webnovel

Chapter 30: OPTIONS

CHAPTER 30

        Ngayon lang muling makita ni Rain si Faith mula nong umalis ito sa ospital. Matindi ang tama ng mga sinabi nito sa kanya non kaya nahihirapan siyang makita ito. Sumasakit at naninikip ang dibdib niya sa tuwing naiisip na tama lahat ng pinamukha nito sa kanya. Pero ngayon,  di niya maiwasang titigan ito sa reaview mirror.  Nakikita niya ang repleksyon nito doon. Kahit nasasaktan siya ay namimiss niya pa rin ang dalaga.  Alam niya ring nasa panganib ito dahil sa nangyari at may pinagdadaanan pa mula sa mga bangungot ng nakaraan. He wanted to ask how she is. Pero alam niyang di rin siya masasagot nito ngayon.

       "Tell me what's going on kasi may gagawin pa ko." Sabi ni Faith,  halatang naaatat na to.

      May trabaho pa kasi ito. Alam na niya tungkol saan ang sasabihin ng kakambal dahil nakasunod siya dito mula nong di na niya sinusundan si Faith.

      Even he, doen't like the idea of his parents investigating her. Buti pinili ni Raimer ang other option nito. But how he wished that he'll be the one introducing her to their parents. Pakiramdam niyang mas sasaya siya pag siya ang gumawa.

      Halatang nag-iisip pa ang kakambal niya kung pano sisimulan,  nakikita niya ang reaksyon ng dalawa sa harap dahil sa rearview mirror.

      "You're going to meet our parents." Deritsang sabi ni Rain.

      "Ano?!" Gulat na reaksyon ni Faith, napatingin pa sa kanya sa likuran.

      "Shit!" Bulalas ni Raimer dahil bigla nitong naapakan ang break sa gulat na sigaw ni Faith.

      "Shit, sorry." Paumanhin ng dalaga.

      Umayos na uli ang pagmamaneho ni Raimer. "Kalma ka nga,  wag ka agad manigaw,  nakakagulat ka eh." Nilingon siya nito.

      "Pasensya. Tagal mo kasi sagutin tanong ko." Pagdadahilan niya. Bahagya siyang lumingon sa likuran at sinipatan si Rain.

      "I'll explain it properly in a few minutes. Just wait, okay?  I don't want to get into any accident again." He said frustratingly as he rumpled his hair upwards.

      Para na nga ding si Rain ito kumilos. Pansin ni Faith, nakatitig nalang din siya dito.

      Nakakuyom na ang mga kamao ni Rain sa gigil. Nasasaksihan niya ang pagtitig ni Faith kay Raimer. Nakapulupot lang ang mga braso niya at iniwas na ang tingin sa babae.

      "Why are you staring at him?" Di niya napigilang tanong dito.

      Nakita niya ang pagbaling na ng tingin nito sa katabing bintana.

      "Don't tell me nagugustuhan mo na ang kakambal ko. Para malaman mo,  si Michell mahal niyan." Pagpapatuloy ni Rain. Rinig niya ang pagbuntong hininga nito.

      Huminto na din sila sa harap ng isang restaurant.

      "Meryenda tayo. Gutom eh." Sambit ni Raimer at parehong tinanggal ng nasa harap ang seatbelt nila.

      "Bakit dito?" Tanong ni Faith nang nakababa na sa kotse. Nasa harap sila ng diner na pinagtatrabahuan niya.

      "Why? Don't you like it here? It looks pleasant." Komento nito.

      Wala na rin siyang magawa dahil nandito na sila.

      "Iwan mo nalang muna yang gitara mo sa kotse. Kunin mo nalang din mamaya." Sabi ni Raimer nang makitang bitbit niya yun sa paglabas.

      "Hindi na.  Para diretso na ang alis ko mamaya."

      "Ihahatid din naman kita sa boarding house mo."

      "May iba pa kong pupuntahan. Kaya wag na." Tanggi niya pa.

      "Saan ba yan? Baka pwede pa kitang mahatid."

      Mataman na siyang nakatingin dito.  Kulit din nito eh,  mapilit.  "Wag na nga kasi. Ayoko. Ang kulit mo din eh." Inis na niyang sabi.

      Nagtaka siya sa reaksyon nito. Tinawanan lang siya ng binata.

      "You know, mas lalo kang nagiging cute pag ganyan." Pinisil pa nito pisngi niya. Bago pa niya mapalis kamay nito ay binawi na agad.

      "Tumigil ka." She glared at him.

