webnovel

Crazy Deal

COLORFUL confetti showered the whole place when Vika, rocked her finale walk. All the people stood up and cheered with joy when she paused on the center stage.

She's wearing the most expensive fantasy bra that the rest of the world will drool over. Even, the golden styled mask coated with shiny sequins; her mysterious trademark suits her very well.

"Damn! She's a real Goddess. I will pay million just to see the beautiful face behind that sophisticated mask." One of the audience blurted out.

The designer of the fashion event, Jayzee Smith, also joined on stage to express her vulnerable glee. "This is a really enthralling moment for me. I am very happy with all your love and support. To all Staff and Crew who bear with me day and night. Of course, friends and family who supported me all the way, I love you! And you guys, who come in here, especially." She paused to wipe her teary eyes.

Vika is standing beside her. She pulled her for a warm hug and gave few words of comfort.

"I'm such a crybaby, right now. Geez. I'm so proud and thankful for our very own, Goddess Vika, beside me-" Jazyee continued as her voice faltered when everyone cheered her more. Her emotion is overflowing within her body. Tears can't be expressed this blissful moment.

She whispered something to Vika before she continued, "Dotting the beautiful evening, please enjoy the sparkling night. Amusez-vous bien!"

As if on cue, the fireworks started to dance in the sky, diverting everyone's attention.

Dumiretso agad si Vika sa backstage. Habang sinusuot ang malaking coat ay hinarang siya ng isa sa Swizz coordinator. "Hindi ka sumipot kanina sa dalawang shoot mo. Ang dami ng complains dahil diyan. Can you at least tell us the problem about your schedule?"

Umiwas siya at nagpatuloy. Two men in black suit assisted her going to the secret exit door. Tagos iyon sa parking kung saan naghihintay ang service niyang itim na SUV. As she seated in the backseat, she fished out her phone to answer the call while watching the beautiful view.

"You're being stubborn. I had three models who complained about your behavior. You are bullying them. Bakit? Malaki na ba ang ulo mo? Toxic ka na ba sa dami ng mini projects mo at walang gaanong big brands na nag-offer dahil sa away niyo ni Gracy? Remember this Vika, even if you didn't experience how hard to start from scratch. You don't have the rights to bully."

Hindi talaga niya ako tatantanan! She gripped her phone and take a deep sighed. "I had my feet on the ground, miss. Your judgment is very unfair. And about those three models, it is not true. They are the one whose bullying me. You know I suggest you to double check my schedule because they are lapsing to one another. Because if I go to that I will miss this big event. Would the management prioritize the small or big one!" Nanggigigil niyang pinatay ang tawag at umirap sa kawalan. Palagi nalang siya binabaligtad para magmukhang mali. Pagod na siya sa ganitong kalakaran. Palibhasa, tinulungan siya ni Mrs. Swizz para makapasok sa agency nito. Inaakusahan siyang sipsip at malakas ang kapit. Isa siyang sikat na mayabang at bilog ang ulo.

She composed herself and exhaled all the negative vibes. Hindi naman niya makakalimutan ang tulong ng mag-asawang Swizz, pero pinaghirapan niya pa rin ang tinatamasang kasikatan. Sumuot pa rin siya sa butas ng karayom. Mahirap. Sobrang hirap pero lumaban siya. Dahil hindi siya nag-iisa. She had her loving mother.

Nalukot muli ang kanyang mukha sa panibagong tawag. Sinagot niya iyon ng hindi sinisilip kung sino ang caller.

"Hello!" she began.

Kunot noo niyang sinilip ang cellphone kung sino ang tumawag. Muntik niyang mabitawan iyon dahil sa nakitang pangalan.

A glint of happiness showed on her lips. It's a miracle. "Hello, Frank?"

Naguguluhan niyang tiningnan kung namatay ang tawag. Tahimik kasi ang kabilang linya na para bang pinaglalaruan siya ng tumawag.

