webnovel

Chapter 22 : Go Away!

Nice's POV

Dahil sa napansin ko na biglang nawala si Kasey ay nagpasya ako na lumabas na muna ng souvenir shop at hanapin sya.

Pero isang di inaasahang tagpo ang nakita ko.

Si Ryouma, ang ex boyfriend nya, na minahal nya ngunit iniwan lang sya sa ere ay kasalukuyang nasa harap nya at kausap sya. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng galit at pagkainis, marahil ay dahil sa nagseselos ako kahit na wala naman akong karapatan na magselos.

Paalis na sana ako sa kinatatayuan ko para bumalik sa kinaroroonan ng iba nang nahagip ng aking paningin ang ginawang paghalik ni Ryouma kay Kasey. Wala akong ibang nagawa kundi ang iyukom ang aking mga kamay sa di maipaliwanag na pakiramdam. Ganito ba talaga pag nagmamahal ka at kapag nakita mo ang babaeng mahal mo na may kasamang iba, ganito ba talaga yun kasakit na tulad sa paghahalintulad ng iba ay tila sinasaksak ka hindi lang patalikod kundi paulit-ulit pa.

Hindi ko na dapat pa sinundan si Kasey, para nang sa ganoon ay hindi ako nasasaktan ng ganito. Bakit ba kasi ako umasa pa na baka mahal nya rin ako, kung alam ko naman kung gaano nya ka-mahal at minahal si Ryouma.

"Marahil ay magkabalikan na sila" bulong ko sarili ko habang wala sarili akong bumalik sa souvenir shop.

"Nice, si Kasey?, hindi mo ba sya kasama?" tanong ni Denise

"hindi" walang buhay kong sagot

"ganun ba, nasaan kaya sya?" nag aalala nitong sambit

"hanapin na lang natin sya, at saka baka nandyan lang yan sa tabi-tabi kumakain, tara" suhesyon ni Claude

"okay" sabay sabay nilang sambit

"Huy Nice tara na!" pagbabalik sa akin sa realidad na sigaw ni Hanz

At ito kami ngayon palingalinga sa paligid sa paghahanap kay Kasey, ilang minuto pa ang lumipas pero hindi namin sya makita.

Saan ba kasi nagpunta ang babaeng yun?, hindi kaya magkasama pa sila nung Ryouma na yun?.

"Sh*t!!!!" mura ko at saka kumaripas ng takbo ng may marinig akong isang napaka pamilyar na sigaw sa di kalayuan.

Kasey's POV

"Kasey-chan?, it's really you, i-i-it's y-you" nauutal na sabi ng lalaki na nasa harap ko

"d-don't you dare come near me" nauutal ko din na sambit.

Nanginginig ang buo kong katawan, pinagpapawisan na din ako kahit na sobra namang lamig ng panahon. Naiiyak na din ako.

Bakit nandito sya? Ganito na ba talaga kaliit ang mundo ngayon? At kailangan na ang lahat ng mga iniiwasan at pilit na ibinaon sa limot ay makasalubong ko rito?.

"I SAID DON'T COME NEAR ME!!!" sigaw ko sa kanya dahil sa sobrang takot at pagkataranta ko

Unti-unti kasi syang nalapit sa akin at ngayon ay nasa isang iskinata na kami dahil sa kakaatras ko, at walang katao-tao rito na syang nagdagdag sa takot at tensyon na nararamdaman ko.

"why?, Kasey-chan I won't hurt you anymore, I promise" sabi nito habang unti-unti pa ring lumalapit sa akin.

Hindi ko na napigil pa ang pagpatak ng mga luha ko. Ang akala ko ay tuluyan na akong nakawala sa anino ng nakaraan kong ito, yun ang akala ko, dahil ngayon na nasa harapan ko sya ay muling nagbalik sa alaala ko ang pangyayari ng araw na iyon. Nagbalik sa akin ang takot na naramdaman ko noong muntikan na akong magahasa ng lalaki na ito.

Ang tao na nasa harap ko ngayon ay ang tao na dumukot sa akin isang taon na ang nakaraan, isa syang stalker at base sa mga pulis na nakausap nila kuya ay may problema din daw ito sa pag iisip kung saan ay sobra ang obsesyon nito sa babae o sa kung sino man na magustuhan nito na humahantong sila sa puntong gusto na nila itong angkinin at ituring na para nilang manika na dapat sundin ang bawat nais nila.