      Nanatili lang itong nakangisi. "Tara na." Nauna na itong naglakad at pinagbuksan pa siya ng pinto.

      Medyo marami-rami na din ang mga tao pero may mga bakanteng upuan pa naman. Saglit siyang sumulyap sa labas. Sa kotse nito na nasa parking lot. Insaktong lumabas na si Rain sa sasakyan, malayo na kasi siya dito kaya makakalagpas na ito. Naglakad na ito papasok sa loob. Napabuntong hininga siya, makakasama pa nila ito sa usapan.

     Dahil sa hindi siya nakatingin sa harapan niya ay bumangga siya sa likod ni Raimer,  dahilan ng pag atras niya. Nilingon siya agad ng binata at natawa na naman sa kanya.

     "San ka ba kasi nakatingin? Halika ka na ng di ka na mabangga." Sabi nito sabay hawak sa kamay niya at hinila na siya papuntang bakanteng mesa sa dulo.

      Di siya agad nakatutol sa ginawa nito dahil sa gulat at bilis ng pangyayari. Matapos ang ilang hakbang ay umupo na din sila sa pwesto. Ipinatong niya ang gitara sa katabi niyang upuan at isinandal sa pader.

     Umupo naman si Raimer sa tapat niya at agad tumawag ng waitress.

     Lumapit ang isang waitress at agad binigyan sila ng menu.

     "Faith, boyfriend mo?" Masiglang tanong ng babae sa kanya. Katrabaho niya ito doon kaya kilala siya nito.

     "Nope." Simpleng sagot niya.

     "Siya rin yung kasama mo nong last diba?" Patuloy ang pagkausap sa kanya nito habang sumusulyap-sulyap kay Raimer. Halata ang pagpapacute nito. "Di ako pwedeng magkamali. Ang mukhang yan, imposibleng makalimutan." Kinindatan pa nito ang kasama niya.

      Kita niya ang nagugulohang ekspresyon sa mukha ng kanyang katapat. Nandon nga kasi yung totoong Rain dati.

      "Kaso tinanggihan ka niya noon, bakit di ka nalang sumubok sa iba. I'm sure maraming nagkakandarapa sayo. Di ka pa nila tatanggihan." Harapan ng paglalandi ng waitress.

      Kanina pa naiirita si Faith sa mga pinagsasabi nito.

      Ibubuka na sana ni Raimer ang bibig niya para patahimikin ang babae pero naunahan siya ng kasama niya.

      "Shut up, Xandra." She said in a gritted teeth. "Bat hindi mo nalang gawin ang trabaho mo ng matiwasay. Ano?  Kailangan mo pa talagang lumandi sa customer mo na may kasama na? Nangangati ka ba talaga? Save it for the evening, maraming papatol dyan sayo sa kanto." Binigyan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa. Napataas ang kilay niya. "Not bad, pwede ng pagtiisan." She said mockingly and even smirked.

      "Ano? Anong pwede na?" Halata ang gulat nito sa mga sinabi niya.

      Bumuntong-hininga si Faith bago sinagot ito. "Pwede ng pagtiisan. Rinig mo na? Naintindihan mo ba? " Nakapulupot lng mga braso niya.

      "Two milkshakes and large fries please." Malakas na sabi ni Raimer para matigil na ang bangayan ng dalawa. "And hurry up." He glared to the waitress.

      Bumaling ulit ang waitress kay Faith. "Ano? Sasagot ka pa? Pinapabilis ka na ng customer mo. Or you want us to talk to your manager." Turan niya dito.

      Halata ang gigil na sumagot ang babae pero tumalikod na ito agad.

      Umusbong ang katahimikan sa kanila ni Raimer.

      "You know, i like it better when you don't talk." Pagsisimula nito.

      Imbes na mainis ay natawa pa siya at tumango nalang.

      "That was nice." Sambat ni Rain. Nasa likuran siya ni Faith nakaupo. Bakante kasi ang pwestong yun.

      Ikinagulat yun ni Faith kaya natigil siya sa pagtawa.

     "You should be more like that para di ka nila apihin sa school." Dagdag pa nito.

      She clenched her jaw para pigilan ang sarili na sagutin ito.

     "Sabihin mo na ng diretso kung ano kailangan mo dahil may lakad pa nga ako." Sabi na lang niya kay Raimer.

     Bumuntong-hininga muna ito. Halatang hindi alam pano simulan.

     "Ano na?" Naiinip niyang tanong.

      "My parents would like to meet you."