"Frank?"

"Save my mother, please!" The person on the other line yelled.

Muntik niyang mabitawan ang cellphone, kasabay nang pagsibol ng takot sa kanyang puso dahil sa narinig. What about mom? "Hello, Frank? Where are you? What happened to mom? Hello!"

"I just arrived, Jyra! I don't know either. I'll send to you the location."

Namatay ang tawag kasunod nang pag-flash ng screen ng kanyang cellphone. It was about the map. Nanginginig niyang ibinigay iyon sa kanyang driver sabay sabing, "Drive the fastest that you can. I badly wanted to see my mother!"

Huminto ang sasakyan sa madilim na parte ng parking lot ng Prime Hospital. Siniguro ng dalawang body guard na walang tao sa paligid bago nila pinalabas si Jyra. Bagaman hindi niya na suot ang maskara at nakapagpalit na ng damit, nagtalukbong pa rin siya ng mukha.

Taas-baba ang dibdib niya nang matunton ang kuwarto. Saglit siyang pumikit at nanalangin. Sana ay okay lang ang lahat at walang masamang nangyari. Humugot muna siya ng lakas ng loob bago binuksan ang pinto.

The fragrance of her mother's favorite perfume, the cold breeze of air condition and solemn atmosphere welcomed her. And for some unknown reason, she felt something inside of her body contracted. Ang sakit noon, lalo nang dumako8- sa walang malay na babae sa 'di kalayuan ang kanyang paningin.

"Mom?"

Lalapitan niya sana ito ngunit naagaw ng atensyon niya si Frank.

Nakasandal ito sa pader habang nakayuko. Parang hindi manlang nito naramdaman ang pagpasok niya kanina. His quietness is sending her a huge volume of message. Sana mali ang kutob ko.

"Frank?" She asked controlling her lips from quivering.

Napaatras siya ng makita ang luha sa mata nito. Lalo noong mangusap ang mga iyon. "Jyra, iniwan niya na tayo. Si—"

Hindi niya na narinig ang kasunod na sinabi ni Frank sa biglang pagpintig ng kalamnan niya. Ang salitang iniwan ay paulit-ulit na umi-echo sa kanyang tainga. It's killing her, and unacceptable, until the memory flash back.

Standing on the edge of the bridge, where darkness and loneliness were her friends, she let the wind blew her balance. Buo na ang pasya niya, magpapakamatay na siya. Wala namang magtatangis sa pagkawala niya dahil ito ang gusto nila. She disappeared from their sight because she's nothing but a curse.

She closed her eyes, and ready herself to welcome the cold water. Until a pair of strong hands stopped her from falling. Sinubukan niyang pumiglas at magsisigaw upang hayaan siyang mahulog. Ngunit masyado itong malakas at walang kahirap-hirap sa pagpasan sa kanya na parang sako.

"Bitawan mo ako! Bitaw sabi!" She screamed but the man in black suit, locked his arm to hold her tight.

"Bring the little dove in here!"

Tumigil siya sa pag-iingay noong ibaba siya. Inaasahan niyang isang masakit na sampal ang makukuha, kaso isang nag-aalalang ginang ang natunghayan niya.

"Little Dove... Life. Is. Precious. Don't just waste it for nothing. Look at you, such a beautiful and young." Inayos nito ang suot niyang lumang bestida, maging ang magulong buhok.

The presence of the woman was very warm and heavenly. It was like she was cleaning her body from inside and out.

Hindi niya nilulubayan ng titig ito. Ang mga guhit sa noo nitong nagsasabing may edad na, ngunit hindi maitatago ang gandang babae noong kabataan niya. Ang malambing nitong boses na bumagay sa dalang kabaitang prisensiya.

Sampal ang dating sa kanya noong haplusin nito ang luha niyang kumawala.

The woman wasn't giving a sympathy, she was comforting her as if she was her own child.

