webnovel

Jay's Anger

Uminit bigla ang mukha ko when I realized kung anong ibig niyang sabihin. Bumilis ang beat ng puso ko lalo since I've never been glad in all of my realizations ngayon.

'Gusto na ba talaga ako ni Cody?'

Upang makatakas sa tingin ni Arvin, I quickly turned my head towards the other side as I cupped my face feeling the hotness.

'Talaga?' I asked myself with ala Fumiya-tone.

'True?'

Hindi ako makapaniwala sa pinag-iisip ko. My gosh!

'Maybe sadyang na misunderstand lang talaga ni Arvin ang lahat since parang totoong-totoo kasi ang trip namin ni Cody.'

Saka ako napatango.

'Yes. Maybe he told me that kasi baka paniwalang-paniwala siya. Well, if that's the case, wala naman pala akong dapat ipag-alala sa feelings ni Cody.'

BARK! BARK!!!

"Uy. Bea! Ahaha."

On the midst of my thingking, bigla kong narinig ang boses ni Jay saka ang tahol ng isang puppy.

"Oh? Jay!" Napasigaw ako agad sa kanya na parang awkward ang dating. Yung para bang ang tagal tagal ko na siyang di nakita. Well, naconscious kasi ako sa ityura ko, para kasing namumula pa ako to even think that ayaw kong malaman ni Jay ang pinag-uusapan namin ni Arvin.

"Oh? S-sir Arvin. Andyan ka po pala." He said saka agad na nagbow nang makita ang likod ni Arvin na nakalean sa puno habang nakitingin siya sa kanya. Ibinato rin ni Arvin ng bow ang binata habang unting nagsmile.

Medyo ilang pa kasi ang dalawa. Perstym palang kasi nilang magkabonding sa isang lakad namin. Hindi naman kasi si Arvin sumasama sa mga gimmick. Parehas sila nung dalawa pa, sina Ken at Cody, although these past few weeks, those two became active just after na malaman kung si Cody pala si Chris.

"Ano pinag-uusapan niyo? Seryosung-seryoso ah." Biglang baling sakin ni Jay.

"Huh?" Napakurap ako sa tanong niya. Of all naman kasi na pwede niyang itanong, yun pa na ayaw ko ngang sabihin sa kanya.

"..." Hindi ako napaimik while thinking kung ano ba ang pwede kong palusot.

One second, two, three... wala akong maisip!

"We were just talking about business. I just told Bea na hindi ko na ibebenta ang Flower and Coffee Shop." Arvin butted in.

My eyelids suddenly lifted saka halos bumulwat ang mga mata ko dahil sa sinabi niya. Kasabay ng pagtaas ng dalawa kong kilay ang pagtingin ko kay Arvin. He was neither looking towards Jay nor me. Nakapunto lang ang paningin niya sa kumikislap na tubig.

'Hindi... na niya ibebenta ang shop?'

I blinked twice.

'Talaga?'

+++ KALE P.O.V. +++

Umihip ang preskong hangin na nagpasayaw sa mga kurtina ng silid. Namumugto pa rin ang mga mata habang patuloy na nakatitig sa puting kisame.

'Hay.'

Buntong hininga ko't sabay ng pagrelax ng buo kong katawan habang walang lakas na nakahiga sa malambot na kama.

'You're the only one who can do it.'

Nag-echo ang boses ni Ate Bea sa utak ko. Saka biglang nagsibalikan ang lahat ng memories ni Tita. The image of her cold body na nakahandusay sa malamig na sahig dagdag ang kanyang butu-butong katawan hunts me again and again.

Napakurba nalang ang buong kong katawan at agad na natabunan ng luha ang mga mata ko.

'PINATAY MO ANG ASAWA KO!!!'

Isang nakapangingilabot na boses ni Tito ang umalingangaw sa utak ko.

Hindi ko mapigilang manginig kasabay, ni ang kumot na nakapulupot saki'y walang nagawa para painitin ang lamig na gumagapang sa buo kong katawan.

Napakagat nalang ako saka dahan-dahang pinunas ang dumausdos na luha.

'...'

Natigil ang kamay ko na maaninag ko ang marka ng bracelet na ibinigay sakin ni Josh.

Mas humapdi ang mga mata ko.

'Wala akong kwenta.'

Saka mariin na ipinikit ang dalawang mata hanggang sa tuluyang nagsigapang ang luha pababa ng mukha ko't nagpadaloy sa ihip ng antok.

+++ BEA P.O.V. +++

"Talaga? Ibebenta sana ang shop?!" Napabulalas nalang si Jay sa sinabi ni Arvin habang ako naman pinasingkit ko ang mga mata ko when I tried to aninagin ang mukha ni Arvin. Nakatalikod kasi siya samin ni Jay. Baka kasi joke joke niya lang para makalusot sa mga tanong ni Jay eh.

"Bea. Ba't hindi mo man lang sinabi sakin na may ganto na palang isyu ang shop." Jay hurriedly paced towards me habang karga-karga ang isang cute na husky.

Nanlaki bigla ang dalawa kong mata sabay tingin kay Jay na bahagya napakunot ng noo.

"Hala." Nabuksan sa loob loob ko ang inner desire ko na sagutin si Jay. Hindi naman ako galit sadyang ganto lang talaga kami ni Jay. Bangayan na naman.

"Ba't parang nagagalit ka sakin. Haha. Kung makatono ka dyan parang ikaw yung CEO ah." Natawa ako habang nag-eexplain sa kanya.

"Hindi... kasi... Syempre.... Hindi naman ako nagagalit. Nagtatampo lang. Di man lang kasi nagkwento sakin. Parang hindi ako naging part ng shop eh noh. Tyaka baka bakit ano problema mo sa tono ko. Malay mo, magi talaga akong CEO in the pyutur."

