"Pamangkin ko 'to si Michelle! Engineer ito sa America!" proud na sabi ni Tita.
Natawa nalang ako sa introduction ni Tita kasi di naman na sana yun dapat sinabi. Si Mama naman napa-iling na lang. Dumampot ako ng mangga na nabalatan na ni Tita at balak ko sanang lumabas kasi nga wala naman akong kinalaman sa manliligaw ni Natty.
"Hello!" sabay na sabay na sabi nung mga lalaki kaya wala akong nagawa kundi batiin din sila.
"Hi!" matipid kong sabi kasi nga di ko naman sila kilala.
"Siya nga pala Michelle, ito si Don may-ari yan ng lupa na malapit sa inyo." sabi uli ni Tita, balak ko sanang tanguan lang yung lalaki pero nagulat ako ng ilahad niya yung kamay niya para makipag handshake, kaya wala akong nagawa kundi abutin iyon ng kamay ko.
Magaspang yung palad niya, halatang batak sa trabaho at sa tantiya ko magsing-edad lang kami kaya bigla akong napa-isip na parang napaka layo na ng edad niya para kay Natty pero sabagay pag lalaki naman age doesnt matter.
"Nice meeting you, Michelle!" sabi ni Don ng magkadaupang palad kami.
"Nice meeting you din!" sagot ko.
"Tito siya ni Francis, yung nanliligaw kay Natty!" muling sabi ni Tita habang tinuro yung lalaking malapit kay Natty. Tumango lang ako bilang pag-acknoledge sa sinabi niya. Mukang may plano na hagad si Tita na match making sakin ah.
"Dito ka Michelle!" offer ni Tita sakin yung upuan at inilapit pa ko kay Don. Napa tingin ako kay Mama para sana sabihin na uwi na kami pero para siyang walang paki at tuloy-tuloy lang sa pagkain ng mangga. Kung ako lang talaga gusto ko ng umuwi at humiga kaya lang andun na eh kaya napilitan akong umupo.
"Kapatid mo si Mike?" tanong sakin ni Don.
"Oo, ate niya ko!"
"Ah, ikaw pala yung sinasabi niyang Ate na nagtatrabaho sa America."
"Oo!"
"Bakit di siya sumama?"
"May pasok eh!"
"Buti naman may trabaho na siya, last time kasi nag-usap kami sab niya pag nakapag-trabaho na daw siya di na niya papabalikin sa America."
"Maniwala ka dun!" sagot ko kay Don, pero sa totoo lang yun talaga din sinabi ni Mike sakin wag na daw akong bumalik ng America at dito nalang sa Pinas mag work pero syempre naka salalay parin sakin yung desisyun.
"Sabi din ni Mike, magaling ka daw kumanta!" muling sabi ni Don.
Biglang napa kunot yung noo ko kasi ganun ba ka-close si Mike at Don para ikwento ako sa kanya. Napa tingin ako sa itsura niya. Kayumangi yung kulay niya at army cut yung buhok niya, kagaya ko naka t-shirt siyang puti at naka short na maong habang sa pang-ibaba ay short siya ng maong na lagpas hanggang tuhod lang ang haba. Matangos ang ilong niya, katamtamang laki ng mata na may makapal na kilay, yung labi naman niya katamtaman lang din kapat na kung titingnan mo para Mikael Daez ang itsura dahil narin sa panga. Sa kabuuan may itsura at ang katawan hunk na hunk, malamang batak sa trabaho.
"Di naman!" humble kong sagot.
"Uwi na tayo!" sabi ni Papa ng pumasok sa loob. "Buti naman!" sabi ko sa isip ko kasi nga gusto ko na din magpahinga kasi nga ilang araw ng wala sa sakto yung tulog ko. Isa pa pagod sin sa biyahe. Bago pa magsalita si Tita, inunahan ko na.
"Mauna na muna kami at pagod din sa biyahe!" paliwanag ko.
"Ah sige, hatid ko na kayo!" sabi ni Don sabay tayo.
"Naku di na, malapit lang naman kami!" tanggi ko.
"Okay lang!" pagpupumilit ni Don, kaya wala akong nagawa nung sumunod siya samin.
Siya na yung nagtulak kay Papa hanggang sa bahay namin. Di gaya ng bahay namin sa Bulacan isang floor lang ang bahay namin dito sa Bataan pero may tatlong kwarto din siya kaya may sarili akong kwarto.
"Thank you!" sabi ko ng makapasok na sila Mama at Papa sa loob.
"Walang ano man, siya nga pala pwedi bang umakyat ng ligaw sayo bukas?" diretsong sabi ni Don sakin.
"Naku, ilaan mo nalang sa iba yung pagtingin mo kasi baka bumalik ako ng America."
"Malay mo naman ako yung maging dahilan para di ka na umalis." sagot niya sakin. Di ko maiwasang mapangiti dahil sa sinabi niya.
"Good night!" sabay talikod ni Don sakin at lumakad palayo.
Umiling nalang ako at pumasok narin sa loob. Pagkatapos kong mag half bath ay agad akong pumasok ng kwarto ko, Mag-eight palang ng gabi pero ang tahimik na ng paligid, maliban sa huni ng palaka at mga insekto wala ka ng maririnig na ingay. Di nagtagal ay naka tulog na ko.
"Tap...Tap..Tap...Tap....!" tunong ng phone ko at dahil nga tahimik rinig na rinig ko iyon.
"Hello!" sagot ko, garalgal pa yung boses ko kasi nga naalimpungatan ako. Yung bagong phone ko yung tumunog kaya sinagot ko iyon na di tinitingnan yung caller at nanatili akong naka pikit.
"Hello!" iretable ko ng ulit kasi walang sumagot sa kabilang linya, kaya napilitan akong magmulat ng mata. Number lang ang lumabas sa phone ko, di siya international number kaya lalo akong naasar.
"Kung wala kang balak sumagot wag kang tumawag, bwisit ka iniistorbo mo yung tulog ko!" galit ko ng sabi sabay baba ng tawag.
"Peste!" muling usal ko sabay hagis ng phone ko sa may sahig kasi nga wala naman akong side table sa kwarto ko. Tipikal na kama at aparador lang ang meron ako dito kasi nga wala naman kami balak magtagal dito kung baga bahay bakasyunan lang talaga namin ito.
"Tok!" muling tunog ng phone ko indicating na may nag text kaya muli kong inabot yung phone ko.
Pagtingin ko number lang din yung nagtext, napakunot noo ako ng mabasa ko yung laman ng message niya.
"Sorry kung naistorbo ko tulog mo."
"Sino ka?" reply ko bigla akong na curious kung sino siya. Last time kasi yung sa isang phone ko ganun din may tumatawag saking unknown number pero di naman nagsasalita kaya binolock ko yun. Nagyon ito nanaman may tumatawag nanaman sakin at kagaya dun sa isa di rin siya nagsasalita na para bang pinapakinggan lang yung boses ko pero di gaya sa isa nagtext siya sakin ngayon.