57
SIMULA nang mamulat ako sa buhay na salapi ang basehan ng katayuan ng isang tao sa buhay, naging mahirap na sa aking makipagsalamuha o humarap man lang sa mga taong nakatataas sa akin.
That explains why I was so nervous of the idea of meeting Felix's parents four years ago on his birthday party.
Nanliliit ako sa tuwing nakikita ko kung gaano nalalayo ang paraan ng pananamit ko sa kanila. They wore branded clothes that cost thousands of pesos while mine were just bought in tiangge. Ang pinakamaganda at pangmalakasan ko ngang damit ay nagmumukhang basahan sa tuwing naihahanay ako noon sa mga mayayaman.
Pero ganun talaga, tanggap ko naman, na ang mundo ay hindi bilog, kundi tatsulok. May nasa tuktok, may nasa gitna, at higit sa lahat, may nasa baba.
"Ma'am, nasa baba na po si Sir Franco." Nahugot ko ang hininga ko sa ibinalita ng katulong. Marahan ko itong tinanguan bago ito lumabas ng aking kwarto. Saglit ko namang sinipat ang ayos ko sa salamin bago ako sumunod dito pababa.
Pagdating ko ng dining area, sina 'Nay Lourdes, Kuya Fred, at Tito Franco na hindi pa nagsisimulang kumain ang naabutan ko. Napalunok ako. Nakakahiya, mukhang pinaghintay ko pa sila.
Si 'Nay Lourdes ang kaagad na nakapansin sa presensya ko. "Oh ayan na si Krisel. Tara, anak, halika, maupo ka rito."
Humugot muli ako ng malalim na hininga bago ako humakbang palapit sa kanila. Bago ako tumungo sa tabi ni 'Nay Lourdes ay lumapit muna ako kay Tito Franco para magmano. Ang lakas ng dagundong ng dibdib ko. Ni wala pa man siyang sinasabi, parang aatakehin na ako sa nerbyos.
"Uh, kain na po tayo," pinilit kong maging masigla. Kahit mahirap ay nginitian ko pa si Tito Franco na nakatingin sa akin.
"Kailan ka pa dumating?" tanong nitong nagpatigil sa akin sa pagsandok ng kanin. Tiningnan ko si Kuya Fred na nakangiti sa akin bago ko sinalubong ang mga tingin ni Tito Franco.
"Uh, kanina lang po."
"Nasaan ang boyfriend mo? Bakit wala siya rito?"
"Uh... umuwi na po sa kanila kanina, tito."
Shit! Bawat sandali ng pag-uusap na ito ay hindi ako makahinga ng maayos. Hindi naman galit o kung ano pa man ang tono ng kanyang boses pero kasi, hindi ako sanay na kinakausap niya ako.
Kaya naman ganoon na lamang ang buntong-hininga ko nang si Kuya Fred naman ang pinaulanan niya ng mga tanong. Sa wakas, nakakain din ako nang matiwasay.
Matiwasay. Yes, I really did not expect this. I did not expect that we were be able to have a dinner peacefully. Malayo ito sa inaasahan ko. Akala ko mapapalayas ako sa mansiyong ito ngayong gabi.
After that two questions, hindi na muli akong kinausap ni Tito Franco. Puro negosyo na lamang ang naging usapan sa hapag sa pagitan ng mag-ama.
It made me ralaxed, though. Pero sabi nga nila, 'wag magsalita ng patapos at baka kainin mo lang ang sinabi mo. Ito nga at kinain ko nga ang sinabi ko.
Right after the dinner, may huling sinabi si Tito Franco na bumuhay muli sa kabang unti-unti na sanang naglalaho sa dibdib ko.
"Krisel, puntahan mo ako mamaya sa opisina. May pag-uusapan tayo."
Bakit hindi na lang dito? Gusto ko sanang itanong kaso nakakatakot. Baka sigawan niya ako. No one questions him here in his house, except of course for Kuya Fred.
Pero bakit nga ba hindi na lang dito sa hapag namin pag-usapan ang kung ano mang pag-uusapan namin sa kanyang opisina? Kinakabahan tuloy ako. Ang daming tumatakbong hindi magagandang bagay sa isipan ko.
What if he kick me out of this house? Ayaw niya sa akin, hindi malayong iyon nga ang mangyari. Kailangan ko na ba muling mag-alsabalutan? Paano 'yan? Kalalagay ko lang ng mga damit ko sa closet, aalisin ko ulit? Ano 'yun, joke?