"ssshh, don't cry Kasey-chan, huh?" sambit nito at saka marahang hinaplos ang aking mga pisngi at buhok

"go away, go away from me" mahina kong sambit habang patuloy pa rin akong sa pag iyak

"no Kasey-cha, I can't" sambit nya matapos akong madiin na hinawakan sa baba at pilit na iniharap sa kanya

Hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko, manhid na din ang buo kong katawan, hindi na rin ako makapag-isip pa ng tama, blanko na ang utak ko.

"I SAID GO AWAY FROM ME YOU PSYCHO!!" buong lakas kong sigaw at saka sya buong lakas din na itinulak.

Tama, dapat ko syang labanan at harapin, dahil kung hindi ako magiging matapang upang ipagtanggol ang sarili ko ay baka sa pagkakataon na ito ay magawa na nya ang nais nya sa akin.

"how dare you push me away! *pak*" galit na sambit nito at saka ako sinampal, kaya naman napasalampak ako sa bigat at lakas ng sampal

Naramdaman ko ang pag agos ng dugo sa aking mga labi, epekto ng napakalakas na pagkakasampal nya.

"HUH!, Kasey-chan?!, you're not suppose to push me, you're not like that Kasey-chan, you're suppose to be cute and innocent, you're suppose to be charming!!" madiin nyang sambit habang madiin ang pagkakahawak nya sa mga braso ko.

Galit na galit sya, nakikita ko sa mga mata nya, galit sya sa ginawa kong pagtulak sa kanya, kaya naman mas naging agresibo pa sya. At sobrang natatakot na talaga ako.

Patuloy lang ako sa paghikbi't pag iyak, sobrang nanginginig pa rin ang buo kong katawan at hindi na ako makapag isip pa ng tama, naninikip na rin ang aking dibdib dahilan para mahirapan akong huminga, pakiramdam ko anumang sandali ay mawawalan na ako ng malay, dulo't ng stress at trauma ko na nararamdaman ko,

"get off me!, stay away from me!" sambit ko habang pilit na kumakawala sa hawak nya.

Pero mas lalo lang nyang hinihigpitan ang pagkakahawak nya sa braso ko. Unti-unti na ring nagdidilim ang paningin ko.

"no, I won't Kasey-chan because ----"

"GET YOUR FILTY HANDS AWAY FROM HER YOU ASSHOLE!!!!" sigaw ng isang lalaki.

Nice's POV

Buong lakas kong hinila papalayo kay Kasey ang manyakis na ito at saka sinutok ng ubod ng lakas. Hindi lang isang suntok ang ibinigay ko rito dahil kulang pa iyon sa kung anumang ginawa nya kay Kasey.

"Kasey!" sigaw ni Ryouma na humahangos na tumakbo patungo kay Kasey.

"Kasey are you hurt?" nag aalala nitong tanong at saka niyakap si Kasey

"AAAHHHH!! GO AWAY!!" sigaw ni Kasey habang pilit na tinutulak si Ryouma palayo

"Kasey it's me Ryouma" sambit nito at saka muling niyakap si Kasey

Halata ang takot sa muka ni Kasey, at alam na alam ko kung bakit sya nagkakaganyan.

"Kasey!, Nice!" sigaw ng mga kaibigan namin ng makarating sila sa kinaroroonan namin.

"Kasey" naiiyak na sambit ni Denise at Cherry ng malapitan si Kasey na hanggang ngayon ay pilit na kumakawala sa yakap ni Ryouma.

"Vincent, kayo na muna ang bahala sa lalaking to, tumawag na din kayo ng pulis" utos ko sa kanila matapos itulak sa kanila ang bugbog sarado ng lalaki na nagpaiyak kay Kasey

"okay" sabay nilang sagot.

"Kasey, get back to your senses, it's me Nice" sambit ko ng malapitan ko si Kasey.

Itinulak ko rin pala palayo si Ryouma kay Kasey, tutal naman ako ang mas higit na nakakaintindi sa kanya hindi tulad nya na nang iwan na lang basta basta sa babaeng minamahal ko. Pwe! Ang mais ko na.

