webnovel

Curse Two: Lost Friendship

CURSE TWO:

LOST FRIENDSHIP

Kinagabihan sa bahay—pagkauwi galing sa field trip—ay hindi ko mapigilan na mapaisip at magmuni-muni sa mga kamalasang nai-experience ko na nagbigay pasakit sa akin.

Hindi ko maiwasan na iflashback sa utak ko ang mga nangyari mula noon kela Sol hanggang sa pagpusta sa'kin ni Papa...

***flashbacks***

"Mayumi! yohooo! Sol!!!" Sigaw ko pagtapak ko sa loob ng school grounds.

Naging habit na naming magkakaibigan ang magkarera tuwing umaga papuntang school mula sa pagbaba ng bus station.

"Sandali lang Anise! Kanina pa tayo tumatakbo simula nang pag-alis natin ng bus station." Ani ni Mayumi na hingal na hingal na sa sobrang pagod.

"Oh geez. Ang lapit-lapit lang noong itinakbo natin. Isa pa parang 'di na kayo nasanay. Halos araw-araw na nating ginagawa ito, nahihirapan pa ba kayo?" paalala ko sa kanila.

Every day din palang ako ang nanalo sa aming tatlo. Nasanay nadin kasi ako lalo na ng nagsimulang maghirap ang pamilya namin. Wala ng personal bodyguards, wala naring sariling sasakyan.

Mabuti na nga lang at nakafull payment pa ako this year bago pa dumating ang ganitong unos sa pamilya namin, pero next year, baka pumunta na akong public school or what's worst baka huminto ako ng pag-aaral.

Bigla nalang sumingit si Sol na kararating lang din at obvious na obvious na pagod din sa pagtakbo ngunti hindi niya ito pinapahalata dahil mas obvious sa kanya ang pagkakaroon ng seryosong expression since birth, "'wag mo nga kaming ikompara sa athlete's leg mo since birth. We don't have that much stamina na kagaya mo para tumakbo ng ganoon araw-araw." Sabi nito habang naglalakad palampas sa'kin.

Medyo hindi ko nagustuhan ang pananalita niya kaya naman hinila ko siya pabalik sa akin para kausapin ngunit bago pa man mag-umpisa ang araw-araw naming agahan ni Sol na debate ay biglang pumagitna si Mayumi para agad awatin ang nagbabadya naming pocho-pochong pagtutuos, "Okay, tara na sa classroom girls." Ang aya nalang ni Mayumi sabay hatak sa mga braso namin ni Sol.

Habang naglalakad ay bigla nanamang sumagi sa isip ko ang kalokohan, "tara unahan makarating sa classroom." Aya ko.

"Nanaman? Ayoko ko na." buong pagtanggi ni Mayumi.

"I'm not doing it." Ganoon din si Sol na inirapan nalang ako.

"Last na ito, promise. Ganito nalang, kung maunahan niyo ako, pangako, hindi na tayo mag-uunahan tuwing umaga at pangako hindi ko na kayo uubusan tuwing recess." Ang bribe ko sa kanila na paniguradong kakagatin nila.

Maya-maya pa ay napapagyag ko din 'yong dalawa at dali-dali kaming nag-unahan sa may classroom.

And without farther a do, we started to race in the hallways of the school.

Malapit na sana ako, mga isang likuhan nalang bago ang classroom namin ng lingonin ko sina Mayumi at Sol ngunit nang muli kong ibaling ang tingin ko sa harapan ko ay may bigla akong nabunggo.

Tumama ako sa dibdib ng kung sino mang poncho pilatong nabunggo ko na kung saan nagpatilamsik sa akin sa sahig.

Bigla nalang tumayo 'yong lalaki na nabunggo ko. Dahil sa lalaki ito ay natakot ako na baka gantihan niya ako.

Subalit sa halip na gumanti ay pinagpagan nito ang parte ng damit niya na kinaumpugan ko.

May pagkafeelingero pala itong mokong na ito, it's so obvious na inaasar lang ako sa pagpag-pag na ginawa niya.

"Running inside the corridors is strictly prohibited. Wala ba sa inyo ang nakakaalam ng rule na ito?" ang biglang sabi niya sa seryosong tono. Oo nga pala, dapat English ang salita namin sa loob ng campus pero pasaway kami nila mayumi kaya minsan pag di nakatingin mga teachers nagtatagalog kami, sa Pilipino kami eh magagawa nila?

Ngunit walang naglakas ng loob na sumagot ni isa sa aming tatlo. Sino ba naman magtatangkang sumagot sa Student Council President naming si Carlisle Huzon na nagpapaala ng rules sayo, not to mention eh nagawan mo pa ng kasalanan?

