webnovel

Chapter 286

Dahil nga madaling araw pa naman yung alis ko, naisip ko munang matulog medyo nanakit din kasi yung katawan ko sa kalalangoy kanina.

"Michelle, bumangon ka na!" sigaw ni Mama kaya naalimpungatan ako sa pagtulog. Doon ko lang napansin na gabi na pala kaya bumangon ako.

"Kakain na!" sabi uli ni Mama ng makita niya ko na lumabas na sa kwarto ko. Di ako sumagot at umupo lang sa hapag kainan.

Pagkatapos namin kumain ay ako na ang naghugas ng pinggan, habang nanunuod si Mama at Papa ng TV.

"Tao po!" tawag ng tao sa labas ng bahay namin kaya sumilip si Mama sa may bintana.

"Bakit?" tanong ni Mama.

"Magandang gabi po Ante, andiyan po si Ate Michelle?" sabi nung lalaki at kung di ako nagkakamali boses iyon ni Roger kaya lumapit ako sa may pintuan.

"Alis na tayo?" tanong ko ng makita kong si Roger nga at barkada niya yung nasa labas.

"Sana Ate!" nahihiyang sagot nito sakin.

"Wait lang bihis lang ako saglit!" sabi ko sabay pasok sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng pantalon at isang kulay mint green na t-shirt. Inipitan ko uli yung buhok ko ng hal pony tail para walang sagabal sa muka ko.

"Saan kayo pupunta?" tanong ni Mama paglabas ko.

"Samahan ko lang silang umakyat ng ligaw."

"Bakit sasama ka?"

"Wala kasi silang singer nalasing kanina kaya ako na lang yung kakanta."

"Sa halip na ikaw ang haranahin, ikaw na yung manghaharana!" pagbibiro ni Papa.

"Naisip ko nga yung Pa eh! Ano sa tingin mo?"

"Tumigil ka nga Michelle baka mamaya hampasin kita diyan."

"Hays si Mama talaga di mabiro!" sagot ko kay Mama habang humalik ako sa pisngi niya.

"Alam mo naman yang Mama, kaya ang bilis tumanda eh!" gatong ni Papa.

"Tumigil ka nga diyan Mikael baka ikaw mamaya ang hambalusin ko!" pagbabanta ni Mama.

"Haha... haha...!" natawa nalang kami ni Papa bago ako tuluyang lumabas ng bahay.

"Michelle wag papagabi ha!" pahabol ni Mama.

"Opo!" sagot ko naman. Di rin naman kasi nag-aalala si Mama kasi nga yung mga kasama ko naman ay mga kamag-anak din namin.

"Hi Michelle!" bati ni Don sakin nung masalubong namin sila sa kalsade.

"Hello, saan kayo pupunta?" curios kong tanong kasi nga yung way na tinutumbok nila ay papaunta sa bahay namin.

"Sa inyo sana, aakyat sana ako ng ligaw!" paliwag ni Don habang nagkakamot ng ulo.

"Naku, na hire akong singer ngayon ni Roger eh!" naka ngiti kong sabi.

"Baka pweding sumama?" sabi ni Don habang naka sunod na samin.

"Okay lang the more is the marrier nga eh!" sagot ko sa kanya at ganun nga ang nangyari halos nasa sampu tuloy kaming pumunta sa nililigawan ni Roger.

Bumati muna si Roger sa mga magulang nung babae bago niya kami sinabihan na pwedi na daw kaming mag-umpisa. Habang naglalakad kami kanina napagkasunduan na namin na "More than Words", yung kantang kantahin namin.

Dahil nga magaling din kumanta si Don, naisip namin mag duet.

Saying "I love you"

Is not the words I want to hear from you

It's not that I want you

Not to say, but if you only knew

How easy

It would be to show me how you feel

More than words

Is all you have to do to make it real

Then you wouldn't have to say

That you love me

'Cause I'd already know...

What would you do

If my heart was torn in two

More than words to show you feel

That your love for me is real

What would you say

If I took those words away

Then you couldn't make things new

Just by saying "I love you"

La di da, da di da, di dai dai da

More than words

La di da, da di da

Now that I've tried to

Talk to you and make you understand

All you have to do is close your eyes

And just reach out your hands

And touch me

Hold me close don't ever let me go

More than words

Is all I ever…

Natapos naming dalawa yung kanta ng walang kahihirap at tuwang tuwa naman yung nililigawan ni Roger at agad kaming pinapasok sa bahay nila.

"Girlfriend mo kuya Don?" tanong ni Myta nung makapasok kami. Siya yung nililigawan ni Roger.

"Wish ko lang, kaya lang hindi eh!"

"Ligawan mo na!" sagot uli ni Myta habang naka ngiti sakin.

"Di pwedi pabalik kasi ako ng America!" paliwanag ko. Ewan ko ba mukang di pa talaga ako handa magpaligaw o pumasok sa bagong relasyon, para kasi sakin okay pa ko kapag single.

"Upo kayo!" sabi ng Nanay ni Myta habang naglabas ng upuan pa para maka-upo kaming lahat.

"Salamat po!" sabi ko ng maka upo ako. Ipinaghanda kami ng meryenda pero di ako kumain kasi nga kakain ko lang ng dinner.

'Umiinom ka ng tuba?" tanong ng Tatay ni Myta sakin habang inabutan nito si Don ng isang basong naglalaman ng sinasabi niyang tuba.

"Di ko pa po nasubuhan." honest kong sagot

"Ito subukan mo." sabi nito sakin sabay abot din sakin ng isang baso na malugod ko namang tinanggap.

"Siguro naman di ako malalasing nito!" sabi ko isip ko habang sinisimsim ko yung tuba sa baso.

Di ko namalayan na naparami na ko ng inom kasi nga manamis namis din yung lasa nito kaya feeling ko juice lang yun pero nung pauwi na kami bigla akong nahilo.

"Okay ka lang?" tanong ni Don sakin habang hinawakan ako sa braso.

"Okay lang, salamat!"

"Para ka kasing naka inom ng juice, tinamaan ka tuloy!" pagbibiro ni Don sakin.

"Di mo ko pinaalalahanan eh!"

"Haha... kala ko kasi kaya mo!"

"Pabalik na ko ng Manila mamayang madaling araw." sabi ko kay Don para kahit papano alam niya, di dahil may nararamdaman na ko sa kanya ha pero kahit papano ay may nabuo ng friendship sa pagitan naming dalawa.

"Ang bilis naman!"

"May emergency kasi sa dati kong trabaho at humihingi sila ng tulong sakin kaya kailangan ko ng bumalik." Nakita ko sa muka ni Don na nalungkot siya sa binalita.

"Pwedi bang message kita sa messager or text at tawagan kita?" paalam niya sakin habang naglalakad na kaming dalawa pauwi sa bahay namin. Yung mga kasama namin kanina iniwan na kami para siguro bigyan nila ng tsansa si Don na maka usap ako ng sarilinan.

Siguiente capítulo