"Oh? Talaga? Well, to tell you this hindi po ako tsismosa na pinagkakalat ang tsismis."

"Eh hindi naman yun tsismis eh. Katotohanan yun. It's a fect. Ikaw mismo, alam mo na fect yun." Katwiran ni Jay na nag-slang pa.

"Nyanya." Wala akong masumbat sa sinabj niya instead... "Tyaka maka CEO ka dyan, kala mo. Ano yun, ampon ka lang tapos malalaman mo na anak ka pala ng may-ari ng isang malaking kompanya. Ano 'to, teleserye, Los Bastardidos. If so, what are your qualifications?" Sabi ko saka pinaartihan na rin ang pagsasalita.

"Ha!" Jay scoffed saka nagpose na parang modelo.

"I got looks."

POOF!

Biglang sumabog ang ilong ko ng dugo nang makita ko ang pose niya.

'Gosh!!! Gusto niya na ata akong mamatay.'

Hindi ko kinaya. He was actually wearing sando tyaka shorts kaya't nung nagpose siya kitang kita ang biceps tyaka triceps niya. Napakamanly! Kulang nalang maging hugis puso ang mga mata ko. Indeed, siya yung masasabing black beauty! Well, hindi naman siya black. Brown beauty nalang.

I was still in a daze nang maalala ko na kelangan ko siyang matalo sa sumbatan.

"Pft!" Pinilit ko na lang tumawa.

"Ahaha. Anong pose yan? Mas cute pa sayo si Jasmine. Achuchuchu." Sabi ko as I cupped that tiny husky named Jasmine.

"Tyaka ba't ka nagpose? Ang sabi ano qualifications mo sa pagiging CEO? Ahaha. My gad. Jay. All this time, akala mo ba ang trabaho nina Arvin yang ganyan na ginagawa mo? Ahaha." Hindi ko mapigilan matawa sa mga sinabi ko.

"Pft!"

Natigil agad kami ni Jay nang marinig naming natawa si Arvin.

'Andyan pa pala siya. Jay naman kasi eh!'

Nahiya tuloy ako kay Arvin. Tumingin siya saming dalawa as he straightened his body saka inunat ang damit.

"Looks like, you got yourself some company. I think I should head back now. Ken must already been infuriated sa mga nangyayari, I should help him. If you'll excuse me." He said saka siya bumato ng ngiti dulot para sumingkit bigla ang mga mata niya.

"Ah... eh... okay okay. Thank you pala. Hehe." Sabi ko.

'Wait. Ba't ako nagpapasalamat?' Wonder ko sa isip ko.

"Haha. Ba't ka nag thank you. Sige sige. See you later on the Bon Fire." He said saka naglakad papalayo, papasok ng hotel.

"Pft! Ano yun? Ba't ka nagpasalamat? Awkward yun ah." Tawa bigla ni Jay.

"Nyanya. Bakit? Alam mo ba pinag-usapan namin? Nyaah." Sumbat ko saka nagroll ng eyes sa kanya.

"Hahaha. Kaya nga tinatanong ko sayo kanina eh."

"Hay naku. Alam mo. Hays! Alam mo panira ka talaga noh. Kita mong nagsisiesta ako dito eh."

Nawala lahat ng inipon kong self-contemplating energy. Hay naku. Jay talaga eh.

"Siesta...siesta ka dyan... kitang kita ko pagdating ko dilat na dilat yang mga mata mo eh."

"Jay. Siesta, it means nagpapahinga. Hindi naman ibig sabihin na namamahinga, nakapinto ang mg mata."

"Weh? Alam ko kulang ako sa pinag-aralan pero alam ko na ang siesta afternoon nap. Idlip ka dapat kapag nagsisiesta."

"Nyanya. Isearch mo pa sa google." Sabi ko sa I waved my hand na larang naggegesture na hanapin sa google.

"No need na. Hahaha. Alam ko naman na tama ako eh." He scoffed.

"Ehh!" Inis kong tayo't palo sa balikat niya.

"Alam mo ang galing mo talaga manira ah. Kita mo ng nagmomoment ako rito eh."

"Hala. Nagmomoment ka? Ikaw lang ba andito kanina? Don't tell me nagmomoment kayo?"

"Hoy! Anong pinagsasabi mo? Nagmomoment kami? You k-" Naputol ang sasabihin ko nang sumabat agad si Jay.

"Hoy. Tandaan mo, si Maam Rose ang gf ni Sir Arvin. Hala ka. Ahahaha." He said habang tawang-tawa.

"Ehhhh!" Nabuysit na talaga ako. It's not because sa mga paratang niya it's because hindi ko siya kayang talunin sa asaran.

"Ahahaha."

Tawang-tawa siya eh noh.

Nakakapikon siya ah. Hindi ko talaga kayang talunin ang trip niya.

"Tyaka dagdag pa, boypren mo na si Cody. Wag ka. Ahaha. Wag kayo."

"Nyanya. Wag ka nga. Nakabuysit na eh. Yung hindi mo naman totoong boypren, tapos laging inililink sayo. Nakakairita na sa pandinig. Tapos-"

"Huh?"

Napasulyap ako saglit kay Jay then continued...

"...tapos all...the...time..."

Nanigas ang buo kong katawan when I realized kong ano ang nasabi ko kay Jay.

"HA?!!" Galit na bulalas ni Jay sakin.

Dahan-dahan kong ibinaling paningin ko sa kanya hanggang sa masilayan ko ang kunut na kunot niyang mukha.

Siguiente capítulo