"Ano nangyari?" Tanong ko. Bahagya na kong kumilos para bumangon.
"Wait lang!" Saway ni Martin sakin bago niya ko inalalayan para maka upo.
"Ano nangyari?" Muli kong tanong.
"Hinimatay ka kanina, buti sabi ng Doctor dala lang yun ng stress at pagod. Isa pa di ba kinuhaan ka ng dugo kaya dapat nagpapahinga ka pa. Kaya matulog ka pa!" Sagot ni Martin sakin habang inaayos yung buhok ko na nagkalat sa muka ko at inipit yun sa tenga ko.
"Si Papa?" Muli kong tanong habang nagbabanta nanaman yung luha kong pumatak.
"Hon, okay na si Papa! Malalagpasan niya ito kaya lakasan mo yung loob mo ha!" Sagot ni Martin sakin habang hinahaplos yung muka ko.
"Hon, paano yung kakayanin ni Papa? Huhu...huhu...!" Di ko napigilang mapaiyak. Matanda na yung Papa ko at gusto ko sana ay ma enjoy na niya yung natitirang buhay niya pero paano niya yun magagawa kung nakatali na siya sa wheelchair at kapag naiisip ko yun nadudurog yung puso ko.
"Tahan na! Mag-iisip tayo ng ibang paraan ha! Ang importante ay ligtas na siya!"
"Hon!" Tawag ko nalang kay Martin habang humahagulgol ako sa dibdib niya.
"I know!" Sagot niya sakin habang hinahaplos yung likod ko para damayan ako.
Nung medyo kumalma na ko saka muling nagsalita si Martin. "Si Mike kanina pa tumatawag sayo. SInagot ko na kanina, sinabi ko na okay na si Papa pero di ko sinabi yung kalagayan niya."
"Di ko alam paano sasabihin sa kanila lalo na kay Mama!"
"Alam kong mahirap pero kailangan mong sabihin yun!"
"Paano? Baka di kayanin ni Mama. Natatakot ako!"
"Hon, kailangan ni Papa ngayon si Mama. Bilang kabiyak niya kailangan niya ito Sabihin mo kay Mama na kailangan niyang magpatatag para kay Papa kaya wag siyang panghinaan ng loob."
Di ako sumagot sa sinabi ni Martin kasi tinitimbang ko yung sitwasyon kung paano ko sasabihin iyon kay Mama. Napapikit na lang ako kasi bilang anak napakasakit nun sakin, paano pa kay Mama at kay Papa mismo.
"Gusto mo pasundo ko sila?" Sabi ni Martin makalipas ng ilang minuto na di ko pagsagot.
"Please!" sagot ko nalang kasi parang wala na kong lakas tawagan sila at mas makakabuti na sa personal ko na iyon sabihin sa kanila.
"Wait lang, tawagan ko lang si Mang Kanor at si Mike para makapaghanda sila ni Mama!" Sabi ni Martin sabay bitaw sakin.
"Sige!" Pag-sang ayon ko habang pinupunasan ko yung natitirang luha sa mata ko. Kailangan ako ng pamilya ko ngayon kaya kailangan kong magpakatatag.
"Labas muna ako ha at para makabili narin ako ng pagkain." Muling sabi ni Martin na sinagot ko lang ng tango.
"Higa ka muna!"
"Okay na ko!" sabi ko sa kanya sabay ngiti. Nakita ko kasi na masyado ng nag-aalala sakin si Martin kaya gusto ko pakita sa kanya na okay na ko para kahit papano ay mabawasan na yung pag-aalala niya.
"Sige! Alis muna ako!" Sabi ni sakin sabay halik sa noo ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.
"Hays!" Buntong hininga ko para kahit papano mabasan yung bigat sa dibdib ko. Pababa na sana ako sa kama ng biglang bumukas yung pinto ng kwarto, akala ko si Martin yung bumalik pero laking gulat ko kasi si Elena ang bumungad sakin na labis kong pinagtatakahan kaya di ko mapigilang mapa kunot ng noo.
"Kamusta?" sabi niya sakin habang naka ngiti.
"Mabuti naman!" Malumanay kong sagot. Naisip ko kasi baka wala naman siyang balak na masama kasi nga dito siya nagtatrabaho baka gusto lang magtanong ng sitwasyon.
"Yun naman talaga iniisip ko na mabuti yung kalagayan mo!" Maarte niyang sabi. Bigla akong napataas ng kilay sa sagot niya sakin. Mukang tama yung una kong hinala wala siyang magandang pakay sa pagpunta.
"Anong ibig mong sabihin?" Masungit kong sagot sa kanya.
"Paano ka naman di magiging mabuti? Tingnan mo nga kung saan ka kwarto naroroon ngayon." Sabay lahad pa ng nga dalawang palad niya para pagmasdan ko yung paligid at aminado naman ako na masyadong luxurious yung kwarto na ito, di mo nga pagkakamalang nasa hospital ka. Yung sa kama lang, pwedi ng humiga yung apat na tao sa lapad nito.
"Kung wala kang importanteng sasabihin, mabuti pa umalis ka na!" Diretso kong sabi sa kanya at tuluyan na kong tumayo sa kama.
"Mayabang ka na, porket ginagastusan ka na ng pera ni Martin." Naka ngiting sabi ni Elena pero alam mo yung ngiting iniinsulto ka niya
"Anong kailangan mo?" Galit ko ng sabi. Dahil sa sitwasyon ko ngayon wala akong oras para sa kanya kaya gusto ko ng matapos yung usapan namin at lumayas na siya sa harapan ko.
"Ang gusto ko lang naman sabihin sayo na di mo na kailangan maroblema pa sa sitwasyon mo kasi andiyan naman si Martin para sagutin lahat ng expenses ng pamilya mo! Akalain mo nga kinuhaan ka pa niya ng worth 20k room para lang tulugan mo! You are like a Queen!" Nakikita ko sa muka ni Elena ang selos at inggit na nararamdaman niya pero ang di ko gusto yung punto na sinasabi niya.
"Anong pinagsasabi mo?"
"Haha... Anong pinagsasabi ko? Ang sinasabi ko lang is para kang linta na sinisipsip yung pera ni Martin para sa pamilya mo at malamang kung di dahil kay Martin baka patay na yung tatay mo!" Dahil sa sinabing iyon ni Elena di ko na napigilang sampalin siya.
"Pak!" Di siya makapaniwala na pinagbuhatan ko siya ng kamay.
"How dare you!" Sabi niya sakin habang hawak-hawak yung kanang pisngi niya na namumula dahil sa ginawa kong pagsampal.
"Kung naiingit ka dahil andito si Martin sa tabi ko, problema mo yun pero wag na wag mong idadamay yung pamilya ko dahil sinasabi ko sayo di kita sasantuhin!" Sabi ko sakanya sabay tulak para lumabas at di ko kinalimutang bitbitin yung bag pack ko na nakapatong sa may couch ng hospital.
"Ang yabang mo samantalang pera naman ng Ocampo yung ginastos mo! Humada ka lang pag nalaman ito ni Lola ni Martin, Tingnan natin kung saan pupulutin yang kayabangan mo!" Sigaw ni Elena sakin pero di ko siya pinansin at tuloy tuloy lang ako sa paglabas na parang di ko siya narinig.
Thank you sa paghihintay!!!
Medyo busy lang talaga!!!
Please spare some power stone naman sa "Let's start again"
Thanks you!!!