"Ma!" Sigaw ko ng matanaw ko na sila ni Mike na papasok ng Hospital. Agad naman nila akong nakita kaya dumiretso na sila sakin.
"Papa mo?" Tanong kagad ni Mama ng makalapit sakin. Magang-maga parin yung mata nito at bakas na bakas yung pag-aalala niya. Di ako naka sagot kasi di ko alam kung paano sisimulan yung kalagayan ni Papa.
"Doon na tayo Ma, mag-usap sa kwarto!" Sabi ni Martin. Sumang-ayon naman si Mama kaya inalalayan ko siya para maka punta kami sa pinareserve kong kwarto. Naka sunod samin si Martin at Mike.
"Maging honest ka samin anak! Sabihin mo samin yung totoo, Anong kalagayan ng Papa mo?" Matigas na sabi ni Mama na para bang handa na siya sa worse scenario. Nasa loob na kami ng kwarto.
"Hays!" Bumuntong hininga muna ako bago nagsalita.
"Okey naman na po si Papa,pero nasa ICU pa siya for further observation." Pag-sisimula ko.
"Thank God!" Sabi ni Mama na nag-uumpisa nanamag tumulo yung luha. Di ko mapigilang mapatingin kay Martin para humingi ng tulong kaya agad siyang lumapit sakin at inakbayan ako.
Si Mike nanatiling naka tingin sakin na parang naghihintay pa ng susunod kong sasabihin.
"Ma!" Tawag ko uli kay Mama para makuha yung atensyon niya. Hinawakan ko yung dalawa niyang kamay.
"May problema ba?" Muling sabi ni Mama na halatang natatakot.
"Ma.... Kinailangan kasing...!" Hirap na hirap akong tapusin yung sasabihin ko. Naramdaman kong pinisil ni Martin yung balikat ko, indicating na kailangan kong ituloy yung sinasabi ko kaya nilakasan ko yung loob ko at sinabi yung masamang balita.
"Kailangan putulin yung dalawang paa ni Papa!" Pagtatapos ko sa sinasabi ko habang naka tingin sa muka ni Mama na gulat na gulat. Di ko nanaman napigilang tumulo yung luha ko.
"Ma! Kailangan ka ni Papa ngayon kaya pakatatag ka ha!" Bulong ko kay Mama habang niyakap siya kasi wala akong nakitang reaction sa kanya at natatakot ako na baka atakihin si Mama.
"Ma!" Tawag ko, samantalang si Mike ay humagulgol na. Inakbayan ito ni Martin para pakalmahin at pasalamat na lang ako dahil andito siya.
"Ma, please kailangan ka ni Papa kaya dapat malakas ka!" Muli kong sabi at dahil dun parang natauhan si Mama.
"Tama, kailangan ako ni Papa mo! Andito lang tayo para kay Papa mo kaya di niya tayo iiwan."
"Oo Ma, Malakas si Papa at kakayanin niya ito. Dito lang tayo at aalayan siya!"
"Michelle! Huhu...huhu...!" Iyak ni Mama.
"Okey lang Ma, andito lang po ako! Ako na po bahala wag ka ng mag-alala ha! Bantayan mo lang si Papa, ako ng bahala!" Sabi ko kay Mama kasi alam ko naman kung ano pa yung inaalala niya kaya sinisigurado ko sa kanya na andito lang ako at di ko sila tatalikuran.
Hinayaan ko lang umiyak si Mama sa balikat ko. Maya-maya lumapit narin samin si Mike na mahigpit ko ring niyakap.
"Kain po muna kayo!" Narinig kong sabi ni Martin, makalipas ng ilang minuto. Di ko na namalayan na lumabas siya kasi nga nagfocus ako sa kay Mama.
"Kain muna kay Ma!"
"Sige!" Sagot naman ni Mama sakin, kaya mabilis kong inilatag yung pagkain sa lamesa para makakain sila ni Mike.
"Ano daw bang nangyari?" Tanong ni Mama habang sumusubo ng pagkain.