"Anong sa tingin niyo ang pag-uusapan namin ni tito?" balisang tanong ko kina Kuya Fred at 'Nay Lourdes. Kanina pa ako palakad-lakad sa sala at halos nakailang reklamo na rin si 'Nay Lourdes na nahihilo na siya sa ginagawa ko.
I'm trying but I really can't relax. Paano kung tama ang iniisip ko? Paano kung palalayasin niya na nga kami? Wala akong magagawa kung saka-sakali man. Babalik na naman kami sa hirap, kung saan kami galing. Kung ako lang sana, kaya kong bumalik muli sa pinakamababa. Pero ang inaalala ko ay si 'Nay Lourdes, hindi na siya ganoon kalakas para indahin muli ang hirap ng buhay. She's getting older and she needs a comfortable place like this.
"Anak, huminahon ka. Baka kakamustahin ka lang niyon."
"'Nay, hindi kami close para magkamustahan."
"Think positive, Krisel. Malay mo nagbago na si dad. It's about time na rin na magkasundo kayo." Tiningnan ko si kuya Fred na hindi maalis-alis ang ngiti sa mga labi.
He's always like that. He sees every situation positively. Sabi niya, iyon daw ang itinuro sa kanya ni 'Nay Helen kaya itinuturo niya rin sa akin.
Sana nga ganoon ang mangyari. Sana magdilang-anghel itong gwapo kong kuya.
Inhale... exhale... Damn! Halos hindi ko na mabilang kung ilang inhale at exhale na ang nagawa ko rito sa labas ng opisina ni Tito Franco.
My hands are shaking terribly. Pwedeng mag-backout?
"Hey, pumasok ka na. Hinihintay ka na nun." Nilingon ko ang natatawang si Kuya Fred sa tabi ko. Gaano ba siya kasigurado na walang mangyayaring masama sa akin sa loob? E alam naman niyang galit sa akin ang papa niya.
"Alright, I'll knock for you."
"Teka!"
"Oops!"
"Come in!" boses ni Tito Franco. Sinamaan ko ng tingin si Kuya Fred na nakangising hawak-hawak na ang door knob.
"Go, Krisel. I believe in you."
Inirapan ko siya at binantaan na gaganti ako pagkalabas ko ng opisina. "Sisiraan kita kay Andeng!" wika kong bumura sa nakakaasar niyang ngisi.
"Uy walang ganyanan..."
"Che!" Tinulak ko siya para ako na mismo ang bumukas ng pinto. Pagkabukas ko ay kaagad akong pumasok nang hindi na ako magatungan pa ni kuya.
"Have a seat."
"Ay takte!" Kaagad kong natutop ang bibig ko sa mga salitang lumabas dito. Patay! Nahihiya kong pinasadahan ng tingin si Tito Franco na kunot-noong nakatingin sa akin.
"Ay, s-sorry po tito. Nagulat lang po ako."
Takteeee, Kriselda! Talagang mapapalayas ka sa ginagawa mong 'yan!
Kinalma ko muna ang aking sarili bago ako tumungo sa upuang nasa harap ng kanyang lamesa. Para matakpan ang kahihiyan, ako na mismo ang unang nagsalita.
"Ano po ba ang pag-uusapan natin?"
"Mabuti at naitanong mo 'yan. I have an offer for you."
"Ano po iyon?"
Bugbog o dignidad? Sana wag naman ganung offer. Mahal ko pa ang buhay ko.
"The company will be working in partnership with another well-known company for a project that will be discussed next week. I want you to be the representative of my company."
"P-po? Ako po? Pero wala pa po ako masyadong alam sa negosyo. Magkokolehiyo pa lang po ako."
"Prove me you're worthy to be part of this family, young lady."
Mariin akong pumikit at lumunok. I didn't see this coming. I want to grab the opportunity and prove to him that I am worthy to be a Figueroa. But I know to myself na mapapahiya ko lang ang kompanya kapag ako ang humarap sa mga business partners niya.
Why not, Kuya Fred? Bakit ako? Is this a test?
"T-tito—"
"Kung ayaw mo, makakalabas ka na." Nataranta ako nang tumayo si Tito Franco. Dali-dali na rin akong tumayo at pikit-matang nagdesisyon na kaagad ko ring pinagsisihan.
"I'll take it po. I'll be your representative."
Nang imulat ko ang mga mata ko ay ang nakangising mukha niya kaagad ang bumungad sa akin.
"Good. Now, get ready for your meeting with the Tuangcos next week."
Wait... With whom?!