webnovel

Curse Eleven: Fourth Awakening

CURSE ELEVEN:

FOURTH AWAKENING

...Carlisle.

This mission is the last at ang pinakanakakabwiset sa lahat.

Hindi ako makapaniwalang in this scenario, I will be one of Carlisle's maid. Ayos lang sana kung alam man lang ba niyang schoolmate niya ako eh kaso pati 'yon pinagkait ng fake world na ito dahil sa hindi ko kaklase si Carlisle dito.

"Ibibigay mo ba sa akin yang towel or hahayaan mo akong magkasakit sa pagkakabasa mula sa ulan?" ang sabi ni Carlisle sa tapat ng mukha ko habang tumutulo pa ang tubig sa sahig mula sa buhok nito.

Tinakasan nanaman kasi ni Carlisle ang mga bodyguards niya kaya heto umuwi siyang basang-basa sa ulan.

Dumiretso na siya sa kwarto niya— matapos kong iabot ang twalya sa kamay ko— at 'di na lumabas pa para magdinner.

Naging malaking usap-usapan ng mga chismosang katulong ang pagbabago daw ni Carlisle ngayong gabi.

Ayon daw kasi sa kanila, palabiro ngunit magalang at masayahing bata si Carlisle kaso ngayong gabi ay parang nag-iba daw siya.

Bigla namang dumating ang isa sa mga bodyguards ni Carlisle sa kusina para kumuha ng maiinom.

Parang nagkalindol sa sobrang taranta no'ng mga chismosang katulong at bigla silang nataranta kung saan pupunta at iniwan sa'king mag-isa ang pagpupunas ng plato.

"Anong problema ng mga 'yon?" tanong sa'kin no'ng bodyguard.

"Naiihi po siguro sila."

"Sabay-sabay talaga? Para silang mga inahing manok na putak ng putak."

"Baka po kasi sa tandang na pumasok kaya sila natakot."

Bahagyang natawa ang bodyguard sabay lapag sa sink ng pinag-inoman niyang baso.

"Hindi magandang pinag-uusapan nila ng kung ano-ano ang young master. Lalo na ngayon sa pinagdadaanan niya."

"Ano nga po ba?" tanong kong bigla.

Lumingon siya bigla sa'kin sabay sabing, "Malalaman mo din at nang mga inahing 'yon soon." At dumiretso na ang bodyguard papalabas.

*****

Isang gabi ay inutusan ako ng mayordoma naming mga katulong na kumuha sa basement ng wine para iserve sa dining table ng mga huzon. Kaso ikinagulat ko talaga nang madatnan kong nakahandusay at walang malay dala ng kalasingan si Carlisle sa sahig. I've never seen him drunk like this at ayaw ko na ulit makita dahil para siyang inabandona sa istura niya.

Sa halip na kumuha ng wine ay inakay ko si Carlisle paalis sa basement, pagkakita sa may security guard ay nagpatulong na akong akayin si Carlisle patungo sa kwarto niya. Halos maligo na sa pawis si Carlisle dahil nadin sa walang air condition sa basement o maski electric fan.

Nang maghahanap na ako ng damit na pampalit niya sa tokador niya ay medyo nag-alangin ako sa susunod na gagawin ko. kinakailangan ko na kasing bihisan si Carlisle, which mean, kailangan ko din siyang hubaran.

Mamamiya! Hindi naman ako nagkakasala sa gagawin ko pero pakiramdam ko isang womanhood sin para sa akin ito, kababae kong tao, manghuhubad ako ng lalaking lugmok sa kalasingan. Si Carlisle pa naman of all people!

At the back of my head, parang cheering squad na naguudyok sa'kin na GO FOR IT! STRIKE LANG NG STRIKE! Kaso ang konsensya ko naman na echosera sinasabing, ISA KANG KONSERBATIBONG DALAGA, KONTING PRIDE!

Susmaryosep! Katulong ako sa fake world na ito kaya naman normal lang ang gagawin ko! Normal lang! Promise!

