webnovel

Real Boss

"You were the supermodel, Jessica Jones Smith."

She loved her name. For her, it's very unique. But when Quillian pronounced it, she felt ugly and disgusted. But then again, she's not here for a cat-fight. Not in front of this notorious playboy.

She smiled. "Yes, that's me. You were?" Of course, she will pretend not knowing anything.

"Atty. Quillian Bustamante," pakilala nito. Tumayo upang makipagbeso sa kanya.

"Nice to finally meet the future Mrs. Cristobal," tukso niya. Tinitigan nang mariin si Paulite na ngayon ay nakatayo na rin. Walang bahid ng saya ang mukha.

Mahinhin na tumawa si Quillian. Lumingon ng isa kay Paulite bago tinakpan ang bibig para sa mas nakakainggit na tawa. "Palabiro ka pala. Patungo na kami riyan," anito.

Umasim ang sikmura niya. Napalingon sa nangalabit sa kanyang isa sa mga Swizz Editor na naging kasundo niya.

"Gusto ng autograph ng kapatid ko. Hindi kasi siya makapaniwala na narito ka ngayon sa Pilipinas."

"Sure!" Kinuha niya ang isa sa mga sikat na magazine sa Europe na siya ang cover. She put her autograph on the bottom of the front magazine and teased the young man. "Sa kapatid mo ba talaga o para sa'yo?"

"Jessica, sa kapatid ko. Hanggang ngayon ang lakas mo pa rin manukso. Babae 'yon. Palagi kang pinapanood. Asis's next top model palang bet na bet ka na noon."

Tuluyan siyang napalayo sa mesa nila Paulite ng may humingi naman ng selfie sa kabila. Mga bagong modelo sa Swizz. Isinama rin nila sa grupo si Lapeetah at Pricilla. Dalawang oras pa ang nagtagal ay unti-unting nababawasan ang bisita. Ang iba naman ay lasing na.

"Guys, see you tomorrow in Purungaya," paalam nila Kelly at Ken sa kanya.

"Yes. Thank you guys. Ingat sa daan, Ken!" Pinalo niya ang balikat nito. "Huwag masyadong mabilis ang pagmamaneho." Her body went rigid when she smelled a familiar scent at her back.

"J, ihahatid ko na kayo sa suite niyo. Wala pa kayong pahinga ng mga kaibigan mo."

Umikot siya. Ibinaon ang hintuturo sa dibdib ni Paulite. "Do you mean Jetlag?"

He looked at her finger then his eyes drifted on her arm going to her eyes. Pumungay ang mga titig nito. "Maaga pa ang flight natin bukas. Magpahinga na kayo." Ang kamay nito ay dumantay sa kanyang balakang.

Tinulak niya iyon. Kumaway sa kawalan. "We used on lack of sleep, Lite— Paulite. Don't worry, Jetlag wasn't registered in our vocabulary." Tinulak niya ito para makalapit sa mga bangenge ng sila Jyra at Lawrence.

Malik is guarding his wife. Every time Jyra would pick a glass, he will take it and drank instead. Sa likod naman ni Lawrence si Awk na tahimik lang na nag-oobserba.

Tumawa siya sa nasaksihan. Siya lang ang walang bantay. Siya lang ang single. Agresibo niyang inagaw ang kopita na para kay Jyra. Inisang lagok niya iyon bago naupo. "You know, you guys should leave. You are drunk."

Hinampas ni Lawrence ang mesa. "Sinong drunk? Paupuin mo rito at magkakaalaman?"

Awk shook his head with dismayed.

She laughed at that. Lapeetah and Pricilla joined her too, they were obviously tipsy, but they were still at poise. They knew how to manage themselves. Perks of International model, high tolerance with alcohol beverages.

"J?"

Tumatawa niyang hinarap si Paulite. Nilingon din niy ang gawi ni Quillian na ngayon ay nakasubdob na sa mesa. "Puntahan mo na ang future wife mo," utos niya rito.

Instead of following her, his hand supported on the small of her back when she loses her balance.

"Kaya nga narito ako sa tabi mo." Hinapit siya. Isinampay ang kaliwa niyang braso sa balikat nito. Binuhat siya.

"What about Quillian?"

"Fred can handle her."

Inayos nito ang buhat sa kanya at dinala na sa elevator. They are just in the vicinity of Nightingale Palace. And the access for him to bring on her room was easy. She remained silent. Iniisip niya ang sinabi nito. Posible ba 'yon? Single pa rin ito?

When they reached the door of her room. "You can put me down," utos niya.

Ibinaba siya nito. Inaasahan niyang aalis na ito pagbukas ng pinto. Ngunit nanatili ito sa likod niya.

"Matutulog na ako."

"Gusto kong makita."

