webnovel

Dessert

"Problema mo?" naiirita kong tanong.

"Sabi ko dito ka na kumain!"

"Sabi ko dun ako kakain!"

"Wag matigas ang ulo!"

"Wag kang makulit!" sagot ko sa kanya kasi nga ayaw kong magpatalo. Nagkakaroon tuloy kami ng tug of war.

"Di kita babayaran!" pagbabanta niya sakin sa huli kasi nga ayaw kong magpasupil. Doon ko lang naalala na di pa pala siya nagbayad at ngayon ginagamit niya yun para pasunurin ako.

"Galing!" irap ko sa kanya sabay wasiwas ng kamay niya para maalis yung pagkakahawak sakin. Dahil ayaw ko naman mauwi sa wala yung paghihirap ko, binitawan ko yung baunan ko at bumalik sa table ko para kunin yung kapeng ipinatong ko dun kanina at padabog akong umupo sa tabi niya.

"Have some!' sabi niya sabay lapit nung adobo sakin di pa niya yun binabawasan na para bang takot siyang lasunin ko.

"No thanks baka mamaya bawasan mo pa yung bayad mo sakin dahil kumuha ako ng isang pakpa!" sagot ko habang nag-uumpisa na kong sumubo. Parehas kami ng kanin ni Martin, fried rice yung with garlic ang pinagkaiba lang namin is ulam niya adobo samantalang sakin itlog na pula.

Na-miss ko kasing kumain nun kaya nung makita ko yung kagabi sa grocery ay wala akong alinlangang binili iyon para nga almusalin.

"Natatakot lang kasi ako baka mamaya may nilagay ka ditong iba!" naka ngiti niyang sabi.

"You're overthinking, wala akong nilagay diyan kaya wag kang OA!"

"Kung wala kang nilagay then kumuha ka," at para patunayan na wala akong nilagay dun na kakaiba kumuha ako.

"Happy?" tanong ko habang naka harap sa kanya paea makita niya na kinain ko yung adobong manok.

"Very happy!" sagot naman niya na parang bang inaasar ako habang naglagay narin ng ulam sa kanin niya.

"Yung friedrice ayaw mo munang patikman sakin bago ka kumain?" pang-aasar ko.

"Pwedi naman para makasiguro!" Pagkasabi nun walang kagatol-gatol na kinuha yun at isinalin halos kalati ng laman nun sa baunan ko sabay kain.

Natawa lang siya dahil sa ginawa ko at nagsimulang kumain, "Sarap suntukin!" sabi ko sa isip ko habang kumakain kasi akala ko magagalit siya pero iba yung naging reaction niya kaya lalo akong naasar.

"Patikim niyang ulam mo!" sabi ni Martin sabay sandok ng itlog na maalat na nasa harapan ko.

Tiningnan ko siya ng masakit dahil dun.

"Bakit galit ka, kasi ginamit ko yung kutsara ko sa pagsandok ng ulam mo?" sabi niya habang ipinakita pa sakin na isinubo niya yun.

"Hmp!" sagot ko habang dinampot ko yung kape na nasa kanan ko, nagbabakasali akong mawala yung inis ko.

"Yung kape ko tikman mo din!" offer niya sakin.

"Okay!" sabi ko sabay dampot nun mula sa harapan niya. Hangga't di yun nangangalahati ay di ko yun ibinalik sa kanya at kagaya kanina ay nginitian lang niya ko na parang tuwang-tuwa siya sa ipinapakita ko sa kanya kaya di ko na siya pinansin at kumain na ko ng tahimik.

Maya-maya napansin kong ubos na yung kanin ni Martin samantalang sakin halos di ko pa nakalahati kasi di naman talaga ako maka-kanin.

"Gusto mo yulungan kita?' tanong niya sakin at dahil nga ayaw ko naman masayang iyon bahagya kong inilapit yung baunan ko sa kanya. Akala ko dadamputin niya iyon para isalin sa baunan niya pero di ganun yung nangyari sa halip ay dun na siya kumain na diretso.

Di ko tuloy alam kung kakain pa ko o titigil na pero gutom pa ko kaya bahagya kong inilayo sa kanya yung baunan ko pero umusog siya para maabot parin yun at walang kahihiiyang sumalo sakin and take note pati yung kape ko ininuman din niya.

"Ininom mo nga yung kalahate ng kape ko kaya dapat bigyan mo din ako ng kape!" sabi pa niya na parang agrabyado talaga. Habang tumatagal parang nagiging masyadong makapal na yung muka ni Martin.

Pagkatapos namin kumain ay inumpisahan ko ng ilipgit yung mga baunan kaya lang yung adobo may laman pa. Isang kilong pakpak kasi ng manok yung niluto ko para sure na luluwa mata niya sa kabusugan kaya madami pang tira.

"Iwan mo nalang muna yan diyan, uulamin ko yan mamayang lunch!" sabi ni Martin kaya yun yung ginawa ko. Pagkapasok ko ng mga baunan sa insulated bag ay itinulak ko na yung upuan paatras para makatayo na pero bago pa ko makatayo ng tuluyan ay hinila ako ni Martin papalapit sa kanya.

Napa-upo ako sa may kandungan niya dahil dun, "Anong ginagawa mo?" anggil ko sa kanya.

"Dessert!" sagot niya sakin sabay kabig ng ulo ko papalapit sa kanya. Namalayan ko nalang magkadikit na yung labi namin. Bahagya ko siyang itinulak pero sadyang malakas si Martin at di niya hinayaang magkalayo yung labi namin.

Kapag ganung sitwasyon all i feel is being helpless kasi kahit anong gawing pagkontra ng utak ko ayaw naman sumunod ng katawan ko kasi ngayon tinutugon ko na yung bawat halik niya and it made me breathless.

Yung kaninang naka tukod kong braso sa dibdib niya ay nakakapit na ngayon sa leeg niya na para bang ayaw ng kumawala sa kanya. Makalipas ng ilang minutong paghahalikan binitawan ni Martin yung labi ko para kumuha ng hangin at ginamit ko yung pagkakataon para tumayo.

"Wag mong kalimutang pumirma!" paalala ko bago ko binitbit yung insulated bag pabalik sa table ko. Sinabi ko lang yung para kahit papano maisip niya na kaya ko tinugon yung halik niya kasi babayaran niya ko at di dahil sa mahal ko parin siya.

Nagumpisa na kong magtrabaho at kahit minsan di ko nilingon si Martin hanggang may kumatok sa pintuan ng office niya.

"Come in!" sigaw ni Martin dahilan para pumasok yung kumatok.

"Hello!" sigaw ni Lucas na punong-puno ng enegry.

"Hi!' sgot ko sa kanya.

"Musta Bro!" baling nito kay Martin na umungol lang bilang pagbati din.

"Kumain ka na?" tanong ni Lucas sakin, doon ko lang napansin na lunch na pala.

"Di pa nga eh, libre mo ko?"

"Sure, tara!" sabi ni Lucas.

"Sige!" masaya kong sabi habang nililigpit ko yung kalat ko.

"Sama ako!" narinig kong sabi ni Martin kaya napa lingon kami ni Lucas sa kanya.

"Nauna ka bro magsabi, aalukin palang sana kita. Inuna ko lang sabihan si Michelle!" palusot ni Lucas habang nagkakamot ng ulo.

Siguiente capítulo