Thirty Four
"Its Bryle." Inis na sambit ko sakanya.
"Boyfriend?" Mas lalong naging mapakla ang mga tingin ko.
"Did you really think that I have a boyfriend?" Napakamot siya sa kanyang ulo dahil sa sinabi ko.
"I really have to go." Huminga siya ng malalim at tinitigan ako.
"Wait." Aniya at dali daling pumasok sa loob ng Resto at may kinuha. Hindi narin siya nagpaalam sa mga taong naruon at mahigpit ng hinawakan ang kamay ko.
"Sasama ako." Huli niyang sambit at nagpara na ito ng Taxi.
Wala akong salitang pumasok roon habang nasa tabi ko naman siya, sinabi ko sa Driver ang address ng bahay nila Lovely habang hindi ko parin malaman ang tumatakbo sa isip ng lalaking ito.
Tahimik lamang siya.
Nasaan na napunta ang pagka-matigasin ng lalaking ito? He so transfarent when he's jealous.
Panay ang sulyap ko sakanya habang nasa loob kami ng sasakyan at ramdam na ramdam ko ang pagkakailang niya kaya hindi ko maiwasang hindi mapangiti.
Pumara na ako at sabay kaming bumaba ngunit hindi pa nga nakakalayo ang Taxi ay nakita ko na kaagad si Lovely na nakayakap kay Bryle sa labas ng bahay nito.
Huminga ako ng malalim at tumalikod na, hinila ko na rin ang lalaking kasama ko paalis doon. Mamaya ay makasira pa kami ng moment nga dalawang magkasintahang iyon.
"Akala ko may pupuntahan ka pa?" kaagad kong ininguso sakanya ang magkayakap na si Lovely at Bryle. Pinaningkitan niya lang ito ng mata at sumunod narin saakin.
"Bryle called me na hindi niya daw makita si Lovely..." paliwanag ko sakanya.
"Kaya ako nagmamadaling nagpunta dito." dugtong kong sabi sakanya.
Nasa kalagitnaan kami ng gabi habang naglalakad palabas ng Village.
"Lovely and Tita Mara are my only family since then kaya hindi ko kayang makita silang nahihirapan." Napatingin ako sakanya at tipid na napangiti.
"Ikaw? Yung nakita ko bang Picture frame doon, yun ba ang kumupkop sayo?." Mabilis siyang tumango sa sinabi ko.
"Mabuti naman." Nagpakawala ako na malalim na paghinga.
"After I left you, napapaisip parin ako kung anong nangyare sayo but since alam kong lumaki ka sa maayos na pamilya, its a relief." Napahinto ako sa paghakbang at gayundin siya, tinitigan ko siya ng maigi at simpleng nagbigay ngiti.
"And now lets forget about everything Liam, Lets live."
-Flashback-
Kaagad na umalingaw-ngaw ang tunog ng mga Pulis, hindi padin matigil ang panginginig ng aking katawan at aking mga luha.
Pareho kaming umiiyak ni Liam habang akoy nakahawak sa malamig na katawan ng aking mga magulang, pinrotektahan ako ni Liam sa kanyang Ama na walang ginagawa kung hindi ang makahanap ng paraan upang makatakas.
We were filled with blood, hinawakan ni Liam ng mahigpit ang kamay ko habang ramdam na ramdam ko ang panginginig nito.
Pinagmasdan ko siya habang patuloy na lumalandas ang mga luha saaking mata.
And there alam ko at nababasa ko ang ipinapakita ng mga mata niya. He's blaming himself.
Napapailing iling ako habang nakatitig sakanya, sinubukan kong sabihin sakanya na hindi niya kasalanan.
Pareho kaming tinulungang makatayo ng mga Police saaming pagkakaupo habang hindi namin magawang bitawan ang kamay ng bawat isa.
Walang hikbi ang lumalabas saakin, tanging luha lamang. I hug him tightly.
"Liam" tawag ko ng pangalan niya habang bumubuhos ang napakaraming luha saaking mga mata.
"Im sorry, Im sorry" paulit ulit na bigkas niya habang nakatulala saakin at patuloy na umiiyak.
"Huwag mong sisihin ang sarili mo Liam, hindi mo ito kasalanan. Kahit masakit, Lets live ayokong sisihin mo ang sarili mo. Please Liam, huwag kang magiisip ng masama. Please Liam, for me mabuhay tayong pareho. Please."
-End of Flashback-
Nagsimula na ulit akong ihakbang ang aking mga paa ngunit sa pagsulyap ko sa kinaruruonan niya ay nakatayo parin ito. Nakatulala.
"Why?" wala sa sariling tanong niya saakin.
"Why did you choose to save me that time?" Natigilan ako. Bigla siyang lumapit saakin at seryosong tiningnan ang aking mga mata.
"Why did you run away to your wedding day para lang iligtas ako, why?" Tinitigan ko siya at kitang kita kong gusto niya ng kasagutan sa mga tanong na iyon.
"I dont know Liam" Wala siyang pinakitang emosyon sa sinabi ko na animoy nababasa niya na nagsisinungaling ako.
"Why?" paguulit niya ulit.
"Because..."Napalunok ako. "I can't forget you Liam." Bumagsak ang butil ng luha sa mga mata ko habang nagtatama ang mga tingin naming dalawa.
Hindi ako makagalaw, maging siya.
"I did my part to Live kahit na paulit-ulit kong itinatanong sa isip ko kung nakakatulog ka ba ng maayos, kung nakakakain ka ba? Mag isa ka ba? I did my very best to live and be happy kahit paulit ulit na nagtatanong ang puso ko about sayo, we were the only one who can understand the pain of each other, kaya alam ko kahit hindi kita nakikita, nahihirapan ka dahil ganun ako. I always dream about what happen that day and I know kahit hindi mo sabihin, mas doble pa ang nararamdaman mo." Tuluyan ng nagbagsakan ang luha sa mga mata ko at hindi ko na kayang pigilan.
"And I don't know, that day, in my wedding day. I felt so unfair towards my fiance, he didn't know about everything and suddenly my eyes, no my heart was so into you and hoping that I could see you in that crowd but you were not there." Nagtama ulit ang mga tingin naming dalawa.
"...and I don't know but my feet move and run away and there I saw you, masasagasaan. I felt so happy, alam mo ba yun na kahit likod mo lang ang makita ko naging masaya ako. And maybe that time was also not for me and you, but I am grateful to save you that day. Liam, very grateful." tipid ko siyang nginitian at pinunasan ang luha sa mga mata ko.
And I saw him again, crying in front of me.