Sinimulan ko ng i-unbotton ang polo ni Carlisle pero nagsisimula ng mamula ang mukha ko. Naging successful naman ang pagpapalit ko ng pang-itaas niya pero nang makita kong kinakailangan ko ring palitan ang jeans niya na nadumihan sa basement, napalunok nalang ako.

Nanginginig pa ang kamay ko habang inu-unzip ang zipper ng jeans ni Carlisle nang bigla nalang niya akong hinila at ipinahiga sa tabi niya sabay sabing, "You...naughty, naughty maid." ang duro niya sa peak ng ilong ko, "kung di ka lang maganda, sesante ka na. Now, continue what you're doing! Siguraduhin mong mag-eenjoy ako." sabay bitaw niya sa akin.

YUCK! Pati ba naman ikaw Carlisle! Mga lalaking ito! Puros mga pervy's!

Pinilit ko nalang na bilisan ang paghila ng pantalon niya upang palitan ng pantulog. Mabuti nalang at nakaboxers siya kaya kinaya ko pang hindi atakihin sa puso.

Ilalagay ko na sana sa may basket ng maruming damit ang pinagbihisan ni Carlisle nang may napansin ako sa may study table niya. Makita-kita kong diary ito, "Nagdidiary pala itong supladong ito? Pambabae pa talagang kulay ah?" Sabi ko sa sarili kong di na mapigilan ang pagtawa.

Dala ng sobrang curiosity ay hindi ko maiwasang buksan ang nilalaman ng diary. Diary na pambabae na nagbibigay sa'kin ng dahilan para isiping bading si Carlisle. Pagbukas ko ng diary ay kumabog ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko sa nabasa ko.

Diary o dear diary.

Yan kasi naririnig kong unang sinusulat sa diary.

Hindi talaga ako mahilig sa ganito at first time ko lang bumili nito.

Kasakayan ko ngayon sa bus ang crush ko, si Carlisle. Imagine, pareho pa

kaming sinakyan. Bawing-bawi ang pagtakas ko sa mga bodyguards ko.

Gaya ko tumakas din pala siya. Is it fated? Pareho naming tinakasan mga

bantay namin tapos pareho pa kaming sabay ngayon?

Kinikilig talaga ako.

ANISE.

Papanong napunta kay Carlisle ito—ang diary ko no'ng elementary ako?

Sinagot ng sumunod na page ang tanong na bumabagabag sa isipan ko pagkaalam na nakay Carlisle lang pala ang diary ko na akala ko eh tinapon ng mga katulong namin.

Today, I happened to pick this notebook inside the bus which I believe was from a girl going to the same school as I.

Sorry for reading its content but it fascinated me how she admired me. I kinda envy the freestyle life she seems to have with the way she express her thoughts for me.

If not for the family tradition perhaps I would try asking her out and enjoy the happiness that other people at my age experience.

Pagkabasa ko ng mensahe ni Carlisle ay bumalik sa akin ang scenaryong 'yon sa may bus. Nagmamadali nga pala ako dahil lumampas na ako sa amin at malamang sa pagmamadali kong iyon, doon nahulog ang notebook ko. Ito pa 'yong panahon na hindi pa naghihirap pamilya ko. Nageenjoy pa akong nakikipagtaguan sa mga body guards ko kaya ako nagcocommute kahit na may personal service ako, samantalang ngayon wala na talaga ni isa sa kanila.

Nakakatuwang tinago pala ito ni Carlise, hindi ko nanaman maiwaglit ang kilig na nararamdaman ko. Pero naawa ako at some point kay Carlisle dahil sa limitadong galaw pala niya. sa likod pala ng tila nakakainggit na buhay na mayroon si Carlisle, heto, isang ginintuang hawla ang tila pumapalibot sa kanya.

"Who told you to touch my things?" ang rinig kong sabi ni Carlisle mula sa likuran ko.

Pagkaharap koy isang galit na galit na Carlisle ang biglang sumakal sa akin. Nagawa pa talaga niyang tumayo kahit na lasing na lasing na.

"HOW DARE YOU TOUCH MY THINGS!" sabi nito sabay pasandal sa'kin sa pader at sinasakal ako ng pagkahigpit-higpit.

