihis ang tingin ko sa kanila pero nakikita ko parin ang landian nila sa gilid ng mata ko. Nakakainis. Bat dito pa nila napiling maglandian? Sa dami ng lugar e.

I stared at the white wall infront of me. Somehow, napakainteresting ng pader para sa akin ngayon.

"I heard ikaw raw ang unang nanapak. Bakit mo ginawa iyon?"

Hindi ko nakikinig.

"You shouldve not let others hit you Gio. Sayang ang gwapo mong mukha, "

Crap.

"What do you want? Gusto mo bang—"

Hindi ko na napigilan. "Shit!" I cursed, real hard unknowingly. Hindi naman naituloy ng school nurse ang sasabihin nito. That's good. Dapat alam nilang nandito ako, na naririnig ko sila, at tinitingnan ko sila sa gilid ng mata. Ah shit, no. Hindi ko sila tinitignan!

"I want an iced tea, " narinig kong sabi ng mokong. Sa buong pag-uusap nila, yun lang ang narinig ko mula sa kanya. Or baka naman binubulong niya. Shit siya. Malandi.

"Okay baby Gio, "

At may endearment pa! Fuc*! Ah shit, why am I even cursing inside my head. Why would I care? Care? I fuc*ing dont care! Never.

Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pinto. The nurse left and that means, I was left with him or he was left with me alone in this infirmary. Ha, I couldn't even stand being alone with him in this closed room.

Nakita kong tumayo siya mula sa pagkakaupo sa upuan nito. He started making his steps toward me.

"Wag kang lalapit," banta ko.

"At bakit?" Sabi nito habang pinagpatuloy ang paglakad papunta sa kama kung nasaan ako.

Inis kong tiningnan siya and I was left startled at how he looks at me. Bumaba ang tingin nito sa mga bendang nasa braso ko. Worry is evident in his eyes. Lips pressed and eyes wandering everywhere. With his hand, nagawa niyang hablutin ang puting kumot na nagtatakip sa binti ko. Namula ako. Im onky wearing a white gown gaya nung sa hospital. Maiksi ito kaya naman hindi nito natatabunan ang tuhod ko which is very very uncomfortable for me.

"Ano ba?! "Sigaw ko at saka ibinaba ang suot kong damit para takpan ang benda ko.

"Who did this to you?" Seryosong tanong nito.

"Anong paki mo?! Akin na nga yang kumot!" Sigaw ko.

"Sagutin moko. Who did this to you?!" Nagulat ako sa pagsigaw nito.

Nakita ko ang pag-iba ng ekspresyon nito. Mula sa nag-aalala, napalitan ang ekspresyon nito ng galit. Why is he even angry?

"Bat ka sumisigaw?" Singhal ko sa kanya. "Ako lang dapat ang sumisiga—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko nang higitin niya ang pulso ko. He pulled me towards him kaya naman natahimik ako. Napalitan ng kaba ang pagkaasar ko sa kanya. Ano bang ginagawa niya?

"Do you know how much worried I am?"

I blinked twice, no thrice to be exact the moment he uttered his question in a very soft tone. Inilihis ko ang tingin sa kanya matapos niyang pakawalan ang nanunuyang mga boses na lubos kong ikinagulat. Why does it feel like real? Na nag-aalala talaga siya?

"No, " sagot ko.

"If I have not punched random guys outside, hindi ako makakapasok rito at di kita makikita!"

Nanlaki ang mata ko nang marinig ang sinabi niya. Ibinalik ko ang tingin sa kanya. So nambugbog siya at nagpabugbog para lang makapasok sa infirmary?

"You could have visited me without bruising yourself, " sabi ko.

"Ha! With that jerk around? " siya.

Nangunot ang noo ko. "Jerk?

"That Lamuel, " siya.

"You mean Lemuel? " ako, pagtatama ko sa kanya. Tumango naman ito nang marahan. Hinigit ko ang pulso ko mula sa kanya at nagawa ko naman iyon. Ibinaba ko iyon sa may binti ko kasama ng isa ko pang kamay. I looked away bago nagsalita, "Bakit naman ayaw mong nandito si Lemuel? Titingnan mo lang naman ang kalagayan ko. "

"Titingnan lang kita? That's not just it, "

Muling kumunot ang noo ko. Naguguluhan nilingon ko muli siya. Sa loob ng sampung minuto, marami siyang pinakawalang mga salitang hindi ko lubos maintindihan.

Inihis niya ang tingin sa akin at saka lumingon sa likuran. Tumingin siya sa taas at saka hinawakan ang kurtinang nakasabit sa gilid ko. He then pulled it to the other side kaya natakpan kami mula sa kabilang parte, mula gawi kung nasaan ang pinto. Nagulat ako sa ginawa niya pero mas nagulat ako sa susunod nitong ginawa.

The next thing he did after closing the curtain before us made my eyes widen. His lips pressed unto mine, his hand around my face, settling me on my position. Kung paano nangyari yun ay hindi ko alam. His lips moved in a gentle manner that made my eyes fall shut, my shoulder relax and my heart skip. He was kissing me or we were kissing. Hindi ko lubos maisip na hinahalikan ko ang taong kani-kanina lang ay sinisigawan ko. I hated this jerk since the first time I saw him up until now. Yes, I still hate him. For everything he did. Mula sa pag-agaw niya sa pwesto ko sa hierarchy, sa puwersahang pagpasali niya sakin sa gang nito, for unraveling my secret as the former The First hanggang sa ngayon na walang pamamaalam nitong paghalik. I hate him for everything. I hate him for changing me.

I stopped and moved my face away. Tiningnan ko siya at dumako ang tingin ko sa mga kamay kong nakapulupot sa leeg niya. Kung paano napunta yun doon ay di ko alam.

"Makita tayo ng nurse, " sabi ko.

He smirked. "Mataas ang pila sa cafeteria. Unlimited ang iced tea ngayon, " sabi nito bago kinabig ulit ako.

This man. How could he change me into something I never thought of?

Damn, this jerk.

Siguiente capítulo