She has been moved, and now regretting what she did. The truth, she was afraid to die. She doesn't want to die. She wants to live and enjoy life. To live the life that was taken from her when she once has a family.

Napansin niya ang nagbabadyang luha sa mata ng ginang, lalo noong salubungin nito ang titig niya.

She suddenly felt comfortable and wants to gamble once more. This woman in front of her was the call. The sign of hope and happiness that she had been dreaming of.

"G-gusto ko pong mabuhay," aniya rito.

Tuluyang dumaloy ang malusog na luha sa kanyang pisngi, noong ngumiti ang ginang habang pinapalis ang mga luha niya.

"Little dove, come with me and I will give you the life you wanted."

She snapped herself when sudden fear knocked on her chest. Agad siyang lumapit sa kanyang ina upang titigan ito. "No! She's just sleeping. Can't you see, Frank?" Saglit niyang nilingon ito, malakas ang loob at pinapakitang totoo ang sinasabi niya. Marahas niyang pinahid ang luhang may sariling utak na pilit kumakawala sa kanyang mata.

Umupo siya sa gilid ng higaan at tinitigan ang ina. "It's me. Mom? Your little dove." The bravery on her voice dwindled once the realization slapped her. The image of the lifeless woman in front of her is not the person she'd met before. It is not her because she will never leave her. Never.

Nanginginig niyang kinuha ang kanang kamay nito. Her body thumped as if her soul wants to leave her body when she didn't feel her mother's pulse. "She's just sleeping, Frank." She lied, her tears flowed like a well-fed fall writing the truth on the air. Mom? I can't. I know you can hear me. Please, wake up.

Frank groaned frustratingly. "Enough, Jyra!" Hinila siya nito palayo sa ina.

She flinched when the grip on her wrist became tighter.

"What are you doing?" Bulyaw sa kanya nito.

Sinubukan niyang pumiksi pero nasaktan lang siya. "I won't, because I know she's just resting, Frank. She's tired because of that damn... business that supposed... you... manage."

Nagtangis ang bagang ni Frank dahil sa tinuran niya. Lumuwag din ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay. Guilt escaped her throat when her brother closed his eyes.

Agad niya itong tinalikuran upang yakapin ang walang malay na ina. "Mom? You love me, right? I love you too. Please, don't do this. I can't live without you." Pumiyok siya sa huling tinuran, lalo noong dumampi ang malamig na pisngi ng ginang sa kanya. "No! Please!"

Mula sa gilid ay hindi na rin napigilan ni Frank ang maluha.

"Mom, don't leave us. Please... no! No!Let go of me!" Nagsisigaw siya noong hawakan siya ng dalawang bodyguard upang ilayo sa ina. Lalo noong biglang pumasok ang nurse at tinakpan ng telang puti ang katawan ng walang malay na ginang.

"You don't have the rights to do that. She is my mother. She's not dead. Don't cover her!"

"Ate, tama na!"

Immediately she stopped from screaming and stared blankly on the scene. Lumuwag ang pagkakahawak sa kanya kaya tuluyan siyang napasalampak sa sahig.

"Mom." Nadurog ang puso niya noong simulang hilain palabas ang higaan. "No! No! Please..." Sinubukan niyang abutin iyon upang pigilan. But an image of her mother showed on the open door. Nakangiti iyon habang unti-unting umaatras.

Come back. No! Her chest throb in pain. Even her body becomes heavy as if she was nailed to her position. Kailangan niyang pigilan ito. Mom... Don't leave me. I need you. Buong lakas niyang inaabot ito, pero biglang mawala ang imahe kasabay nang paghila sa kanya ni Frank.

"Ate, tama na."

Humihikbi at iiling-iling niyang wika, "I'm just dreaming. I have to wake up. This is just a nightmare."

Si Frank ang umasikaso sa labi ng ina, samantalang siya ay hiniling na pauwiin.