I tried na alisin ang kamay niya pero napakalakas niya para mapigilan ko siya, "Car-lisle stop th-this. This is-sn't li-like y-you!" ang hirap na hirap kong sinasabi habang nags-struggle pading makawala. "P-pleas-se p-akingg-gan mo ak-ko!" dugtong ko.

Nagconcentrate ako and inisip ko that this is a fake world, I kept in mind that I'm more stronger than him. With all my might, ay itinulak ko si Carlisle papalayo sa akin.

"Carlisle, why are you keeping this to yourself? Andito kaming nagmamahal sayo, if you think you're alone nagkakamali ka, we're here to make you experience that happiness na hinahanap mo!"

"Do you think a person like me deserve to be loved, to love and to be happy?" tanong bigla ni Carlisle.

"Everyone does Carlisle, including you...but not here, not in this fake world!" Sagot ko naman.

"Fake world? Fuh. What was I even doing asking a maid's opinion. Get out!" utos nitong bigla pagtalikod sa'kin.

Hindi ko alam na kaya akong saktan ng gano'n ni Carlisle. Pinilit ko siyang intindihin since fake world nga naman ito pero, deep within me parang nasasaktan ako dahil si Carlisle pa rin iyon. Ewan ba pero masakit sa dibdib ko na si Carlisle of all people ang gagawang sakalin ako na halos patayin niya'ko sa paghawak ko sa diary. Bahagya lang napawi nararamdaman ko nang muli kong maalala ang tungkol sa diary, mapafake world o hindi, kinikilig talaga ako.

Isang umaga, bigla nalang bumaba si Carlisle mula sa taas at nang makita niya ako'y agad niya akong tinawag, "Dalhan mo nga ako ng makakain sa kwarto ko, ngayon na!" utos lang niya.

Natural amo ko siya kaya mabilis ko itong sinunod. Pagdating ko sa may kwarto niya'y naabutan ko siyang nakaupo sa may study table niya't talagang hinihintay ako or maybe not.

Pagkalapag ko'y aalis n asana agad ko ng bigla niyang hawakan braso ko, "Sandali, dito ka. Bantayan mo akong kumain." Saad niya.

"Sir, may gagawin pa po ako sa baba." Rason ko. Hindi ko rin maintindihan, sa halip na mapalapit kami ni Carlisle nang mabilis kong matapos ang misyon ko eh mas ninanais ko pang umiwas sa kanya.

"Hayaan mo munag iba ang gumawa no'n. Bantayan mo akong kumain." Sagot lang niya.

Bantayan? Hello? Feeling bata? Kainis ito!

"Sige po. Masusunod po sir." Ang sagot ko natural since isa nga naman akong dakilang muchacha.

Kaso sino ba naman di maiinis eh slow-motion siyang kumakain, literally, sobrang slow-motion kung isubo niya yung kutsara sa bunganga niya pati pag-inom gano'n din. Nakakaubos ng pasensya!

Maya-maya pa'y bigla nalang siyang nagsalita, "Nagmerienda ka na ba?" tanong niya.

"Sige po sir, mauna na po kayo." sagot ko na lang sa halip.

"Very well, sabayan mo na ako. Share tayo, kaso one spoon lang?" nakangiti pa siyang nangangantyaw.

Ano bang gustong ipalabas nitong Carlisle na ito? Hindi kaya sinusubukan niya akong i-seduce? Aba matindi! Hindi kaya alam na niyang ako si Anise na Arcana princess? Impossible, kasi kung alam nga niya, naniniwala naman akong hindi niya ako tratratuhin ng ganito.

Malamang dahil doon sa nangyari kagabi ito, sinusubukan niya ako since naramdaman niyang ako 'yong nagpalit ng damit niya at nangialam no'ng diary na sa akin naman. So, tingin niya may pagnanasa ako sa kanya.

"Sige po sir, busog pa po ako. Excuse me po, may gagawin pa ako sa baba." Saad ko bago mag-umpisang bumama.

This time ay hinila niya ako pabalik sa kanya na kung saan na out-balance naman ako't napakandong tuloy sa kanya.

