webnovel

Curse Seven: Arcana's Ritual

CURSE SEVEN:

ARCANA'S RITUAL

Maaga kaming nakarating sa tahanan no'ng babaylan na sinasabi ni Zen.

Isang misteryo padin sa akin kung papaanong napunta sa kanya 'yong painting gayong nakita ko ito sa may shop?

Ayaw ko sanang mag-isip ng kung ano-ano kaso possible kayang minumulto ako no'ng painting? Ibig kong sabihin ay sinundan kaya ako nito?

Pangkaraniwan lang din naman ang bahay ng babaylang si Meena, isang bungalow na may dirty white na kulay. Buong akala ko pa naman parang kubo-kubo na kung saan may mga ani-anitong nakadisplay sa paligid.

Pinangunahan ni Zenaide ang pagpasok sa loob habang kami ay naghihintay sa labas.

Habang naghihintay ay may isa pang babae na mukhang galing ng palengke dahil sa dala niyang bayong ang nagsalita pagpasok nito sa bakuran, "Anong kailangan niyo?" bigla niyang tanong sa amin.

Agad namang nagsalita si Carlisle, "May hinahanap lang po kami."

Pagkasabi no'n ni Carlisle ay saktong lumabas si Zen sabay sabing, "Hindi ko makita 'yong painting at—MEENA?" sabi nitong gulat pagkakita sa babaeng tinawag niyang Meena.

Si Meena na pala ang nakaharap namin. Malayo ito sa iniisip kong itsura ng babaylan. Akala ko kasi parang may pagka-albularyo ang dating niya kaso pagkakita ko kay Meena, napakatypical na babae lang niya at di mo aakalaing isa siyang babaylan. Ito na ba ang itsura ng makabagong babaylan?

Bigla namang naglakad ng mabilis si Meena papasok, "Sinong may sabing panghimasukan niyo ang bahay ko! Mga trespassers kayo! Wala kayong karapatan na pumasok sa bahay ko!" patuloy na litanya nito.

Agad naman siyang napigilan ni Zen sa paghawak nito sa braso ni Meena, "Ako wala, pero siya..." napahinto si Zen ng sumaglit itong lumingon sa akin na nagpalingon din kay Meena sa'kin at tsaka nito muli tinuloy ang sinasabi, "Meena, dumating na ang may-ari ng painting." Sabi lang nito.

Napansin kong tila nahihiwagahan si Meena sa mga sinabi ni Zen. Nabatid din ata ito ni Zenaide kaya lumapit siya sa tabi ko at ipinakilala ako, "Siya ang tagapagmana ng babae sa painting. Meena, nakatayo ngayon sa harapan mo ang Arcana Princess." sabi ni Zenaide.

Nanlaki ang mga bilugang mata ni Meena na tila ba hindi siya makapaniwala sa nakikita niya ngunit bigla siyang napa-irap sa'kin sabay sabing, "Ano ka ba Zenaide, walang katotohanan ang kwentong yon. For sure, mga manggagantyo ang mga yan na nagkakainterest sa painting." Protesta pa ni Meena.

Naglakas-loob ako na magsalita, "Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa'kin para magsalita pero gusto ko din maniwalang hindi ako ang tinutukoy nilang Arcana princess. Kaso matapos kong nabasa ang na sa painting, napakaraming nagbago sa'kin at hanggang ngayon madami pading bagay ang palaisipan para sa akin. Kaya narito ako ngayon para hanapin ang sagot sa mga bagay-bagay na 'yon."

"Nabasa mo ang nasa painting?" tanong niya.

Tumango ako sabay hinga ng malalim bago ko bigkasin sa kanya ang nabasa ko, "As the myth foretells of Arcana's offspring that will one day reawaken to fulfill her legend's aim in return of her will to be granted, four sentries shall rise up to protect her from death that was fated...I want to experience happiness again." Saad ko kasabay ng hiling ko.