Nakahiga lang siya habang nakapikit. Sa madilim at tahimik niyang kuwarto, ilang katulong na ang pilit siyang pinapakain pero lahat ay hindi niya pinansin. Naniniwala siyang bangungot ang nangyari. Nasa ilalim siya ng masamang panaginip at kailangan niyang gumising. Pero bawat pagmulat niya ay pilit bumabalik ang lungkot at pighati. Ang katotohanang wala na ang kanyang ina.

"Nasaan ka? Jyra?" sigaw ng babae mula sa labas ng kanyang kuwarto.

Is that you, mom? Pinalis ang luha sa pisngi at nagmadali sa pagbangon. Totoo ngang panaginip lang ang lahat. Buhay ang kanyang ina. Puno nang pananabik niyang binuksan ang pinto. Nang masino ang babaeng naghahanap sa kanya'y bumagsak ang kanyang mga balikat. Winona.

"Jyra?" Lumapit ito sa kanya. "Nabalitaan ko ang nangyari. Tita Carla died because of heart attack, last night."

Umiling siya. Hinawakan sa magkabilang balikat ito. "Win, hindi totoo 'yan. Nasa kuwarto niya lang si mommy. Tara. Puntahan natin."

Winona shook her head, slowly.

That triggered her undying tears.

Hinawakan nito ang parehas niyang kamay at tumitig sa kanyang mga mata. "Maging matatag ka. Hindi mahina si Vika."

Her alter ego served as her shield from all her painful reality. Through it, she can stand in the crowd as if she doesn't has any flaws. She looks strong, confident and matured. The reason why people kept on loving her. But what was happening now was beyond the capability of the mask. This is the truth that even a mask cannot stop or hide the pain.

Kinagat niya ang kanyang nanginginig na ibabang labi. "Life is precious... iyon ang sabi niya noong subukan kong magpakamatay. She saved me. She gave me hope to begin a new life. Pero ako, hindi ko iyon magawa sa kanya, Win. Mahal na mahal ko si mommy. Hindi ko kayang tanggapin. Ang sakit."

Hinila siya nito upang yakapin. Nauunawaan nito ang nararamdaman niya. All these years Winona witnessed how her life changed through Carla Adrich.

Her mother fed her gold. She dressed her different kinds of sparkling diamond and taught her to walk on the grandiose staircase made of silver. Napakabait ng ginang. Ibinigay nito ang lahat ng gusto o maibigan niya. She raised her with discipline and respect.

"Natatandaan ko ang unang beses na makita ako ni Tita. Napag-akalaan niyang kambal tayo dahil sa parehas ng kulay ng buhok at pangangatawan. Kapag nakatalikod ako, minsan ay napag-aakalaan niyang ako ay ikaw." Humiwalay ito upang alisin ang sariling luha. "Pero ito ang katotohanan. Wala na siya. Kailangan mong magpatuloy at maging malakas ka."

Natigilan siya sa narinig. Kinukumbinsi ba siya nitong kalimutan ang ina? Hindi nito nauunawaan ang nararamdaman niya. Si Carla ang natitirang lakas niya. "Napakadaling sabihin, pero mahirap gawin. Kasi hindi mo naman naranasan ang mawalan."

"Paano mo nasasabi 'yan? Paano ang panahong iniwan mo ako sa ampunan? Paano ang panahong takot na takot ako noong mapunta ako sa bahay ampunan. Mukha ba akong hindi nawalan? Mukha ba akong masaya?" Natutop nito ang bibig sa biglang pagtaas ng boses. Naunang umiwas nang tingin at hinaplos ang gilid ng mata.

"I'm sorry," she whispered.

"Hindi. Ako dapat ang humingi ng patawad. Dahil kung hindi kay Tita Carla, hindi ko mahahanap ang totoo kong magulang."

