webnovel

Kabanata 02 : Ang Kaso

Case 01 - Number Killer

Kabanata 02 - Ang Kaso

Maayos na naganap ang pulong. Ang pagpapakilala ng mga miyembro at ang kanilang responsibilidad ang syang pinag-tuunang pansin. Pag-katapos ay inabutan ni direktor Bai si Bai Yutang ng malaking bunton ng papel, "Heto ang mabibigat na kasong hindi pa nairesolba nitong mga nakalipas na sampung taon. Huliin mo sila bago pa mamatay lahat ng magiging biktima." aniya't tinapunan pa ng isa pang tingin si Yutang at Zhan Zhao bago tuluyang lumabas ng pinto, tila bagang nag-sasabing, 'Kayong dalawa, huwag na huwag mag-aaway, magtrabaho kayo ng magkasama.' ang mga salita nya ay tila nag-bigay kilabot sa sistema ng dalawa.

Pagkaalis ng direktor, awtomatikong namang gumaan ang hangin sa opisina marahil ay kilala na nila ang bawat isa. Ngayong kinakailangan na nilang magkasamang magtrabaho ay nagsimulang mag-karoon ng ingay ng pag-uusap sa paligid.

Sinenyasan ni Yutang ang mga kasama at nag-wika, "Ayusin nyo na ang mga gamit nyo. Magkakaroon tayo ng meeting pagkatapos ng kalahating oras." pagkunway binalingan n'ya si Zhan Zhao na tila bagang nag-sasabing, 'usap tayo sa opisina.' kaya't magkasunod silang nagpunta ng silid.

Ang estruktura ng S.C.I. ay hindi kumplikado; may isa lamang itong malaking bulwagan, dalawang opisina at isang modernang meeting room. Marami rin ang naka-puwestong lamesa sa bulwagan para sa bawat isa sa mga miyembro ngunit dahil karamihan sa kanila ay mga field officers, wala talaga silang gaanong mailalagay doon.

Samantala, si Bai Yutang at Zhan Zhao naman, ang dalawang ito ay naka-puwesto sa bawat isang silid na mayroon ang S.C.I.

At mas malinis kung titingnan ang opisina ni Bai Yutang, naka-ayos ito ayon sa istilo nya't nais. Samantala, ang kay Zhan Zhao ay mas maraming laman dahil sa trabaho n'ya. Ilang bookshelves rin ang matatagpuan rito na pawang puno ng mga aklat, ang mga file holders naman ay puno rin ng mga dokumento.

Samantala, ang opisyal namang si Lu Fang ay sandali lamang nag-pakita bago umuwi ng trabaho, habang si Han Zhang, na s'yang naka-toka sa Intelligence ay hindi talaga nag-pakita.

Si Gong Sun naman ay may sariling Medical Examiner Office, at ilang mga kasama sa tabi labi ng opisina ng S.C.I.   At nag-lalaman na rin ito ng mga gamit sa isang laboratoryo.

Sa katunayan n'yan, ang ika-labing pitong gusali (1) ay dating Madical Examiner Officer, samakatuwid wala talagang nag-pupunta rito. Ang una ring ginawa ni Zhao Hu oras na makapasok s'ya rito ay nag-sindi s'ya ng incense para sa Buddha upang paalisin ang mga hindi kanais-nais na presensya. Ngunit hetong si Gong Sun nama'y hindi naging maganda ang pag-papaliwanag sa kan'ya kung bakit nila inilagay sa ika-labing pitong palapag ang opisina ng Medical Examiner Offices, at ang sampung nakaka-kilabot na mga pang-yayari sa palapag na ito, dahil doon ay labis ang naging takot ng bata; tinakpan nito ang sariling tenga at takot na takot na lamang napasigaw, "Dok! Dok! Parang awa mo na! Huwag mo akong iiwan rito!" (2)

Sa opisina naman ng Kapitan, ipinag-krus ni Zhan Zhao ang sariling mga binti sa tapat ng lamesa ni Bai Yutang at binalingan ang huli ng may unting ngiti sa kan'yang sariling labi.

"A- anong tinitingin-tingin mo d'yan?! Naging isa ka na bang pusa para tingnan ako ng ganyan?!" mula sa kan'yang karanasan, alam na alam ni Bai Yutang na kailangan n'yang mag-ingat ng mabuti kapag nakapinta na sa labi ni Zhan Zhao ang ngiting iyon.

"Wala," nag-kibit balikat si Zhan Zhao, "Susundin ko ang mga tagubilin ni Kapitan Bai.'

Sa puntong ito'y nanatili ang pag-kayamot sa mukha ni Bai Yutang, "Pwede ba, tigil-tigilan mo ako, at gaya ng dati  maging magalang ka sa akin sa harap ng buong yunit."

"Walang problema! Ngunit nais kong sumama sa iyo sa field, at dapat mong pagkatiwalaan mo ang pagiging expert ko sa trabahong ito." sagot naman ni Zhao Zhao.