Kagaya ng nangyari noong una sa shop at pangalawa sa may downtown ay muling humangin ng malakas sa paligid na tila ba magkakaipo-ipo ngunit may panibago sa eksena, agad kong napansin ang sarili kong unti-unting kumikinang na parang napahidan ata ng maliliit na gold glitters. Parami ito ng parami sa buong katawan ko, nakakatuwa kasi para akong naggegenerate ng sarili kong ilaw at ngayon lamang ito nangyari.

Bigla nalang silang nagsipagluhod sa harap ko matapos kong marinig ang pagbigkas ni Meena ng, "Arcana's heiress."

Sakto namang pagluhod nilang lahat ay biglang nanakit ang leeg ko na para bang may sumasakal sa'kin. Nang hawakan ko ang leeg ko ay napansin ko ang choker na hanggang ngayo'y hindi ko magawang matanggal-tanggal.

Sinusubukan ko muling pigtasin ito ngunit the more na hinihila ko ito ay siya namang paghigpit nito na nagpapahirap sa'kin para makahinga hanggang sa napasigaw nalang ako ng, "TU—LONG!"

"Anise!" Ang huling rinig kong sigaw nila Carlisle, Axel, Saichi at Sky bago ako mawalan ng malay sa sobrang higpit ng pagkakasakal ng choker sa'kin.

*****

Bigla akong kinilabutan pagkamulat ko ng mata ko na isang maliwanag na ilaw ang sumalubong sa'kin. Namatay ba ako?

Ngunit napawi lahat ng pag-aalala ko pagkakita ko kay Meena na paulit-ulit na binabanggit ang pangalan ko.

Pinilit kong umupo at agad naman akong inalalayan ni Meena.

"Nasaan po sila?" Tanong ko kaagad.

"Pinalabas ko muna sila saglit. May kailangan kasi akong sabihin sayo." ang sagot naman niya na seryosong nakatingin sa akin.

"Ano naman po 'yon?" Tanong ko.

"Una, paumanhin kung hindi naging maganda naging asal ko kanina. Patawarin mo sana ako." sabi nito sabay yuko na agad ko namang pinatayo dala ng sobrang hiya.

"Ayos lang po 'yon. Naiintindihan ko po. Kalimutan niyo na po 'yon."

"Salamat."

"Ano po ba gusto niyong sabihin sa akin?"

Lumapit sa akin si Meena at tiyaka itinuro ang choker sa leeg ko pagkasabing, "Kanino galing 'yan?"

Hinawakan ko ang choker sa leeg ko na nakapagtatakang tila nagkaroon ng sarili nitong buhay kani-kanina nang unti-unti itong humihigpit sa may leeg ko.

"Isang lalake na hindi naman nagpakilala, may malaki daw pagkakautang si Papa sa kanya. At dahil sa maski ako ay ipinusta ni Papa kaya inilagay niya ito sa leeg ko. Sabi pa niya sa akin, hinding-hindi ko raw ito matatanggal o kahit sino at tanging siya lamang ang makakatanggal nito." Sagot ko.

Napaisip ng malalim si Meena sa sinabi ko.

"Bakit po ba?"

"Wala naman, napansin ko kasing yan ang sumasakal sayo pero nang tulungan ka na ng mga kasama mo biglang nagnormal ang lahat, para bang may kakaiba sa kwintas na iyan pero maiba ako, ano pa ba ang alam mo tungkol sa kwento ni Arcana?"

At napaisip ako sa sinabi ni Meena, "Bukod sa painting, at kwento po ni sir Zenaide...wala na po." Sagot ko.

"Sigurado?" tanong niyang muli.

At mas napaisip pa ako sa sinabi niya ng naalala ko ang mga panaginip ko. "Yon pong panaginip ko. Actually may boses po ng babae na tumatawag sa pangalan ko palagi tapos may napapaginipan akong magandang babae na parang kahawig ko tapos pinaliligiran siya ng apat na lalaki, makailang-ulit ko itong napaginipan hanggang sa—" Agad akong napatigil, mukhang hindi ko ata makakayanang masabi ang susunod na detalye ng panaginip ko.

"Hanggang sa?" patuloy na tanong ni Meena.

"Hanggang sa makita ko mismo ang sarili kong hindi ko alam kung patay o natutulog habang malungkot na binabantayan nila Carlisle, Axel, Saichi at Sky." Ang halos nanginginig ko pagpatuloy.