      Nalaglag ang panga niya sa sagot ng binata. Kinunutan na niya ito ng noo. "At bakit naman?"

      "Gusto lang nila makilala ang bagong kaibigan ko. They also knew that i spent the whole night in the hospital with you. So they thought that you are somewhat special to me."

      "Am I?" Di niya napigilang tanong na may nakakaloka pang ngiti.

      Napatitig nalang si Raimer sa kanya. Di nito inaasahan ang reaksyong iyon.

      Kumunot ang noo ni Faith sa pagkatitig ng binata sa kanya. Muling sumeryuso ang kanyang mukha. "What will be the consequences if i don't agree?"

      Pansamantalang nahinto ang kanilang usapan nang dumating na ang order. Ibang waitress na ang nagbigay sa kanila. Inilapag nito ang mga order sa harap nila saka umalis.

      Agad kumuha ng fries si Faith dahil nagugutom na din siya. Sumipsip naman ng milktea si Raimer.

      "Well, kung hindi ka papayag, paiimbestigahan ka ng parents ko--"

      "--Ano?" Bigla natigil sa pagkain si Faith dahil sa narinig. Kinabahan siya at hinding hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. "Ano namang karapatan ng mga magulang mo na paimbestigahan ako?" She said in a clenched teeth. Nakakuyom na dn ang kanyang mga kamao.

      "Hey, calm down first, okay? Kaya nga ipapakilala kita kasi yun lang ang paraan para di nila ituloy yun. That's the only other way out."

      She leaned forward. "At pano naman tayo nakakasiguro na hindi nga nila itutuloy yun pag nagpakilala ako?"

      "Because they stick to their words. I know my parents. Ginagawa nila kung ano ang sinasabi nila.

      "Raimer is right. That's exactly how our parents are." Pagsasalita ni Rain sa likuran niya.

      Napabuntong-hininga nalang siya habang napatingin sa labas. Dumidilim na din dahil alas-sais na. Hindi alam kung anong gagawin o dapat isipin. Tumingin uli siya kay Raimer.

      "Hindi pa rin yan sapat para mapanatag ako. If they'll do it, pwede ko silang edemanda. Pero dahil sa mayaman kayo, wala akong kalaban-laban. But still, susubukan ko pa ring gawin ang paraan na sinasabi mo. Pero pag di sila tumupad don, baka may magawa akong di ko aakalaing magagawa ko. Or i'll be gone in your lives forever."

      Di agad nakapagsalita ang binata. Tumikhim muna ito. "Sige." Nagpatuloy ito sa pagkain.

      "Tell me the details." Tumingin siya sa wallclock ng restaurant. Malalate nga talaga siya sa bar ngayon. Pero mas kailangan niyang unahin ang kanyang sitwasyon.

     "It will be tomorrow night. During dinner. Sa bahay lang."

      Tumango lang siya.

      "But here's the only thing." Pagpapatuloy pa nito.

      "Ano na naman?" Kunot-noong tanong niya.

      "Pwede ka ba mag halfday lang bukas?"

      "Bakit? E sa gabi pa naman yun."

      "To get you ready in time."

      "hindi naman ako umaabot ng ilang oras sa paghahanda ng sarili ko eh."

      "It's not like that. I'll have other people to help you. Ako bahala sa lahat."

      "Babaguhin mo ko sa harap ng parents mo?"

      "Just listen to him. It's for your own sake." Sabat na din ni Rain. Naiinis na siya sa kakasalungat nito sa sinasabi ng kakambal.

      "No. Hindi sa ganon. Basta sundin mo nalang mga sinasabi ko, please."

     Nakikita niya sa mga mata nito na gusto lang din siyang tulongan nito. Pabagsak siyang sumandal uli. "Fine."

      "Good. Thank you. Magkita nalang tayo ng lunch time bukas."

      "Okay." Binitbit na niya ang fries. "Kailangan ko na din umalis. Salamat dito." Tumayo na siya.

      "Teka." Tumayo din ito sabay kuha ng pera sa wallet at nilapag yun sa mesa. "San ka ba kase pupunta? Hatid na kita."

      "Pinag-usapan na natin to di ba? Wag na. Masyado na kong napapahamak sa kabaitan mo eh. Ni hindi ka man lang nagsinungaling sa parents mo kung san ka galing non." Nasabi niya dito.

      "Yeah, i'm sorry. Kaya nga gusto ko bumawi eh."

      Napatitig na naman siya dito. He looked sincere. Ramdam niya ang biglaang pagbilis ng tibok ng puso niya.