Napansin ko nalang na mahigit sampung segunda na rin na magkatitigan kami ni Carlisle habang kandong-kandong pa rin niya ako. Bigla nalang kumabog ng pagkalakas-lakas at pagkabilis-bilis ang didbib ko. Pakiramdam ko sasabig na nga ito dahil unti-unting lumalapit sa akin mukha ni Carlisle para...para...para....pakshet!

Walanghiyang Carlisle! Papikit na mata ko dahil akala ko hahalikan niya ako kaso bigla ba namang isinampal sa mukha ko 'yong slice ng cake na kinakain niya.

"Hindi ka lang pala pakialamera, ilusyonadang mananantsing ka pa. Don't worry, hindi pa kita sisisantehin, mukhang mag-eenjoy akong may laruan dito sa impyernong mansyong ito." Sambit niya pagtayo ko.

"Laruan? Tingin mo sa akin laruan? Ang kapal—" at bago ko pa maituloy sasabihin ko'y mabilis siyang tumayo at dinugtungan ito.

"Tama. Laruan na mag-aaliw sa akin at..." lumingon siya sa lamesa at dinampot yung baso ng juice na ibinuhos nito sa floor sabay dugtong na, "...magsisilbi sa akin hanggang sa gusto ko. Nakukuha mo?" saad niya. "Linisan mo 'yan." Utos pa niya bago siya tuluyang umalis ng kwarto.

Gusto kong itapon sa kanya yung plato ng cake, pasalamat siya't nakaalis na siya. humanda ka sa akin Carlisle, pagdating na'tin sa real world, whether alam mo or hindi, papahirapan din kita!

Wala na rin akong nagawa kung hindi ang linisin ang kalat at nagpatuloy pa sa maid duties ko. Naging ganito ang routine ko sa mga sumunod pang araw. Nakakapagod na talaga ito, mabuti na lang sana kung maiuuwi ko sa real world ang perang kikitahin ko rito.

Nakakainis na nga 'yong set-up ng mission ko, nakakainis pa ang taong i-aawaken ko. After noong incident na 'yon, palagi na niya akong inuutusan, maski pagkuha ng tissue sa toilet, ako inuutusan. Magshoshower lang siya, kailangan nakabantay ako sa labas habang hawak ko twalya niya. Napakawalang-hiya naman niya, tingin niya patay na patay ako sa kanya?

Minsan gusto ko ng sumuko pero kailangan kong tatagan loob ko na fake world ito't hindi kami pwedeng ma-stuck dito. Konting tiis pa ang kinakailangan kong i-exert.

Makalipas ang ilang araw ay nagpatuloy ang paggiging katulong ko sa bahay nila Carlisle hanggang sa dumating ang araw na talagang kinaabalahan ng lahat para magpreprepare kaming mga katulong sa gaganaping malaking party kinagabihan sa isang cruise ship.

Para daw ang party sa pagpapakilala kay Carlisle bilang tagapagmana ng malaking kompanya ng mga Huzon. Ginanap ang engrandeng party sa isang cruise ship na kung saan ay dinaluhan ng mga iba't-ibang kilalang business tycoon sa bansa.

Kaso mag-uumpisa na 'yong party pero wala pa rin si Carlisle. Kaya naman ako na mismong nagvolunteer na maghanap sa kanya. Kung saan-saan ko na siya hinanap at kung kani-kaninong katulong ko siya pinagtanong-tanong maski sa mga bodyguards niya wala ding ni isang nakakaalam.

Naisipan kong sa may kalooban ng Ship maghanap. At doon ay nakita ko siyang nakahiga sa mga bakanteng beachbeds habang tila nakaidlip pa ata, kaso ang pumukaw ng atensyon ko'y 'yong isang lalaki na tila papalapit sa kanya at may dalang parang matalim na bagay.

Mabilis ko itong nilapitan at buong lakas na tinulak siya na kung saan ay nagpahulog sa kanya sa may barko kaso nahila din niya damit ko kaya napasama ako, thankfully nakakapit pa ako. Kaya lang pagkakita sa may tabi ko, nakita kong iyon yung body niya at nakakapit din ang demonyo.

"Bakit mo gustong patayin si Carlisle? Sino ka ba ha?" sigaw ko sa kanya.

