Nine na ng umaga pero papunta palang kami sa Casa Milan, paano ang tagal namin pumili ng gloves na susutin ko hanggang sa inabot kami ng halos kalahating oras.
"May meeting ako sa labas, kaya sa labas na lang kita hahatid," sabi ni Martin nung nasa kalahati na kami ng biyahe namin.
"Okay!" sagot ko naman sa kanya sa akin naman walang kaso yun kahit andun siya o wala pero minsan mas maganda pa nga kung wala kasi natatapos ko yung dapat kong gawin. Kaya minsan talaga tama rin yung mga employee na di dapat magkasama yung magkarelasyon sa isang kumpanya kasi nagkakaroon ng conflict pag dating sa trabaho.
"Babalik ako before lunch kaya sabay na tayo kumain, ako nalang bibili sa labas kaya hintayin mo na lang ako," sabi uli ni Martin.
"Okay!" sagot ko uli.
Pagdating namin sa Casa Milan agad akong bumaba ng sasakyan at di ako nagpaalam sa kanya. Paano naiinis ako dahil nga sa gloves na suot-suot ko pero pagpasok ko sa loob ay agad ko yung tinanggal at inilagay sa bulsa ng pantalon ko.
"Good Morning Ma'am," masayang bati sakin ng security guard na ginantihan ko lang ng ngiti. Alam ko naman kung bakit sila ganun kasi nga nakita nila ako na kasama ni Martin so malamang iniisip nila na makakuha ng pabor mula sakin.
Pagpasok ko sa loob agad akong nagsimulang magtrabaho kasama ko parin si JM na nag-aasist sakin.
"Saan tayo magsisimula Ma'am?" tanong ni JM habang naharap kaming dalawa sa floor plan ng buong hotel.
"Groud floor muna tayo pataas!" sagot ko sa kanya habang nirorolyo ko yung ibang papel para sa ground floor muna kami magfocus.
"Sige po Ma'am," sabi nito sabay kuha na ng mga gamit namin at naglakad kami papuntang server room kung saan kami magsisimula ng wire testing.
Dahil nga walang kuryente plus limited yung hangin na pumapasok napilitan akong hubarin yung polo shirt ko para kahit papano ay di ako pagpawisan ng sobra.
"May cutter ka?" tanong ko kay JM nung di ko makita yung sa akin.
"Wala po Ma'am,"
"Hanap ka muna may kailangan kasi akong balatan na wire!"
"Sige po Ma'am," sagot ni JM bago ako iniwan. Habang hinihintay siya naisip kong akyatin yung bandang taas para tingnan yung mga wire dun kung parehas ba sa declare materials ng purchasing.
Kaya kinuha ko yung extension ladder, medyo mataas din kasi yung wire na kailangan kong kunin. Nung sa tingin ko stable na yung pagkakasanda nung hagdan sa pader ay wala akong takot na umakyat.
Dahan-dahan kong hinihimay yung mga wire dun gamit yung ilaw ng phone ko na nasa bibig ko ng biglang may magsalita.
"Anong ginagawa mo diyan?" dahil sa pagkabigla ko ay nabitawan ko yung phone ko sa bibig at para di yun tuluyang malaglag ay hinabol ko yun ng kamay ko dahil nga sa mabilis kong paggalawa ay gumalaw din yung hagdan buti nalang kamo ay naka balik na si JM kaya agad niya itong hinawakan.
Di ko mapigilang kabahan kaya napahawak ako sa dibdib ko kala ko kasi talaga malalaglag ako.
"Bumaba ka diyan bilisan mo!" muling sigaw ni Martin halatang gigil na gigil nanaman siya sakin.
Dahil sa inis ko tiningnan ko lang siya ng masakit.
"Bumaba ka sabi!" muli niyang sigaw at dahil nga malakas yung boses niya at lunch break narin di maiwang nagpuntahan dun yung ibang trabahador at pinagtitinginan kami kung bakit sumisigaw si Martin.
"Di ka ba talaga baba?" muli niyang bulyaw at para tumigil siya ay bumaba na ko. May isa pang steps ng hagdan pero bago pa yun maabot ng paa ko ay mabilis akong hinila ni Martin palabas. Nanatili lang naka tingin samin yung mga trabahador na para bang na-eexite sa pweding mangyari samantalang ako hiyang-hiya na, paano alam nila na Engineer ako na naka assign para mag-imbestiga sa nangyari pero kung sigawan at hilahin ako ni Martin para akong elementary student na pinapauwi ng tatay niya.
Masakit na yung wrist ko na hawak-hawak ni Martin kaya hinila ko ito mula sa pagkakahawak niya pero di ako makaalis kasi lalo niya itong hinigpitan.
"Bitawan mo ko at masakit na yung kamay ko!" reklamo ko. Nung marinig yun ni Martin ay agad naman niyang niluwagan yung pagkakahawak sakin pero nagpatuloy parin siya sa pagkakaladkad saakin at di ko alam kung saan niya ko balak dalhin.
Binitawan niya lang ako nung makarating kami sa mini-garden ng hotel kung saan napapalibutan iyon ng mga puno at bulaklak.
Narinig kong maka-ilang beses na bumuntunghininga si Martin para pakalmahin yung sarili niya at sakto naman na di siya naka tingin sakin kaya lumakad ako para iwan siya.
"Bumalik ka rito Michelle!" sigaw ni Martin ng mapansin niyang umalis ako pero para akong walang narinig at nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sa huli ay tumakbo na ko.
Maya-maya naramdaman ko na tumakbo na siya para habulin ako kaya lalo kong binilisan ang pagtakbo ko para maka iwas sa kanya. Dahil nga maraming puno ay di niya ko kagad aaabutan plus naka formal dress siya at leather shoes, hanggang sa makakita ako ng pagkakataon ay naligaw ko siya.
Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at sa tingin ko ay wala na ko sa hotel premisses pero dahil nga maliwanag pa naman di ako natakot hanggang sa makarating ako sa may ilog.
Napalinaw ng tubig nun kaya naisip kong lumusong dun para kahit papano ay malamigan ako. Naghubad ako ng sapatos saka ako pumunta sa bandang gitna ng ilong. Mababaw lang yung tubig hanggang tuhod ko lang pero dahil nga naka suot ako ng pantalo di maiwasang mabasa iyon pero hinayyan ko lang.
Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa may makita akong malaking bato at doon ako naupo. Pinagmamasdan ko yung paa ko na kitang-kita ko dahil sa linaw ng tubig. Napaka overbearing ni Martin at naiinis ako, sabagay ganun naman siya dati kaya lang ngayon kasi wala na siya sa lugar.
"Michelle!" naririnig kong may tumatawag sakin pero di ako sumasagot alam ko naman si Martin yun at di magtatagal ay makikita niya rin ako, wala naman akong balak makipagtaguan sa kanya sadyang gusto ko lang munang umiwas para di lumala yung pagtatalo naming dalawa.