webnovel

Don't Speak Nonsense

"Kanina pa kayo?" Tanong ko ng makalapit ako sa kanila. Medyo seryoso yung pag-uusap nilang dalawa at di nila ako napansin kaya nagulat sila ng magsalita ako.

"Saan ka galing?" Sa halip na sagutin ako ni Mike ay tinanong din niya ko. Mukang iretable ito na para bang ako yung pinagbuntungan ng galit na dapat sa girlfriend niya.

"Dun lang nakipagkwentuhan!" tinatamad kong sagot bago ko ini-unlock yung kotse. Di ko na sila masyadong binigyang pansin.

"Si Sir Lucas at Sir Martin ba yung kausap mo?"

"Hmmm!" Pagsang-ayon ko habang nginitian si Xandra na naka titig sakin.

"Yan, tanungin mo na si Ate. Ayaw mong maniwala!" Sabi ni Mike kay Xandra.

"Bakit, Ano yun?" Takang tanong ko habang pwesto na ko sa likot ng kotse at pumikit kasi nga medyo masakit parin yung ulo ko. Hang-over sa paginom ko ng alak kagabi.

"Ayan, inaaway ako sino daw babae yung naghatid sakin kanina at humihingi pa daw ng goodbye kiss. Ayaw maniwala na ikaw yun." Asar na asar na sabi ni Mike. Ngayon alam ko na kung bakit sila nagtatalo dahil pala kaninang umaga. Ngumiti lang ako at di nagsalita.

"Sabihin mo na kasi Ate para tumigil na 'to!" Sabi uli ni Mike na halatang pikon na pikon na.

"Ano ba pinagsasabi mo wala akong alam diyan?" Pagmamaangmaagan ko.

"Ate naman!"

"Wala akong alam!" Sinadya ko pang bagalan yung pagpronounced nung mg word para emphasized na wala akong alam.

"Ah wala kang alam ah! Sir Martin sabi ng ate ko mahal ka parin daw niya!" sigaw ni Mike. Sakin naman wala akong paki kasi alam ko naka alis na si Martin kaya di niya ito maririnig.

"Sabihin mo bwisit siya pinagpalit niya ko!" Dugtong ko pa at talagang nilakasan ko din yung boses ko. Maya-maya may narinig akong biglang nagpreno ng sasakyan malapit samin at kasabay nung yung pagtawag ni Mike at Xandra.

"Sir!" Kaya nagmulat ako ng mata at tumingin sa labas para makita kung sino yung tinawag nilang dalawang Sir.

Laking gulat ko kasi isang Mustang na red ang nakahinto sa unahan ng kotse namin. Nakababa yung salamin nun kaya kitang-kita ko si Lucas na nasa unahang upuan kasama si Mang Kanor sa driver seat na parehas naka ngiti. Samantalang yung sa likod ay si Martin na seryoso ang muka at naka tingin sakin.

"Don't speak nonsense!" sabi nito sabay taas nung salamin ng bintana ng kotse.

"Kita tayo bukas Michelle! Bye!" Sigaw din ni Lucas sakin.

Sinundan ko lang ng tingin yung sasakyan nila at di na ko naka kibo dahil nga sa pagkabigla. Akalain ko ba naman na di pa pala sila naka alis at narinig yung pinagsasabi ni Mike.

"Ikaw kasi ang kulit mo!" sabi ni Mike habang sumakay na sa driver seat.

"Bakit ako, ikaw diyan eh! Lagot ka sa Boss mo!" Sabi ko nalang at muli akong pumikit, mukang nadagdagan yung kirot ng ulo ko.

Di na nagsalita si Mike at pinaandar na yung sasakyan. Narinig kong nagbubulungan yung dalawa sa harapan ko pero di ko na sila pinansin at nanatili akong naka pikit.

"Tanong mo sa kanya!" Huling narinig kong sabi ni Mike na naiirita nanaman.

"Ano yun?" Tanong ko ng di na ko makatiis sa ingay nila.

"Tinatanong ni Xandra kung naging kayo daw ba ni Sir Martin."

"Sino yun, di ko siya kilala?" Takang tanong ko na para bang gulat na gulat ako sa tanong na iyon ni Mike.

Kanina kasi nung nagsabi siya na don't talk nonsense di ko kagad naisip yung ibig sabihin nun at kung bakit niya yun nasabi, pero nung nagtagal doon ko lang na realize na yung tinutukoy niya marahil na nonsense ay yung pagibig ko para sa . Ngayon tuloy nakakaramdam ako ng galit para sa kanya.

Umiling nalang si Mike dahil sa sagot ko pero di na siya muling nagsalita at ganun din si Xandra kaya muli kong ipinikit yung mata ko. Saktong eight na ng gabi ng maka-uwi kami ni Mike kasi nga dinaan pa namin si Xandra sa bahay nila.

"Bakit ginabi na kayo?" Tanong ni Mama nung salubungin kami.

"Tagal ni Mike!" Reklamo ko habang naghuhubad ako ng sapatos.

"Oh bakit dala-dala mo uli yan?" Muling sabi ni Mama habang naka tingin sa dala kong box. Kaninang umaga kasi nung ibinaba ko iyon tinanong niya na ko dun kaya sinabi ko na ibabalik ko iyon kay Martin kaya marahil nagtataka siya kung bakit bitbit ko uli iyon pabalik.

"Di kami nagkita!" Mabilis kong sagot.

"Sinong di mo nakita?" Tanong ni Mike na naka sunod narin sakin. Nilingon ko lang siya at di na ko sumagot.

"Ibabalik daw kasi ni Ate mo iyang mga bigay ni Martin." sagot naman ni Mama.

"Di kayo nagkita ni Sir Martin?" Tanong ni Mike na halatang may dalang pang-aasar kasi nga nagsinungaling ako.

"Oo di ko siya nakita at kahit kaylan ayaw ko na siyang makita!" galit kong sabi sabay padabog akong umakyat sa taas. Nagkatinginan na lang si Mama at Mike at halos sabay na umiling.

Wala na sana akong balak kumain ng dinner kaya lang di pumayag si Mama kasi nga daw hinintay daw nila kami para magkasabay-sabay tapos ngayon di ako kakain kaya kahit wala akong gana napilitan parin akong kumain.

Tahimik lang ako kasi nga iniisip ko parin yung nangyari kanina, hanggang matapos kaming maghapunan. Umakyat na ko uli sa kwarto ko kasi nga gusto ko munang mapag-isa. Habang naka higa ako sa kama ko pinipilit kong tanggalin yung singsing na naka suot sa ring finger ko pero kahit anong pilit ko ayaw talaga niyang matanggal.

"Bakit kaya ayaw matanggal nito?" Takang tanong ko. Nilagyan ko na siya ng lotion, baby oil, at sinabon ko narin pero ayaw parin niya.

"Kung tumupad lang sana yung nagbigay sayo sa pangako niya sakin di sana okay lang kahit andiyan ka." sabi ko sa sing-sing. Maya-maya tumutulo nanaman yung luha ko.

"Bwisit!" Reklamo ko habang galit kong pinahidan yung luha ko na naglalandas sa dalawa kong pisngi. Muli kong kinalikot yung singsing ko para di ko na maalala yung pangako sakin ni Martin pero sumakit nalang yung daliri ko hanggang sa magpasa nalang ito di parin siya natanggal.

Hanggang sa naka tulog nalang ako sa kaka isip kung pano yun tanggalin.

Siguiente capítulo