webnovel

Good Night Kiss

"Gusto mong kumain?" tanong ni Martin sakin pagkaabot niya sakin ng bote ng mineral water. Uminom muna ako bago ako sumagot.

"Wala ngang laman yung ref mo, nag-aalok ka pa!" Tapos nun ay tumayo na ko at iniwan ko yung bote ng miniral sa ibabaw ng center table.

"Nag-grocery ako kanina kaya puno na yung ref ko pati yung cabinet, gusto mo pagluto kita?" sabi niya sakin habang naka sunod.

"Sa susunod na lang inaantok na ko!" tanggi ko at dirediretso na ko pumasok sa kwarto niya. Higa na sana ako sa kama ng pigilan ako ni Martin. Hinawakan niya yung balikat ko para di ako maka higa.

"Ligo ka muna, baho mo!" sabi niya sakin sabay amoy sa leeg ko.

"Mabaho pala, eh di uwi na ko!" sabay talikod.

"Ito naman di mabiro," naka ngiting sabi ni Martin sabay buhat sakin papuntang banyo.

"Baba mo ko!"

"Ligo ka muna para presko yung pakiramdam mo at masarap yung tulog mo,"

"Naku, gusto mo lang akong kainin kaya gusto mong mabango ako!" pagrarason ko.

"Kahit di ka maligo kung gusto ko wala kang magagawa kaya maligo ka na bago ko pa kalimutan yung pangako kong tabi lang tayo matutulog." sabi ni Martin habang binababa ako sa may tapat ng shower head.

"Okay fine, labas na!" sabi ko sabay tulak sa kanya palabas na agad naman niyang sinunod.

Kagaya sa labas wala ding pinagbago yung kwarto ni Martin pati yung banyo niya. Kung anong ayos nito dati ay ganun parin ngayon. Lahat ng essentials na ginagamit ko noon ay meron ngayon na para bang pinaghandaan niya talaga yung pagtulog ko ngayon dito.

Binilisan ko lang yung paliligo kasi nga antok na rin ako. Naka suot ako ng bathrobe paglabas ko ng banyo at agad akong sinalubong ni Martin. Pina-upo niya ko sa harap ng tokador at tinanggal yung tuwalyang naka balot sa buhok ko. Dahan-dahan niyang pinunasan iyon at ng masiguradong di na tumutulo ay kinuha na niya yung blower at tinuyo iyon.

"Ako na lang, maligo ka na para makatulog na tayo!" sabi ko sa kanya habang inaabot ko yung blower sa kamay niya.

"Ako na saglit lang naman ito. Maiksi naman na yung buhok mo kaya madali nalang tuyuin." Hinayaan ko nalang kasi ayaw naman niyang ibigay eh.

Ipinikit ko muna yung mata ko habang pinapakinggan ko yung tunog ng blower habang sinusuklay ng daliri ni Martin yung buhok ko.

"Tapos na!" sabi niya makalipas ng ilang minuto.

"Hmmm!" tanging sagot ko bago ako tumayo gustong-gusto ko na talagang humiga sa kama pero muli akong niyakap ni Martin kaya tiningnan ko siya ng masakit at kitang-kita sa muka ko yung pagkainis.

"Bihis ka muna, asa kama na yung damit mo pero kung ayaw mo okay lang naman sakin na matulog kang naka hubad." magina niyang sabi habang pinisil yung ilong ko.

"Muka mo, ligo ka na dun ang baho mo!" sabi ko din sa kanya para maka ganti man lang pero kung tutuusin napaka bango ni Martin kahit may amoy siyang alak at sigarilyo ay nangingibabaw parin yung sarili niyang amoy na di ko pinasasawaan.

Nung pumasok na siya ng banyo saka ako nagbihis. Pinaghanda niya ko ng nighties kulay balack iyon na gawa sa silk. Lalo akong pumuting tingnan nung isinuot ko yun at lalong naging hot kaya bago pa lumabas ng banyo si Martin ay humiga na ko sa kama at nagbalot ng kumot. Sinigurado kong ulo ko lang ang makikita kasi mahirap ng ma-provoke ko yung inner lust ni Martin.

Narinig kong bumukas yung pinto ng banyo kaya mabilis akong pumikit para kunyari tulog na ko. Maya-maya narinig ko yung blower, malamang tinutuyo niya yung buhok niya. Makalipas ng ilang minuto tumahimik, ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ko kung bakit ako nagmulat ng mata at tumingin sa dereksyon ni Martin dahil saktong-sakto naman na nagbibihis siya. As in pabihis pa lang siya, nagsusuot pa lang ng brief ang nakakabanas pa nakaharap pa siya sa dereksyon ko kaya kitang-kita ko yung lahat sa kanya.

"Gusto mong hawakan?" pang-aasar niya sa akin. Di mapigilan yung pamumula ng mukha ko, di ako makasagot kaya nagtalukbong na lang ako ng kumot pero na-iimagine ko parin yung itsura nung nasa pagitan niya.

"Bwisit!" usal ko.

"Sinong bwisit?" tanong ni Martin habang humiga sa tabi ko.

"Ikaw!" sigaw ko.

"Haha...haha...," tawa niya habang hinihila yung kumot na naka takip sa akin.

"Anong ginagawa mo?"

"Baka ma-suffocate ka!"

"Hindi!" pigil ko pero ano ba naman lakas ko kumpara sa lalaki di ba?

"Payakap lang!" naka ngiti niya sabi habang hinila ako papalapit sa kanya.

"Bakit wala kang damit?" tanong ko paano kasi naka hubad siya sa pang-itaas at tanging brief lang ang suot.

"Gusto ko nga sanang maghubad lang kaya lang baka isipin mo balak kitang pagsamantalahan kaya nagbrief ako." proud pa niyang sabi sakin.

"So dapat pala magpasalamat ako at nagsuot ka pa ng brief?" taas kilay kong tanong. Di siya sumagot sa halip pinagalaw lang niya yung dalawang kilay niya habang nagpapa cute sa akin.

"Ewan ko sayo!" sabay tulak ko sa mukha niya para itigil niya yung ginagawa niya pero pagkatapos nun ay hinawakan na niya yung kamay ko at dahan-dahan na niyang nilalapit yung mukha niya.

"Anong balak mong gawin?"

"Good night kiss!" sagot ni Martin bago niya sinakop yung labi ko.

"Good night kiss tapos french kiss!" inis na inis kung sabi nung bitawan niya ko.

"Good night kiss yun!" sabay dampi uli ng halik sa labi ko.

"Muka mo!"

"Good night kiss talaga yun!" muli niyang halik.

"Sumosobra ka na!" sigaw ko na dahil sa paulit-ulit niyang paghalik sakin.

"Good night kiss nga lang yun!" rason niya uli habang patuloy akong hinalikan.

"Good night kiss pala ah!" dahil ayaw niyang tumigil hinablot ko na yung unan sa gilid ko at paulit-ulit ko siyang hinampas.

"Hahaha...hahaha...!" tawa niya na parang di iniinda yung ginagawa kong pananakit sa kanya dahil dun tumigil na lang ako at muling humiga sa pagkakataong yun tinalikusan ko siya para di ko makita yung nakakaasar niyang mukha.

"Good night kiss lang talaga yun!" amo ni Martin sakin habang hinalikan ako sa pisngi at sabay yakap na rin.

"Tumigil ka na sa kaka-good night kiss mo at di na night at lalong walang good ngayon kaya lubayan mo na ko!"

"Sige na nga, tulog na tayo!" sabi ni Martin habang inayos yung kumot namin bago niya pinatay yung ilaw at muling yumakap sakin.

Siguiente capítulo