Pagmulat ng mata ko ang una kong tiningnan ay yung kanang bahagi ng kama kung saan naka pwesto si Martin. Mahimbing parin ang tulog niya habang naka tagilid paharap sakin. Naka unan ako sa kanang braso niya habang yung kaliwa niya ay naka yakap sakin.
Di ko maiwasang mapangiti habang pinagmamasdang yung guapo niyang mukha, di ko mapigilang haplusin yung pisngi niya. Dahil sa ginawa kong iyon ay bahagya siyang gumalaw at hinigpitan yung yakap sakin.
"Tulog pa tayo!" sabi niya sakin at lalo akong isiniksik sa katawan niya.
"Sige na, tulog ka pa!" bulong ko habang dinampian ko siya ng halik sa labi.
"Bakit saan ka pupunta?" kunot noo niyang sabi at tuluyan ng nagmulat ng mata.
"Tatayo na ko, tanghali na eh!"
"Anong oras na ba?"
"Seven,"
"Maaga pa pala mamaya na tayo tumayo!" lambing ni Martin sakin at muling ipinikit yung mga mata niya. Hinayaan ko lang siya kasi nga, ito lang yung pagkakataon niyang maka bawi ng tulog.
Nung maramdaman kong muli siyang nahimbing sa pagtulog ay dahan-dahan kong inalis yung kamay niyang naka pulupot sakin at pinalitan ko ng unan yung pwesto ko saka ako maingat na umalis.
"Morning, Ma!" bati ko kay Mama na nadatnan ko sa kusina at nagpiprito ng hotdog. Siya palang ang gising, malamang si Papa at Mike ay tulog parin.
"Almusal ka na?"
"Mamaya na Ma, sabay nalang po kami ni Martin mamaya!" sagot ko kay Mama bago ako pumasok sa banyo.
Pagkatapos kong maghilamos at magtoothbrush ay muli akong umakyat sa taas at dumiretso ako sa may rooftop. Pinakain ko muna yung ibon ko at nagdilig ako ng halaman, pagkatapos nun at nag-umpisa akong mag sort ng labahan.
"Anong ginagawa mo?" tanong ni Martin sakin. Bahagya pa kong nagulat kasi nga busy ako sa paglalagay ng tubig sa washing machine.
"Kagulat ka naman!" sagot ko sa kanya habang hawak-hawak ko yung puso na bumilis ang pagtibok.
"Anong gagawin mo?" medyo iretableng sabi ni Martin habang kinuha yung damit na balak ko sanang ilagay na sa washing machine.
"Maglalaba!" mabilis kong sagot.
"Kaya ka ba umuwi dito para maglaba?"
"Di naman, kaya lang kawawa naman si Mama kung siya yung maglalaba nito!" paliwanag ko at muli kong kinuha yung damit sa kanya.
"Kumuha ka nalang ng labandera," matigas na sabi ni Martin.
"Kunti lang naman ito, saglit lang ay matatapos ko din!"
"Wag kang makulit at kumuha ka na lang ng gagawa nito!" muling sabi ni Martin sakin bago niya hinawakan yung kamay ko para pigilan ako sa ginagawa ko.
"Hon naman!" protesta ko pero sadyang matigas si Martin at di niya ko binitawan kaya nagkatitigan kaming dalawa.
"Bumaba na kayong dalawa at mag-almusal na tayo!" parehas kaming napa lingon ni Matin nung marinig namin yung sinabi ni Mama na di namin namalayan na dumating pala.
"Tara na!" sagot ni Martin bago ako hinla.
"Hon, naman! Isasalang ko lang ito!" pagpupumiglas ko.
"Wag kang makulit!" sabi ni Martin at patuloy akong hinila.
"Martin!" sigaw ko na rin kasi nga ayaw niya kong bitawan.
"Ano bang pinagtatalunan niyong dalawa?" di na naiwasang itanong ni Mama ng makita kaming naghihilahan ni Martin.