"Nagkausap kami kanina ng police sabi nila nawalan daw ng preno yung truck kaya nasagi yung kotse ni Papa. Nahuli naman na yung driver pero pag-uusapan pa kung paano ang gagawin. Gusto nilang kunin yung statement ni Papa kaya lang sinabi ko na di pa pwedi kaya babalitaan ko nalang daw sila once magising na siya."
"Dapat mabulok siya sa bilanguan!" Sabi ni Mike na galit na galit.
"Dapat maka usap natin siya kung anong tunay na nangyari, baka di naman niya sinasadya at talagang aksidente lang." Paliwanag ni Mama.
Di na ko sumagot at pinagmamasdan ko nalang kumain si Mama at Mike kasi wala na kong lakas pa para isipin yung driver, ang akin lang is maging maayos si Papa.
"Pagod ka na?" Bulong sakin ni Martin. Agad akong yumakap sa kanya kasi nga nakalimutan ko nanaman siya.
"Okay lang ako, baka ikaw pagod ka na! Uwi ka na muna para maka pagpahinga ka na!" Sagot ko sa kanya habang naka subosob yung muka ko sa dibdib niya.
"Okay lang ako, ikaw lang inaalala ko!" Sabay haplos sa ulo ko.
"Mukang maputla ka Michelle, Ano nangyari?" Tanong ni Mama habang naka tingin sakin.
"Nag donate po siya ng dugo kay Papa kanina Ma!" Si Martin na yung sumagot.
"Ganun ba? Dapat pala magpahinga ka na!"
"Okay lang ako Ma!" Kontra ko naman.
"Kami na ni Mike yung magbabantay dito, mabuti pa sumama ka na kay Martin at ng maka pagpahinga ka na!"
"Ma, okay lang ako!" Reklamo ko.
"Wag matigas ang ulo!" Saway uli ni Mama.
"Sige na Martin, iuwi mo muna yan para makapag-pahinga." Sabay baling niya kay Martin.
"Sige po Ma, babalik na lang po kami bukas. Tapos kung ano man tawagan niyo lang po kami. Malapit lang naman dito yung Pad ko kaya mabilis kaming makakabalik kung sakali."
"Sige!" Pagsang-ayon ni Mama. Kaya wala akong nagawa kundi sumunod kay Martin.
Pagdating namin sa Pad niya agad akong naligo para tanggalin yung pagod sa katawan ko. Si Martin na yung nagtuyo ng buhok ko ng walang reklamo.
"Hon!" Tawag ko sa kanya.
"Hmmm!" Sagot niya sakin.
"Thank you!"
"Anong tina-thank you mo? Eh ayaw mo ngang tanggapin yung pera ko!" Reklamo nito.
"Ano ka ba naman? Alam mo naman katawan mo lang okay na ko!" Paglalambing ko habang nakakapit ako sa leeg niya. Tapos na niya kasing tuyuin yung buhok ko.
"Tigilan mo yung paganyan-ganyan mo sakin baka mamaya samain ka at madagdagan yang pagod mo!" Sabi sakin ni Martin at puno ng paglalambing.
"Haha...Haha... Tulog na tayo!" Nasabi ko nalang kasi gustuhin ko mang mag loving-loving kami to show how gratefull ako sa kanya pero alam ko naman di papayag si Martin kasi alam naman niyang wala ako sa kondisyun.
"Mabuti pa nga!" Sagot niya sakin pero di parin niya mapigilang halikan ako sa labi na mainit ko ring tinugon.
"Tulog na!" Sabi niya sakin nung matapos yung mahaba naming halikan.
"Opo!" Sagot ko naman at muli kong siyang dinampian ng halik sa labi bago ko sinubsob yung muka ko sa dibdib niya.
"I love you!" Bulong niya sakin sabagy halik sa noo ko. Di na ko sumagot pero di ko maiwasang mapangiti kasi yun lang okay na sakin kahit walang pera o mamahaling bagay na ibigay sakin si Martin. I love you lang sapat na sakin para maging maligaya ako kasi Love is more important.
10 more chapter to end Volume 1.
Thank you for your support!
Please add my other work Let's Start Again!!!