"Ang apat na kasama mong lalaki, sila ba tinutukoy mo?"

"Opo."

"Matagal-tagal nadin ng huli kong nagamit ang kakayahan ko na magbasa ng kapalaran ng ibang tao, ganunpaman, mapagbibigyan mo ba akong basahin ang sa iyo miss Anise?" ang tanong ni Meena sabay buka ng mga kamay niyang naghihintay na mahawakan ang palad ko.

Hindi naman ako mamamatay sa paghawak niya kaya naman agad ko itong inabot sa kanya. Bahagya siyang natahimik habang pinagmamamasdan ang palad ko habang tila seryoso niyang sinusudan ang mga guhit nito.

"Ano po?" ang di ko napigilang tano'ngin nang mahinto siya sa bandang wrist ng kamay ko.

"Bakit ganoon?" ang sabi lamang ni Meena.

"Ano pong bakit ganoon?"

"Bakit naiba ang tadhana?"

"Huh? Di ko po kayo magets?"

Napatingin lang sa akin si Meena, "Miss Anise, handa ka na bang harapin ang tadhanang ito?"

"Ano po bang tadhana itong tinutukoy niyo?"

"Kamatayan." Ang walang patumpik-tumpik na sagot ni Meena.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Biglang nanginig ang buong katawan ko na para bang magcocollapse ako at any minute. Ang mga pawis ko'y nagsimulang mamuo sa noo ko, it is the same experience noong napaginipan ko ang sarili kong parang patay. Hindi ko alam na sign na pala 'yong panaginip na 'yon tungkol sa mangyayari sa akin in the future.

"W-wag naman po k-kayong magb-biro ng gan-nyan." Ang mautal-utal ko pang sabi dahil sa panginging ng katawan ko.

"Sorry pero hindi ako nagbibiro. Ito ang itinadhana sayo ni Arcanus na maski si Arcana ay walang nagawa. Alam ko hindi ko nasaksihan ang nangyari noon at isa lamang itong kwentong-nayon pero sa mga nangyari kanina sa tingin mo ba maaaring nagbibiro padin ako? Sana nga, nagbibiro nalang ako pero hindi, ito ang nakatakda sayo. Maari mo bang ulitin ang huling linya sa nakasulat sa painting?" tanong ni Meena.

Nanginginig man na magsalita ay pinilit ko pading bigkasin ang huling linya, "...four sentries shall rise up to protect her from death that was fated."

"Tama. Death that was fated." Ang ulit pa ni Meena.

"May paraan pa ba na matanggal ako biglang tagapagmana ni Arcana?"

"Nasa dugo mo ang pagiging isang tagapagmana, hindi na mababago 'yon ngunit maari mo itong talikuran at hayaan na lamang para hindi ka na umabot sa puntong kamatayan na 'yan."

"Talaga?" ang tanong ko na tila nabuhayan ng dugo sa sinabi ni Meena.

"Mnn. Ngunit lahat ng bagay may kapalit Anise. Kung hindi mo isasakatuparan ang nakasaad sa alamat, may ibang taong aako nito para sayo."

"Sino po?"

"Ang apat na binatilyong kasama mo."

"Sila?"

"Sila--ang apat na lalaking 'yon o tawagin nating iyong mga sentries. Dahil tulad mo, nananalaytay din sa kanila ang parehong dugo ng apat na kalalakihang nakasaad sa alamat na kasama sa blood contract ni Arcana noon." Sagot ni Meena.

"Naguguluhan na po ako. hindi ko naman po talaga ginusto ito. Nadala lang siguro ako ng kalungkutan ko dahil wala akong isang kaibigan tapos nahihikahos pa ang pamilya ko.

Hindi ko naman alam na dahil sa hiling na ginawa ko maactivate ang kung ano pa man ding alamat na hindi ko naman iniexpect kasi painting 'yon at ngayon ko lang din nalaman na may ganong alamat! Ano ba naman alam ko doon?!