Bigla nalang siyang lumingon sa Secretary niya na kasama niyang lumabas sa homeroom nila, "Korin, please get their names. I wanna see them at the detention later this afternoon." Ang utos nito sabay walk out lampas sa amin.

Nagmamaktol pa kaming tatlo sa secretary ni Carlisle habang kinukuha nito ang mga pangalan namin. Nakakainis lang kasi una, parang eng-eng lang itong si Carlisle, napakakill-joy! Kung ituring niya kami parang hindi niya kami naging kaklase noong elementary, ngayon na nga lang nagkatalo since ibang section niya sa amin.

Kinahaponan, tig-dalawang batok ang inabot ko kina Mayumi at Sol pagkatapos naming linisin ang comfort rooms.

"Para 'yan sa pagkakasira ng nail polish ko Anise!" Ang complain ni Mayumi na pinagmamasdan parin habang nagluluksa sa nasira niyang nail polished na kuko.

"Sorry na Mayumi." Ang paulit-ulit ko namang hingi ng tawad sa kanila mula pa noong pagkakuha ng mga pangalan namin.

Bigla nalang akong nasurpresa sa isiningit na sinabi ni Sol, "Hanggang kailan mo ba planong magpakaisip-bata Anise? High school na tayo pero kung umasta ka parang daig mo pa preschool na pati kami ni Mayumi dinadamay mo! Nakakasawa kang kasama!" sabi nito na nagpatameme sa akin.

Humarang naman si Mayumi gaya ng ginagawa niya palagi, "Teka Sol—" ngunit bago pa man din tuluyang makapagsalita si Mayumi ay agad nanamang bumuwelta si Sol, "Ayaw na kitang makasama simula ngayon Anise. Masyado ka ng nagiging pabigat sa amin ni Mayumi." Ang muli pa nitong sabi na nagpakabog sa dibdib ko.

"Sol?" ang tanging nasabi ko lang.

"Tara na Mayumi bago pa ulit tayo madamay sa kung anong kapalpakan ang gagawin nanaman ng Anise na yan."

Halos hindi makatingin sa akin si Mayumi nang sumama ito sa pangumbinsi ni Sol.

Nanginginig ang tuhod ko, hindi magawang makahakbang ng mga paa ko para pigilan sina Mayumi at Sol sa paglalakad papalayo sa akin pero wala akong magawa, pakiramdam ko nakamighty glue ang mga sapatos ko sa tinatapakan ko kaya hindi ko ito mai-angat.

Wala akong magawa para mapigilan sila sa paglayo nila sa akin. I don't know what to do hanggang sa napansin ko nalang na may pumatak na luha sa mga mata ko.

Tears. The last time I cried was during my late Mother's funeral or was it even a funeral?

All I could even remember was my Papa at ako na nagluluksa habang nakatingin sa dagat at nakasakay sa isang private yacht.

It was painful, knowing your Mom died at an earlier stage, but it was more painful not even retrieving her dead body para may mapaglamayan.

She died in a commercial cruise ship while on a charity fair somewhere I don't know, hindi pa naman ako aware sa mga pangyayari noon so how the heck should I know and isa pa, I wouldn't even dare asking Papa, he's still speechless about what really happened ten years ago.

Seeing these tears brought by my friends leaving me feels like hell is calling out to me to pay some visit.

It was a memory I always ended up reminiscing whenever it rains. It's like a nightmare that occasionally knocks at me.

Isang nightmare na maituturing ko habang nagflasflashback ang mga pangyayaring muli sa'kin. Seriously, what in the world happened with our friendship?

I don't know. I seriously don't know. It could've been because of my attitude I guess but distancing from me was so much to the extent na wala na ni isang studyante ang gustong makipagkaibigan sa akin.

Pain isn't it? But it is the reality.

I'm already in my junior year but still, I feel like a ghost student entering and exiting a school with ocean of students who doesn't even pay any attention to my existence.

I wish there is something I could do so that I could experience happiness again.

*****

CURSE OF ARCANA

PROPERTY OF AMEDRIANNE

FINAL THREE ENTRY FOR WATTPAD WRITING BATTLE OF THE YEAR 2014

♡ CURSE OF ARCANA is now published under Lifebooks publishing. Please continue supporting it by buying your own copy from bookstores near you. Thank you. ♡

●If you like this story, you can also check my new fantasy story ROSE EVE. Here's the direct link: http://my.w.tt/UiNb/WlcGqcwrWu ●

Siguiente capítulo