"Si Michelle kasi 'Ma, gustong maglaba!" Nung marinig iyon ni Mama ay bigla siyang napatingin sakin kaya nagpaliwanag ako.
"Kunti lang naman ito 'Ma, mabilis lang matatapos!"
"Hayaan mo yang labahan na yan at ako na ang maglalaba niyang bukas. Tara na at kumain na tayo!"
"Matanda ka na at ayokong mapagod ka kaya ako na bahala dito ha!"
"Di ka pweding maglaba!" konta ni Martin.
"Hon naman eh!" irap ko sa kanya.
"Ma, baka pwedi kumuha ka nalang ng labandera, ako nalang po ang magbabayad!" offer ni Martin.
"Sayang lang yung pera!" protesta ko naman.
"Makinig kayo saking dalawa, bumabana kayo at wag niyo ng pagtalunan yung labahan at ako ng bahala!" sa huli sinabi ni Mama pero alam ko siya ang maglalaba nun kaya di ako pumayag.
"Ma, naman!"
"Ma, kumuha ka nalang po ng labandera wag na po kayong mabahala sa ppagbabayad ako na ong bahala ayoko lang kasing mahirapan si Michelle at ayaw naman niyang mahirapan kayo kaya sige na po pumayag na po kayong magpalaba na lang sa iba." paki-usap ni Martin.
Nagkatinginan kami ni Mama at sa huli nagppahanap na nga lang ako ng maglalaba pero ako ang magbabayad at hindi si Martin kasi ayaw ko naman iasa sa kanya yung ganung bagay.
Kaya bumaba na kaming tatlo at nagsimula ng mag-almusal. We spend the entire morning na magkwentuhan, magluto at kumain. Buti nalang talaga at tanggap na tanggap ng pamilya ko si Martin kaya walang naging hassle sa sitwasyon namin.
Around two ng hapon na nagyaya ng umuwi si Martin kaya nagpaalam na kami sa Papa at Mama ko.
"Ma, oh panggastos niyo!" sabi ko kay Mama sabay abot ko sa kanya ng kaunting pera.
"Ano ka ba naman MIchelle, may pera pa naman kami ni Papa mo kaya itago mo nalang yan?" tanggi ni Mama sa binibigay ko.
"Ano ka ba Ma, madaming pera si Martin na pwedi kong gastusin kaya itabi mo yan?" pagpupumilit ko. Alam ko naman may sapat pa na pera si Mama kaya lang syempre minsan magastos din lalo pa nga at may kanya-kanya na silang maintenance na gamot ni Papa. Plus si Mike naman kailangan na din mag-ipon ng pera para sa future niya din.
"Ma, oh dagdag mo din po ito!" sabi ni Martin na may inabot ding pera kay Mama.
"Wag na Martin, nakita mo naman nagbigay na sakin si Michelle!" tanggi uli ni Mama.
"Ano ka ba Ma? Iba naman yung bigay ni Michelle sa bigay ko at isa pa tiyak ko pera niya yung binigay niya sayo at ito naman ay pera ko kaya magkaiba yun." paliwanag ni Martin.
"Kayo bang dalawa ay nag-aaway tungkol sa pera?" natanong bigla ni Papa.
"Naku Pa, hindi po!" mabilis kong sabi.
"Opo Pa, hindi po. Ayaw lang gastusin ni Michelle yung pera ko!" dugtong ni Martin na mabilis kong siniko dahil sa huling sinabi niya.
"Kung ako sayo Michelle dapat gastusin mo dahil binigay niya yan sayo!" sagot ni Mama.
"Yun nga sabi ko sa kanya Ma, kasi nagtatrabaho ako para maibigay lahat ng gusto niyo so that I can pampered here kaya lang parang ayaw gastusin ni Michelle kahit pisong kinita ko." malungkot na sabi ni Martin.