Mariin niya itong tinitigan. Hindi niya maunawaan kung bakit bigla siyang nakaramdam ng inggit. Dapat ay masaya siya para sa kaibigan, pero hindi niya magawa. This makes her upset to herself.

Mabigat ang bawat paghinga niya noong tumalikod at nagsalin ng tubig. Inilang lagok niya iyon bago bumaling dito. "Hindi kita iniwan noon sa ampunan. Gusto kitang kasama, alam mo 'yan. Kaso, nagising nalang akong nasa ibang bahay. You don't know what happened to me after that," paliwanag niya.

"Ang buong akala ko si Tita Carla ang umampon sa'yo?" ang naguguluhang tanong nito.

The pain from the past filled her lungs as if it happened yesterday. "Si Mommy ang ikatlong umampon sa akin. Ang dalawang nauna ay—" Bumaba sa basong hawak ang kanyang atensyon. Huminga siya nang malalim, tila nahihirapan kung paano sasabihin.

Winona held her hand. "Okay lang. Hindi lang ikaw ang nagdaan sa pagsubok ng nakaraan."

Pagsubok? She smiled bitterly. "Itinakwil nila ako hanggang sa tangkain kong magpakamatay. Nawalan na ako ng pag-asa. I lost you. I lost everyone that I've treasured. Wala akong sapat na tapang para 'wag bitawan ang mga taong mahalaga sa akin. Kaya naisip kong mawala na sa mundong ito at ikulong ang sarili sa dilim. Wala akong makita. Wala akong makapitan na pag-asa. Takot na takot ako." Kinagat niya ang kanyang ibabang labi upang pigilan ang bugso ng damdamin. "Until, a warm spirited woman came and offered me a hand. I don't need anything, Win. Ang gusto ko lang ay masaya at buong pamilya."

"Be me," Winona thrilled.

Umangat ang tingin niya rito. "What do you mean?"

"Ikaw ang magpapakilalang si Winona," paliwanag nito.

"That's crazy, Win. They are your real family, and you will just dispose of after finding them?"

Mariin siyang tinitigan nito. Naninimbang sa gustong mangyari o sa posibilidad na kanyang pagtanggi. "Say yes, Jyra. You can have my family, kapalit ni Vika."

Batid niya ang kagustuhan ni Winona na maging modelo. Bata palang sila ay pangarap na nito iyon. Bakas din ang inggit sa mga mata nito, kahit hindi aminin sa tuwing magkukuwento siya sa kanyang event. Marahil mas naging matimbang para rito ang pangarap kaysa sa makasama ang matagal ng nalayong pamilya. Kumpara sa kanyang kayang bitawan ang pagmomodelo para sa pamilya.

"Gusto mong maging si Vika?"

Hindi madali ang pinagdaanan niya noong nagsisimula. Marami ang bumabatikos sa pagtatago niya ng mukha, kung bakit kailangang may maskara pa siya. Mayroon pang nagsasabi na pangit ang totoong mukha sa kabila ng mascara. Tiniis niya ang lahat ng iyon. Nagsumikap siyang patunayan na hindi siya matitibag ng kahit anong ibato sa kanyang pagsubok. At ngayong nasa tuktok na siya ng tagumpay, mukha man siyang kampante at nirerespeto, hindi nila nakikita ang totoong hirap. Mas marami ang nagtatanong sa pagkatao niya. Pinagkakaisahan siya at hinihila paibaba.

"Yes," ang walang kurap na sagot ni Winona.

Mariin niyang sinalubong ang determinasyon sa mga mata ng kaibigan. Positibong tao si Winona, posibleng mapagtagumpayan nito ang minimithing pangarap. She was very tempted. Pagod na kasi siyang magpanggap na matatag at malakas.  The world of showbiz is truly toxic and stressing. Now, without her mother Carla it will be hard for her to continue. She need uncovered herself. No more mask. No more pretending. 

"Then, this crazy deal will be sealed with our friendship, love, and trust," she said.

Siguiente capítulo