Seriously? Itinulak niya ang pinto. "Fine."

Pumasok siya sa loob. Dumiretso sa kama. Nang maupo siya ay bigla niyang naramdaman ang pagod. Humikab siya. Bago pa man niya matanggal ang suot niyang high heels ay nagulat siya sa mabilis na pag-uklo nito. Inabot ang kanyang kaliwang paa upang alisin ang sandals.

The sudden touched made her slightly jump. She is expecting him to just remove it but she was shocked when he even massage her ankle. And what's crazy she is enjoying it. She slightly closed her eyes, until she felt sensual on the slow touch and finch. Napadilat siya. Nagulat ng mahuli siya nitong nagugustuhan iyon.

Inilayo niya ang kanyang mga paa. Tumayo palayo rito. Nangangati na siya. Inabot niya ang zipper sa likod, pero sawing hindi niya iyon maabot.

"Let me help you." Hindi na hinintay nito ang approval niya. Kusa itong lumapit at tumitig sa kanya mula sa katapat na salamin kung saan kapwa sila nakaharap. Ito ay nasa likod niya.

Napalunok siya nang marinig ang unti-unting paghila nito paibaba ng zipper. The sound is crazy weird. It sounds good for erotic. Pumaloob ang lamig sa kanyang balat. Bigla ay nag-alangan kung maghuhubad ba siya sa harap nito.

I already see it, J. A voice from the past kept playing on her ears.

"Good night, J," he whispered on her ears, followed by a subtle touch on her hands before he left.

Pumikit siya nang mariin. "Anong ginagawa mo, J?"

Pinaghalong pagod, antok, at tama ng alak ang dahilan kung bakit nakatulog siyang hubag kagabi. Hindi na niya nagawa pang magbihis dahil nakatulog agad siya. Kung hindi lang sa pangbubulabog nila Pricilla ay baka hindi pa rin siya gumigising. Nag-message siya kay Von, Chloe at Auntie Claudia niya para sa update. Ganoon din sa kanyang Auntie Clarine na ngayon ay nasa labas ulit ng bansa.

She's wearing a simple white t-shirt and jeans. She paired them with her brown boots. While the two were both under on their jam shorts which they proudly say they got from Mr. McCloy. Well, her t-shirt was given by Chanel and the jeans from Majesty. They were all looking simple bakasyonistas, but the tag price on each piece was crazy expensive.

Sabi ni Pricilla, De Javu. Si Paulite na naman kasi ang nasa kabila ng pinto noong buksan nito. At gaya kahapon ay ito ulit ang driver nila gamit ng bagong sasakyan. Hindi niya kilala pero style korono na silver ang kulay.

His car was sleek just like him. Especially on his Bruno Mars hat and aviator.

Dinala sila nito sa Twin Tower. Gaya nga ng inaasahan niya gagamitin nila ang private jet nito. At hindi lang sila ang sasakay doon. Kasama nila sila Fred, Collin, dalawang hindi kilalang babae at si Quillian.

Bakit kasama 'yan? Hindi ba't Kids Party iyon?

She didn't bother herself to ask. She maintained her straight face and took the whole ride for a nap. Nagising nalang siyang nasa Purungaya na at magkasundo na ang boys at dalawang kasama niyang modelo. Habang si Quillian ay bumubuntot kay Paulite.

Maraming tao. Bukod sa private jet ni Paulite ay may dalawa pang nauna. Lumawak ang landing kumpara sa pagkakatanda niya noon. At ang hotel ay dalawa na. Dumami rin ang mga cottage at interesanteng puwedeng gawin sa isla.

Sa dagat ng tao sa unahan ay nahanap niya si Oswold. Malawak ang ngisi nito hanggang sa huminto. Napatanggal ng suot na sunglasses.

"Holy fucker! The real future wife is in the house. Welcome back, Jessica." Bumilis ang lakad nito, sasalubungin sana siya ng yakap ngunit naharang na ito nila Collin at Fred.

Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya mapigilang ngumiti. "Hayaan niyo siya, Collin at Fred."

"Narinig niyo? Follow the real boss." Dinibdiban ni Oswold si Fred bago lumapit sa kanya. May nanunuyang titig kay Paulite bago bumaling sa kanya. "Kamusta? Ang laki mo na, a."

"Oswold," tawag ni Paulite. Sa gilid nito si Quillian na nag-aaya na dahil naiinitan.

"Bakit? Ikaw ba si Jessica? Hindi ikaw ang kausap ko."

Binulungan niya si Lapeetah at Pricilla na mauna. Hintayin nalang siya sa kuwarto. Gusto niyang makausap si Oswold, dahil alam niyang ito ang sanggang dikit ni Paulite. Alam niyang madaldal ito. Baka may impormasyon siyang malalaman dito.

Siguiente capítulo