"Sila ang pumatay sa anak ko! inunahan nila ang anak ko sa heart donor kahit pa na sa una kami sa listahan, porke mas may pera sila gano'n? nauna ang anak ko sa listahan ng recepeints. Pero ngayon wala na siya, kaya hustisya lang sinisingil ko, buhay sa buhay." Saad niya.

"Sa tingin mo ba matutuwa ang anak mo kung magiging criminal ang ama niya?"

"Siya hindi ba siya criminal?"

"Hindi niya alam ang nangyari!"

"Alam o hindi pinatay pa rin niya anak ko!"

"Mali ang pinaniniwalaan mo!"

"Wag mo nga akong sinisermonan sa dapat kong gawin! Alam kong ginagawa mo lamang 'yan dahil gusto mo siya, hindi ba?!"

"Nagkakamali ka, isa siyang mahalagang tao sa akin, hindi kami pwedeng mamatay dito sa mga kamay mo dahil mas malaking unos ang kakaharapin mo sa totoong mundo, sampu ng mga pamilya at kamag-anakan mo at magiging kaapo-apohan mo kung itutuloy mo ang plano mo."

Natawa lang siyang parang demonyo.

"ANONG NANGYAYARI DITO?" sigaw ni Carlisle pagkakita sa aming dalawa na nakabitin pa rin at hirap na hirap makaakyat.

Pareho kaming tinulungan ni Carlisle na makaakyat sa Barkong muli at tsaka nanaman niya ako tinalakan ng kung ano-ano.

"Ano sa tingin mong ginagawa mo ah? Tinulak mo yung body guard ko? Stupida ka ba?" tanong ni Carlisle.

"Ginawa ko lang naman 'yon to save you from him, sir." Sagot ko.

"'Yan pa rin talaga isasagot mo?"

"Sa 'yon nga po talaga sagot."

"Ano ba gusto mong patunayan ha?"

"Na hindi totoo ang lahat ng ito. Na kailangan mo ng magising Carlisle, Na kailangan na nating makabalik sa realidad." Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang magkabilang pisngi niya sabay sambit na, "Ikaw na lang ang huli sa mga sentries ko. Nandito ako Carlisle, kasama sa fake world na ito para tunlungan kang magising sa real world, kung saan naghihintay ang iba pa nating mga kaibigan. Kung saan naghihintay ang marami na masagip na'tin mula kay Arcanus. Come back with me Carlisle." And then, gaya ng ginawa ko kina Saichi, Axel at Sky ay inilapat ko ang labi ko sa labi niya.

Ngunit, walang liwanag na nangyari. As in totally, walang nangyari. Sa halip, itinulak pa ako papalayo ni Carlisle. Matapos punasan ang labi niya'y, "Sumusobra ka na. How could someone as low as you dare to touch me?!" galit na saad niya.

Bakit walang nangyari? Sinagip naman na ako ni Carlisle, hindi ba ito na 'yong perfect timing para ma-awaken siya? Nakakapagtaka, hindi nab a through kiss ang pamamaraan ng awakening?

Ngayon pa ba ako magkakaroon ng mind challenge na huhulaan papano maawaken si Carlisle? Nakakapagod na talaga!

Dahil sa pagkapahiya ko'y tumakbo ako papalayo sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako specific na pupunta pero gusto ko lang mapalayo sa kanya, nahihiya ako, nanliliit, parang kahit sa real world hindi ko na ata siya kayang tignan. Nang pababa na ako sa hagdan ay biglang may nagtakip sa'kin ng panyong may kung anong amoy na nagpawala ng malay ko.

Pagkagising ko'y nasa isang function hall nako habang nakaupo naman sa tapat ko 'yong bodyguard ni Carlisle. Papanong? Napakasama talaga ng budhi ng isang 'to. Sa likuran naman niya'y nakita kong nakahiga si Carlisle na walang malay.

"Anong ginawa mo kay Carlisle?!" tanong ko sa kanya.

"Alam mo napakainteresting ng sinasabi mo eh kahit na parang di kapanipaniwala." Sagot naman niya sa halip.

"Anong ibig mong sabihin?"