"Sigh… Oo na.." sang-ayon ni Bai Yutang na may kasamang pag-tango at itinulak ang tambak ng mga dokumento papunta kay Zhan Zhao, "Kung ganon, para sa iyo ito, expert!"

"A- ano?! Bakit?!" gulat na sambit ni Zhan Zhao, kinuha n'ya ang kalahati ng mga dokumento at agad itinulak pabalik sa harapan ni Bai Yutang, "Kalahati para sa bawat isa!" pinal n'yang wika.

Sinamaan s'ya ng tingin ni Bai Yutang at galit na galit na nag-wika, "Zhan Zhao, pinag-loloko mo ba talaga ako? Alam mo namang, ang tingnan pa lamang ang mga tambak na ito ay hindi ko na matagalan pa, pag-katapos ay---"

Sinamaan rin ni Zhan Zhao ng tingin pabalik si Bai Yutang, "Responsibilidad ito ng Kapitan! Kailangan mong hanapin ang mga kasong mas madaling isara at tapusin ito! Kundi nakakahiya talaga ito para sa imahe ng S.C.I... Sherlock, Bai!" pag-bibigay diin n'ya sa salitang 'Sherlock Bai'

Hindi makapaniwala si Bai Yutang, "Zhan Zhao, naiintidihan mo ba ang ibig sabihin ng Cold Cases? Hindi sila madaling isara! Sandali, may mali..." tiningan ni Bai Yutang mula ulo hanggang paa si Zhan Zhao animo'y sinusuri ito pagkunway nakangiting nag-wika, "Ibig kong sabihin.. kuting... mali ka.. Oo nga pala, ako ang Kapitan at ikaw lamang, ang nag-iisang deputy. Alam mo kung bakit Doktor Zhan?"

Sa pag-kakataong ito'y nag-igting na talaga ang panga ni Zhan Zhao. Pabalang nyang ibinalik ang mga hawak n'yang dokumento kay Bai Yutang, "Bai Yutang! Tatandaan mo! Sinuwerte ka lang! Sige! Bahala ka! Ikaw na ang mag-basa sa lahat ng mga ito!"

"Ikaw!... O, sige!" galit at pilit na huminga ng malalim si Bai Yutang, "Kukuha nalang ako ng kahit ano since kailangan namang maisara ang lahat ng mga ito," habang sinasabi ito ni Bai Yutang ay kumuha s'ya ng isang file, "Ito, okay na it..."

Bago pa man matapos ang sasabihin ni Bai Yutang, naistorbo s'ya ng ilang kaluskus mula sa pinto. Nag-bukas ito at iniluwa ang nakasandal na si Gongsun sa door frame, may hawak itong dokumento, "Lahat ng mga Cold Cases na iyan ay makakapag-hintay, mayroon akong isa rito."

Itinaas ni Bai Yutang ang kan'yang palad, "Sandali, kailangan nating ipunin ang lahat. Usap tayo sa meeting room."

Bahagyang na-sorpresa si Gongsun sa naging reaksyon ni Bai Yutang, "Ayaw mo bang malaman muna kung tungkol saan ito?"

Ngumiti si Bai Yutang, "Hindi na kailangan, ikaw? Si Gongsun? Kailan ka pa nag-dala ng maliliit na kaso?"

Napatango na lamang si Gongsun sa pag-kakataong iyon at nag-punta sa meeting room nang nasisiyahan. Sa likuran naman n'ya, nakasunod ang inis na inis na si Zhan Zhao, 'Ang daga talagang iyon! Napaka-mabulaklak ng dila!'

Pagkatapos ay napabahing ng malakas ang naka-sunod na si Bai Yutang.

____________End of Chapter 02______________

-xᴢᴇᴄᴋᴇʀɢʀᴇɪɢʜ Note:

(1)   Sa Unang Kabanata, mapapansing ika-labing isang palapag ang nakatala roon, ngunit naging labing-pito dito. At dahil labing-pito na ang mga ginamit ni Author sa mga susunod na kabanata, isipin nalang nating  typo ang nasa unang kabanata.

(2) 'spare me Ge Ge', 'please have mercy, brother', 'brother is forgiving!' at dahil nahirapan ako sa part na ito, nag-kalkal ako sa google, at iyan ang mga nakita kong translation ng iba sa english, ginamit na naman kasi ang Ge Ge rito (galang sa mas nakakatanda; tulad ng sabi ko sa chapter 1) at sa tingin ko ay hindi bagay sa tagalog ang part na ito, kaya't pinalitan ko na lamang ng dok. Actually okay naman yung word na 'Ge Ge', ginamit ko na yan sa kabanata 1 ngunit sa puntong ito, I guess pass muna.

Ps. May mga times talaga na wala akong ibang magawa kundi i-rephrase pero sa tingin ko naman ay naipapadala ng maayos ang gustong iparating ng kwento ni Author so don't worry na naiiba ang kwento. It's the same, may mga term lang talaga na wala ang eksaktong tagalog.

Siguiente capítulo