Ngayon ano na? Kailangan ko mamili kung tatanggapin ko ba ito o hindi? Ang hirap naman nito!

Buhay ko o 'yong apat na lalaking 'yon?! Oo, wala akong paki sa kanila, hindi ko naman sila kaano-ano kaso nasaan naman na konsensiya ko kung apat silang mamatay para sa buhay ko?

Hindi pa naman ako isa't-kalahating tanga para magpakabayaning martyr na iaalay ang buhay ko for world peace! Ang bata ko pa para magdecision about life and death!

Bakit ba nangyayari sa akin ang ganitong pagsubok?!" at di ko na nga nagawang pigilan ang mga luha ko despite sa mga walang kakwenta-kwentang spoofs para piliting patawanin ang sarili ko.

Hinigpitan ni Meena ang pagkakahawak niya sa ngayoy dalawang kamay ko. "Actually, may kwento kang dapat malaman. Maari ka bang sumunod sa akin?" aya ni Meena sa akin sa isang lumang silid na kung saan ay punong-puno ang mga portraits ng iba't-ibang babae na parang generation to generation hanggang sa mapansin ko ang isang portrait—ang portrait ng Mama ko.

"Nakikilala mo siya?" tanong sa'kin ni Meena.

Mangiyak-ngiyak akong sumagot ng, "Si Mama." Kay Meena.

Naglakad si Meena at huminto sa may gitna ng kwarto, "Anise, silang lahat ay minsang nalagay sa kinatatayuan mo ngayon. Hindi ko man naabutan ang ni isa sa kanila ngunit alam ko na naging mabigat din ang pagdedesisyon nila sa pagtanggap ng responsibilidad. Ito ang unang beses na makakapaglingkod ako sa tagapagmana ni Arcana." Ang sabi ni Meena sabay akay sa'kin patungo sa isang portrait din ng babaeng may bukod tanging walang makulay na kasuotan.

"Bakit hindi makulay ang kasuotan niya?"

"Sapagkat tanging itim na tinta lamang ang gusto niyang makita."

"Huh? bakit?"

"Siya si Demetria, siya palang sa lahat ng mga ito ang kauna-unahang nakatalo sa katawang tao ni Arcanus. Napakatalino, napakatapang ni Demetria para magawa iyon."

"Kaya po ba itim na kulay ay dahil strong color ang black?"

"Hindi."

"Kung ganun, ano pong dahilan?"

Humarap sa'kin si Meena at tinakpan ang mga mata ko gamit ang kamay niya, "Miss Anise, ngayong natatakpan ang mga mata mo, maari mo bang sabihin kung anong kulay ang nakikita mo?"

"Itim." Sagot ko. Ito lang ba ang sagot? Hindi ko padin maunawaan.

"Tama. Itim, tanging kadiliman lang nakikita ni Demetria sapagkat isa siyang bulag."

Bigla tuloy akong nangilabot sa sinabing iyon ni Meena. Muli akong napatingin sa portrait ni Demetria at napabilib ako dahil siya pala ang kauna-unahang Arcana Princess na nakatalo sa human reincarnation ni Arcanus despite sa kapansanan niya.

Huling pinakita sa akin ni Meena ang painting ni Arcana na hindi kumukupas ang ganda. Para bang mas kuminang ito nang huli ko itong makita.

Natapos ang tour namin at hinayaan akong umuwi ni Meena para makapagisip-isip. Kailangan kong magdecide ng mabuti kung alin nga bas a dalawang landas ang tatahakin ko.

*****

Dalawang buwan ang nakalipas, sakto sa sixteenth birthday ko ay naghanda sa bahay sina Carlisle, Saichi, Axel at Sky.

Kahit na hindi pa kami nagkakaayos-ayos ay napilit nilang sumama sina Sol at Mayumi na hindi din masyadong nagtagal matapos ibigay ang regalo nila. Pinilit lang ata sila ni Carlisle dahil sa hiniling ko kay Carlisle na makita sila sa birthday ko.

Sixteenth birthday ko na nga, ito na ang edad na sa halip na inienjoy ko ang pagiging sweet sixteen ko'y kinakailangan kong magdecision kung kahaharapin ko ba o hindi ang sumpang nakatakda sa akin.