"YAMETE!!!!, GO AWAY, GO AWAY!" sigaw ni Kasey ng subukan kong hawakan ang kamay nya.

"Onichan where are you?, help me, oni-chan" nauutal at mahinang bulong ni Kasey sa sarili habang umiiyak.

"Nice, I think kami na ni Cherry ang bahala kay Kasey, it's seems that she had a trauma" sambit ni Denise

"okay, tatawagan ko na din ang lolo ni Kasey para ipaalam ang nangyari at para masundo na rin nila kayo" sambit ko at saka tumayo upang lumayo na muna kay Kasey, para kumalma na sya dahil hanggat may lalaki sa paligid ay sigurado na magpi-freak out lang sya lalo.

Kitang kita sa ekspresyon ng mukha ni Ryouma ang pagka gulat sa nasaksihan nyang ikinilos ni Kasey, halos matulala na nga sya sa nasaksihan. Samantalang isang ngisi lang ang aking iginanti ng magtama ang aming tingin.

Matapos ang ilan pang saglit ay dumating na din ang mga police kaya naman doon na lang namin hinintay na dumating ang lolo ni Kasey.

Si Kasey naman ay kalamado na kahit papaano pero hindi pa rin sya makausap, halos tulala na kasi ito. Makita ko lang ang sitwasyon nya ngayon ay di ko na lubos maisip kung ano pa kaya ang posible na sitwasyon nya noon, noon nang manghayari ang halos ganitong pangyayari na kung tutuusin ay wala pa ito sa gatiting ng naranasan nya noon, at wala akong magawa para man lang maalis ang takot na nararamdaman nya, kaya naman kinuyom ko na lang ang aking kamao upang pigilin ang sarili ko na suguding muli ang walang hiyang manyak na yon.

"hindi pala ito ang unang beses na nangyari ito kay Kasey, ayon kasi sa mga pulis ay noong isang taon ay nakulong na rin ang stalker na yun ni Kasey dahil sa tangka nitong pag gahasa kay Kasey, kaya lang nakapag piyansa ito at nakalabas ng kulungan noong isang buwan" sambit ni James na kakatapos lang kausapin ng mga pulis ukol sa naganap.

"at dahil doon na build ang trauma ni Kasey" sambit ni Kuya Kei

"Kuya Kei" sabay sabay naming sambit nila James at nila Denise ng makita namin si Kuya Kei na kakapasok pa lang dito sa opisina ng mga pulis, kasama nya rin ang lolo nila at isang lalaki na sa wari ko ay abogado nila, base na din sa suot nito at sa bitbit nitong bag.

"thank you sa inyo, thank you sa pagliligtas sa kapatid ko" sinsero nitong sabi

"walang anuman po iyon, at saka yun naman po ang dapat na gawin hindi ba?" saad ko

"thank you pa rin" sambit nya habang pilit na ngumingiti kahit na alam naman namin na sobra-sobra ang pag aalala nito ngayon sa nakababatang kapatid.

"Kasey-chan?, is it alright if we ask you some question?" malumanay na tanong ng pulis kasy Kasey

"No!, No!, Onichan!, Onichan!, where are you!" sigaw ni Kasey sa pulis.

"a... I'm sorry Kasey-chan, I didn't mean to scare you" nag aalala at gulat na sambit ng pulis.

Mababatid din sa reaksyon nya ang lubos na pagkatakot, unti-unti na ring pumapatak ang kanyang mga luha. She was really in shock because of this incident.

"ssshh! I'm here Kasey, I'm here, don't be afraid" malambing na sambit ni Kuya Kei kay Kasey na ngayon ay nakayakap ng mahigpit sa kanya, hinahagod-hagod nya rin ang likod ni Kasey upang mapakalma ito.

"I'm sorry officer, but my sister has a trauma that's why she freaks out whenever there is a man who tries to approach her or near her" paliwanag ni Kuya Kei.

Ang mga kasama naman namin na ngayon ay nasa tabi ko ay pawang mga nakatulala at halatang gulat sa mga nalaman nila patungkol kay Kasey at sa nakaraan nito.

Siguiente capítulo