"'Yong tungkol sa fake world at real world? Kung bang totoong fake world ito, maaring sa real world nabuhay ang anak ko."

"hmp! Nakakaawa ka. Ang fake world ang naglalarawan sa mga kalagayan ng dark past ng bawat sentries ko, at sa dimension na ito si Carlisle ang bida kaya pareho lang sa fake world ang maaaring nagaganap sa real world." Sagot kong pabalang sa kanya.

Naglabas siya ng punyal at bigla siyang tumayo't lumapit kay Carlisle sabay tutok nito sa noo niya't sambit na, "Kung gano'n mas magkakaroon pa ako ng rason na patayin siya."

"HUWAG!!!!!" sigaw ko.

"BAKIT? BAKIT KAILANGAN DI SIYA MAMATAY?! MAMAMATAY TAO DIN SIYA!" sigaw din no'ng lalaki.

"Sapagkat hindi rin ako sigurado sa kung ano ba talaga kalagayan ng anak mo sa real world. Kayong mga ilang tauhan sa dimension na ito'y katulad ng sa realidad o gaya ng sabi mo, kabaliktaran sa totoong nangyayari." Sagot ko na nagpakalma sa bodyguard ni Carlisle.

Kaya lang ang sumunod na nangyari'y hindi ko inasahan. Bigla kasing nagising si Carlisle at mabilis nitong pinabaliktad ang punyal na nakatutok sa kanya upang ilaslas doon sa bodyguard niya. Dahil doo'y nabahiran ang mukha ni Carlisle ng dugo.

Pagkatingin niya sa akin ay kakaibang dagundong ang naramdaman ko sa dibdib ko. Para bang bigla kong nakita ang Carlisle na kilala ko. Dahil halos nagsusumamo ang tingin sa mga mata niyang nakatingin sa'kin habang hawak ang duguan ding punyal.

Makaraan ng ilang sandali'y pinakakawalan na ako ni Carlisle gamit ang punyal at agad niya akong niyakap sabay sabing, "Sorry nahuli ako. I'm sorry, I never meant to scold you. I'm sorry I ever gave that man a chance to almost lay his filthy hands on you. I'm sorry, forgive me...for being inhuman." Sabi niya habang nakayuko ang ulo niya sa balikat ko.

Don't tell me, nagising na si Carlisle, ang totoong Carlisle, sa fake world?

"Carlisle..."

"Anise, I'm sorry. Walang kapatawaran ang nagawa ko. I shouldn't awaken, I should just stay here." sagot niya.

Totoo nga. So, does this mean Carlisle will be stuck here in this fake world forever?

"Hindi pwede..." sagot ko.

"You have to go. Hindi pwedeng pati ikaw makulong dito." Sagot niya.

"No. hindi ako papayag."

"Anise, wag ngang matigas ang ulo mo. I can no longer go back!"

"Ayoko! I can't go back without you! Not without you!" sagot ko, sabay yakap sakanya ng mahigpit, "Carlisle, hindi ko magagawang bumalik kung maiiwan ka dito. Part of me will be empty and miserable if that happens."

"Ako din naman. It will hurt me so much that I wouldn't be able to see the person I love ever again." sagot niya na nagpaluha sa akin.

Tinitigan ko si Carlisle sabay sabing, "Kung talagang mahal mo ako, you will never betray me and to prove that, sasama ka sa akin pabalik. I need you Carlisle, whatever it takes babalik ako sa real world kasama ka." Sagot ko.

Napangiti nalang si Carlisle kahit na alam naming parang walang pag-asa. "Of course, I will never betray you." saad niya sabay lapat ng mga labi niya sa akin. Which suddenly surprised us both dahil this time, the awakening took effect. Nang akala na naming wala ng pag-asa, doon pa talaga nagkahimala.

"Anong nangyayari?" tanong ni Carlisle habang nagliliwanag kaming pareho.

"Matagal na masyado ang itinulog mo Carlisle, time to wake up now my sentry, time to leave this place." Sabi ko matapos ay binigyan ko muli siya ng halik and then now finally, it's time for my awakening...

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●

Siguiente capítulo