Habang abala sina Sky at Saichi sa kusina na nagliligpit, samantalang si Axel naman ang nagpapakain kay papa na may sakit ay naiwan kami ni Carlisle sa may terrace.

"Happy Birthday." Sabay abot niya ng maliit na kahon sa'kin.

"Sobra-sobra na ang naibigay mo sa'kin ngayon hindi ko na ata matatanggap ito." Sagot ko.

"My grandfather told me that if you badly wanted something, you should invest heavily so that no one can compete from you at siguradong makukuha mo 'yon. Please open the box for me." sabi niya na agad ko namang sinunod.

Nasupresa ako sa laman ng box, isang sapphire jeweled necklace. "Oh dear." Tanging reaction ko.

Tumayo naman si Carlisle at lumapit sa akin para isuot ang kwintas sa akin sabay sabi niyang, "Galing pa ito sa great grandmother ko." matapos ay lumuhod siya sa harapan ko't hinawakan ang choker sa may leeg ko, "mas maganda pa naman itong kwintas di hamak kaysa sa choker na ito. Hindi mo pa rin ba matanggal hanggang ngayon?" bigla niyang tanong.

"Hindi pa nga eh. I guess kapag natapos na siguro ang pagiging Arcana princess ko baka kusang matanggal din ito. Sana nga matapos na." sambit ko.

"Gusto mo bang matapos na ito?"

"Oo naman. May idea ka ba?"

"Marry me...so that I can grant you an heiress." Suggest niya.

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Carlisle, kaka-sixteen ko lang."

"Magpapakasal tayo sa labas ng bansa kung saan legal ang magpakasal ng underage."

"Gusto mo akong magpakasal sayo at magkaanak, ng sa ganun ang anak ko naman ang magsusuffer ng sumpa?"

"Then, face the battle Anise. Makakaasa ka na hindi ako aalis sa tabi mo kahit maging kapalit nito buhay ko and if I remain alive after that, I hope you can consider spending the rest of your forever with me."

"Hindi ko alam." Sabi ko na dumidistansya sa kanya.

"Kung dahil sa coupling kaya panay ang distansiya mo sa'kin, allow me to tell you one thing, even if wala ang contract, I would still be protecting you Anise. I will never betray you."

"Err...Excuse me." Sabay alis ko para puntahan si Papa.

Pagpasaok ko sa kwarto ni Papa ay nadatnan ko na ipinahiga na siya ni Axel sa kama.

"Salamat ha..." sabi ko kay Axel pagkalapit ko sa kanila.

"No big deal. Para ko nadin siyang ama."

"So tatawagin na ba kitang kuya?" asar ko.

"Pwede. Pero papano kapag ako pala nakatadhana sayo, wouldn't it be too awkward na tawagin mo akong kuya?" tanong niya.

"Err...si—siguro."

"You want to know my answer? Hindi kasi kita kayang tawaging kapatid. Siguro dahil na rin sa nagugustuhan na kita Anise." Humarap sa akin si Axel na unti-unting inilalapit ang mukha niya sa akin.

"Nauhaw ako bigla. Gusto mo tubig?" offer ko.

Napangiti lang si Axel sabay tanggi.

Nagsimula na akong naglakad papalabas para dumiretso sa kusina. Mabuti na lang walang tao. I need water, namula ako doon. Ano ba nangyayari kila Carlisle at Axel?

"WAH!" gulat sa akin ni Saichi. Nasaboy ko pa 'yong tubig na iniinom ko.

"Saichi?!"

"Happy birthday!" ang sasabihin niya na may kinukuha sa pocket ng sweatshirt niya nang mabilis ko na itong tinanggihan, "Ah...err...wag na...may pupuntahan lang ako saglit." Pagtalikod ko sa kanya.

Natrauma na ako sa regalo baka magpropose din ito, which I guessed right.

"Awww...hindi pa man din ako nagpropropose nabusted na'ko, ang sakit sa puso." Parinig niya.

