webnovel

Knock-knock

"Guys umuwi na si Michelle!" Message ni Dina sa group chat namin sa trabaho ko dati. Napangiti nalang ako kasi di na niya napigilang ipamalita yung pgdatin ko.

"Michelle de Vera?" Tanong ni Boss Helen na kasama rin sa group.

"Yes Boss, Invite mo naman siya sa birthday mo!" Paki-usap ni Dina.

"Michelle!" Ping ni Boss Helen sakin, kaya wala akong nagawa kundi replyan siya.

"Yes po!"

"Pumunta ka sa birthday ko, Ibibilin ko sa receptionist na papasukin ka! @Dina sabihin mo nalang kay Michelle yung location and dress code!"

"Noted Boss!" Mabilis na reply ni Dina at dahil nga di ako sumagot muli akong pining ni Boss Helen.

"@Michelle I will expect you there!"

"Punta po ako! Happy New Year!"

"Good!" Reply ni Boss sakin.

"Mukang nag-iinom na yung mga Boys at walang sumasagot!" Message ni Dina uli.

Di na ko nagreply sa group message namin kasi nga parang masagwa kasi di na ko employee kaya pinersonal message ko nalang siya.

"Send me the location and the dress code. Kita nalang tayo! Happy new year!"

"Okay! Kita tayo Happy New year din!" Reply ni Dina.

Madami pang nagpo-pop up na messages sakin pero wala na kong ganang magbasa sumasakit yung ulo ko kaya pinili ko nalang na patayin yung phone ko para kahit papano ay manahimik iyon.

Natulog ako at ng magising ay ten na ng gabi. Agad akong bumangon at bumaba para sana tulungan si Mama magluto ng pang handa namin sa New Year.

"Kumain ka na!" Sabi ni Mama ng makita niya ko.

"Busog pa ko Ma!"

"Anong busog, anong oras na at di ka pa naghahapunan. Umupo ka na sa lamesa at ipaghahain kita."

"Okay na ko Ma, ako nalang po!"

"Umupo ka na!" Sigaw ni Mama kaya sumunod na ko.

Mabili niya kong pinahain kaya wala akong nagawa kundi kumain para di masayang yung effort ni Mama.

"Saan si Mike?" Tanong ko ng di ko makita yung magaling kong kapatid.

"Pinakuha ko yung letchon!"

"Wow letchong baboy?"

"Oo, letchong baboy!"

"Wow iba ka na Ma! May pa lecthon ka na!" Pang-aasar ko kay Mama.

"Syempre kakauwi lang ng anak ko kaya dapat ipaghanda ko siya ng letchon." Proud na sagot ni Mama sa akin. Napangit nalang ako kasi alam ko naman gusto lang bumawi ni Mama sakin.

"Si Papa pala 'Ma?"

""Andito ako!" Sagot ni Papa na kalalabas lang sa kwarto at bagong ligo. Suot na niya yung bigay kong damit. Bumili kasi ako ng damit para saming apat parang family uniform namin para sa okasyon na ito. Ang kulay nun is gray kasi yun daw yung luck color ngayong taon.

"Guapo mo 'Pa ah!" papuri ko sakanya.

"Naman! Kailangan kong magpa-guapo para di ako iwan ng Mama mo!" Pagyayabang ni Papa sabay kindat kay Mama. Si Mama naman ay kinilig na para bang teen ager parin.

"Hay naku Pa, wala ng makikita si Mama na kasing guapo mo kapag iniwan ka niya!"

"Hay naku di ko nga iniwan yung Papa mo kahit nawalan siya ng paa, kaya bakit ko siya iiwan kung sakaling pumangit siya!" Sagot ni Mama sabay halik sa labi ni Papa.

"Ang cheesy niyong dalawa!" Pagrereklamo ko. Lalo kasing naging sweet sila Mama at Papa simula nung mangyari yung aksidente.

"Ingit ka lang wala ka kasing syota!" Pang-aasar ni Mama sakin bago bumalik sa niluluto niya.

"Di syota hahanapin ko asawa kagad!" Mayabang kong sagot na full of cofidence.

"Good luck!" Sabay tapik ni Papa sa braso ko. Di ko tuloy alam kung matatawa ako o maiiyak kasi para bang alam ni Papa na di pa ko nakaka move-on kay Martin.

Pagkatapos kong kumain ay muli akong umakyat sa kwarto ko kasi nga ayaw akong patulungin ni Mama magluto magpahinga lang daw ako.

Muli kong binuksan yung old phone ko. Gaya kanina madami na uling nag message sa messanger ko at inisa-isa ko yung binasa at nireplayn.

Puro batian lang naman iyon at kamustahan, dahil wala naman akong m

agawa tinyaga ko na. Nag-scroll na ko sa FB account ko, gusto ko sanang makita uli yung engagement photo ni Elena at Martin pero di ko na yun makita.

"Baka binalock niya na ko!" Sabi ko. Kaya patuloy na lang ako nag scroll.

Nanlaki yung mata ko ng makita ko yung mga post ni Cristopher.

"Siraulo talaga 'to!" Tanging nasabi ko. Paano ba naman nag-selfie siya kasama ako. Ito yung kinuha niyang picture habang naghihintay kami ng pagkain kasama sila Anna at Annalyn. Ang caption "The love of my life!"

"Baliw!" Muli kong sabi. Lalo akong naasar nung makita ko yung mga comment dun.

"Nagbalikan na kayo Bro?" Tanong ng mga kaibigan niya nung college.

"Sinagot ka na ba niya?" Tanong naman ng iba.

"Congratulations!" Bati naman ng iba.

"HUMANDA KA SAKIN PAG NAGKITA TAYO!" Comment ko at talagang capslock iyon para malaman niyang galit ako.

"Patay ka nakita na ni Michelle... Haha...haha...!" Comment ni Anna.

Maya-maya lang ay tumutunog na yung new phone ko at si Christopher iyon.

"Butahin mo yun kung ayaw mong basagin ko yan muka mo!" Pagbabanta ko ng sagutin ko yung tawag niya.

"Knock-knock!" Seryosong sagot ni Christopher sakin.

"Tigilan mo ko sa pick-up lines mo at di yan uubra sakin."

"Sagutin mo na kasi ako!"

"Kapal mo talaga!"

"Michelle, I love you!"

"Labyuhin mo muka mo!" Sabay patay ng telepono. New year na new year pinapainit ni Christopher yung ulo ko. Tumatawag siya uli pero di ko na sinagot.

Tinabi ko na yung dalawa kong telephone kasi ayaw ko ng ma-stress baka pumangit pa ko. Muli akong bumaba at nakipagkwentuhan nalang kay Papa.

Wala naman kasi akong napapala sa social media kundi stress parang bigla tuloy akong nagsisi na binuksan ko pa yung old phone ko puro masamang balita yung nabasa ko.

"Nak babalik ka pa ba sa America?" Tanong ni Papa sakin.

"Di ko pa alam Pa, tingnan ko pa!" Honest kong sagot.

"Kung ako lang 'nak dito ka nalang sana sa Pinas magtrabaho. Alam mo naman ayaw kong nasa malayo ka!" Malungkot na sabi ni Papa. Yun din yung sinabi niya sakin nung umalis ako pero dahil nga gipit kami ay pumayag narin siya.

"Yaan mo Pa, pag-iisipan ko po!"

Another extra update! Keep on voting ang please add may new novel "Let's Start Again!" Medyo mabagal lang yung update nun pero please just keep it in your library. Tinatapos ko lng ito kaya medyo hirap akong update yun.

pumirangcreators' thoughts
Siguiente capítulo