Nilingon ko siya at napangiti siyang lumapit sa akin, "Pero ayos lang, I still wanted you to know how special you're to me Anise and how patient I am para maghintay kung ready ka na." Sabi niya habang unti-unting naglalakad papalapit sa akin.

Patient daw? Ano kaya itong ginagawa niya ngayon?

Buti nalang nakita ko 'yong punong trashbag at iyon ang ginawa kong dahilan para makatakas, "Tatapon ko lang 'to sige." Sabi ko sabay takbo sa backdoor.

Dahil sa may kanto malapit sa labas ng gate pa ang tapunan ng basura ay naglakad pa ako doon.

Pabalik na sana ako sa bahay nang may mga aso ng kapitbahay ang nakawala at bigla nalang hinabol ako.

Patakbo na ako papuntang bahay nang may humila sa akin papasok sa isang eskinita at isinandal ako. Sisigaw na sana ako kung di ko lang nakita si Sky.

"Wala na sila. Nagpasama ka nalang sana sa akin." sabi niya na tumingin sa akin.

"Thanks." Sagot ko.

Biglang kumabog dibdib ko yet magkatitig lang kami. Sumabay pa pag-skip ng heartbeat ko sa paglunok ni Sky na kitang-kita ko sa sexy adams apple niya.

Suddenly inilalapit na ni Sky ang mukha niya sa akin. I can't escape, parehong nakalock mga kamay niya sa magkabilaang gilid ko.

Gusto ko isigaw 'Papa, gising, rarapin na po ako dito!' kaso even my voice betrayed me.

Pagkalapit ni Sky sa may kabilang pisngi ko'y nararamdaman ko na ang hininga niyang nagbibigay ng kakaibang chill sa katawan ko.

Until he whispered, "Sorry, I almost forgot to greet you happy birthday, Anise." At muli niyang inilayo mukha niya sa akin, "My flower has bloomed so pretty tonight, konti nalang baka di ko na mapigilan sarili ko na pitasin ka. I wanna own you but I'll give you time to decide." Pinakawalan niya ako pero bago siya umalis, "Ang ayaw ko pa naman sa lahat ay yung may kahati ako sa atensyon mo." ang huling sinabi niya.

Oh my gosh! Ito na ba 'yong sinasabi ni Carlisle na mangyayari sa sixteenth birthday ko? naguguluhan na ako. Andami na ngang prinoproblema ko pati ba naman ito, dadagdag pa. wala pa ngang assurance na mabubuhay ako pag nagkaharap kami ni Arcanus.

I went back home at di naglaon ay isa-isa nadin silang umuwi. And that's how my sixteenth birthday ended super aggressive nilang lahat na para bang biglang nagfullmoon at sila'y nagmistulang mga gutom na wolves na nag-uunahan sa kanilang iniingatang prey.

*****

Kinabukasa'y naghanda kaming lima para bumalik kila Meena. Alam kong sa pagbabalik ko sa tahanan niya'y dapat buo na ang decision ko. Hindi na ako pwedeng umatras pa. Ito na nga kung ito at kailangan kong tatagan ang loob ko.

Pagkatanggap sa akin ni Meena sa tahanan niya'y isinaad kong buo na ang decision kong tanggapin ang buong responsibilidad ng Arcana princess.

Kung kaya naman kinagabihan ay isang ritual ceremony ang sinabi sa'kin ni Meena ang kailangan naming pagdaanang anim. Kinakailangan naming sumailalim sa isang ritual ng pagkabuhay o awakening upang mas maging handa bawat isa sa amin sa pagdating ni Arcanus.

Matapos ng preparasyon na ginawa nila Meena at Zenaide ay binilinan pa nila ako bago tumayo sa may center ng circle. Bago tuluyang tumuloy ay muli kong tinignan si Meena, "Basta tandaan mo ang sinabing kong banggitin mo sa huli." Huli niyang bilin at tiyaka na ako pumwesto sa may gitna ng malaking bilog.

Kinakabahan ako, pakiramdam ko parang iaalay ako ng apat na ito sa itsura ko ngayon.

Hindi ko alam kung anong susunod na pwedeng mangyari pero huminga ako ng malamim at muling isinambit ang parehong linya na nabasa ko mula sa painting ni Arcana at idinugtong ang itinuro sa'kin ni Meena, "Sacred Arcana, hear me. Descend inside of me, your heiress, the Arcana Princess."

Sunod-sunod na lumiwanag ang mga circles na kinatatayuan naming lima sa loob ng isang napakalaking Orb. Liwanag na kulay ginto sa sobrang kintab nito, ganito 'yong parehong liwanag na bumalot sa katawan ko noong una kong pagpunta sa bahay nila Meena.

Sabay-sabay pading nakapikit at patuloy na nagcoconcentrate sina Carlisle, Axel, Saichi at Sky sa palibot ko. Para silang nakatayong natutulog sa itsura nila.

Ikinagulat ko nang mawala ang liwanag sa kani-kanila at sabay-sabay silang nagsipagtumbahan sa semento.

"Wag mo silang hahawakan." Pigil kaagad sa'kin ni Zen ng lapitan ko sila.

"Huh? Bakit? Teka napano po ba sila?"

"Don't worry, buhay sila. Natutulog lang. Bawal mo silang hawakan dahil hindi masasakatuparan ang awakening nila bilang sentries." Sabi nito.

"Alangan namang hahayaan ko silang matulog samantalang hindi pa tapos ang ritwal diba? May aberya bang nangyari?"

This time si Meena naman sumagot sa tanong ko, "Wala. Naisakatuparan na ang unang parte ng ritwal. Ang susunod at huling parte nang ritwal ay nakasalalay na sa mga kamay mo Anise."

"huling parte ng ritwal? A-ako? Pero pa—papano?"

Hinaplos ni Meena ang mga noo nila Carlisle at Axel habang nagsasalita, "Sila ngayon ay natutulog ngunit gising na gising ang kanilang diwa sa panaginip."

Na agad namang sinundan ni Zen, "At doon, ay wala na silang kaalam-alam na sila ay isa sa iyong mga sentry. Ni hindi ka rin nila kilala Anise. Kailangan mo silang sundan doon. kailangan nilang magising kasabay ng kanilang mga kapangyarihan na magagamit mo sa dwelo niyo ni Arcanus. You have to do it fast bago ka maunahan sa kanila ni Arcanus. You see, inside this dimension na kinalalagyan nila ngayon ay puro kasino'ngalingan, a fake world. You have to pursue them back Anise before Arcanus does kung hindi, habang-buhay na kayong makukulong sa fake world na 'yon."

"Teka...teka...teka...susundan? Papano ko sila susundan? At papano ko naman sila gigisingin?" Tanong ko.

Bigla namang hinawakan ni Meena ang parte ng dibdib ko na kinatatapatan ng puso ko't sinabing, "Puso. Ito lang ang tanging hindi kayang pekehin ng fake world. Maski si Arcanus, hindi kayang panghimasukan ang nilalaman ng puso niyo."

"Kasi walang puso si Arcanus—literally." Pasingit naman ni Zen.

"So, i have to reach their hearts? Pero bakit ako lang naiwan dito? Diba ako dapat 'yong ma-awaken? Nalilito na talaga ako." tanong kong muli.

"As Arcana Princess, ikaw lang ang may kakayahan na gumising sa mga kapangyarihan nila." Sabi ni Meena na nakatingin kela Carlisle na mahimbing na natutulog. "The moment na matagumpayan mong magawa ito, susunod ng kusa ang awakening mo." Dugtong niya.

"You mean may challenge pa?" ang dismayado kong tanong.

Sinagot naman ito ni Zen, "Parang ganun na nga. Isang challenge kung sila ba talaga'y nararapat na maging sentries mo at ikaw, Anise, bilang Arcana princess." Sabi niya.

"Pero papano ko naman ire-reach hearts nila?" tanong kong muli.

"'Yon ang kailangan mong alamin. Good luck Anise, sana magtagumpay kayo." Sabi lang ni Zen sabay snap ng daliri niya na para bang hypnotismong nagpapikit sa mga mata ko, na agad namang nagpatulog sa akin.

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●

Siguiente capítulo