webnovel

Exploded

"Michelle kantahin natin yung Cruiship!" Sabi ni Anna na lasing na, Ewan ko ba kung naka ilang bote na kami medyo nahihilo narin ako.

"Anong cruiship?" Takang tanong ko rin kasi wala naman akong naalalang ganun, o sadyang lasing na rin ako kaya di ko maintindihan yung sinasabi niya.

"Yung kanta na duet yung lalaki at babae!" Sigaw nito sakin.

"Madaming kantang duet ang lalaki!" Sagot ko naman sabay irap sa kanya. Ayaw ko narin kasi masyadong kumanta kasi nga umiinom kami ng alak, lalo pa nga at malamig na beer yung iniinom namin.

"Baka naman kasi cruisin' yung tinutukoy mo?" Sabi ni Christopher na naka-upo na sakin malapit. Paano si Nina umakyat muna sa taas at kailangan ng matulog ni Robie, samantalang si Robert bumili uli ng alak.

"Oo yun! Hanapin mo nga!" Sagot ni Anna sabay abot kay Christopher ng song book na tinanggap naman nito habang umiiling.

Lasing na lasing na kasi yung isa, paano ba naman kami isang tagay siya dalawa talaga kasi ang tagal daw niya malasing kaya ngayong bange-nge na.

"Yan na!" Sabi ni Christoper na ma-key in yung kanta at nagsimula nga itong tumugtog.

"Ako yung lalaki Michelle!" Sabi ni Anna, at kinanta yung unang lyrics ng kanta. "Baby Let's cruise."

"Away from here!" Kanta ko naman.

"Don't be confused!" Si Anna uli.

"The way is clear!" Ako naman, nagpalitan kaming dalawa sa pagkanta based kung sa naka assign na gender ng singer. Nasa kalagitnaan na kami ng kanta ng biglang tumunog yung cellphone ni Anna kaya napilitan itong tumayo at pumunta sa bandang kusina para sagutin iyon kasi nga maingay sa pwesto namin kaya ako muna yung kumanta ng chorus. Kakantahin ko yung linya ng lalaki kasi nga di pa nakakabalik si Anna ng bigla itong kantahin ni Christopher na kinuha yung mic.

"Baby tonight!" kanta niya.

"Belong to us!" Pagtutuloy ko, sakin naman walng problema dun kasi nga kanta lang naman yun kaya hinayaan ko na siya. Isa pa di naman pangit yung boses ni Christopher kaya nag blend ng maayos yung boses naming dalawa.

"Everything right," Siya uli.

"Do what you must!" Birit ko at nagsabay kaming dalawa sa chorus.

And inch by inch we grow closer and closer

To every lil' part of each other, ooh baby yeah

So let the music take your mind

Just release and you will find

You're gonna fly away, glad you're goin' my way

I love it when we're cruisin' together

Music is played for love, cruisin' is made for love

I love it when we're…

"Ate!" Tawag kaya sabay kaming napalingon ni Christopher sa may pintuan. Si Mike yung tumawag sakin, di ako nabingi ang masaklap kasama niya si Martin naka tayo sa likod niya at naka tingin sakin at galit. Di ko maiwasang mapalunok ng laway ko. Doon ko lang napansin na gabi na pala, nawala sa isip ko yung sinabi niya na hanggang 3PM lang ako.

"Pasok kayo!" Sabi ni Christopher para mawala yung intense.

"Tara na!" Sabi ni Martin na natiling naka tingin sakin at di man lang pinansin si Christopher.

"Wait lang paalam lang ako!" Sagot ko naman sakanya habang tumayo na ko sa pagkakaupo pero di pa ko nakaka alis sa pwesto ko ng bigla akong hilahin ni Martin at kinaladkad ako palabas ng bahay.

"Wait lang!" Sabi ko habang nagpupumiglas ako pero parang walang narinig si Martin at patuloy parin akong hinila.

"Pare nasasaktan naman!" Habol ni Christopher samin. Huminto ng lakad si Martin at hinarap si Christopher kaya agad akong pumagitna para maiwasan yung posibleng mangyari.

"Mike, kunin mo yung bag ko! Nakapatong malapit sa TV! Saka sabihan mo si Ate Anna mo at Ate Nina na mauna ko." Utos ko sa kapatid ko para di na sumali sa gulo at ng makatawag pa ng iba para may katulong akong umawat kung sakaling di na talaga mapigilan.

"Tara na!" Yaya ko kay Martin at kumapit na ko sa braso niya kasi nga nagkakasukatan na ng tingin yung dalawa.

"Hon!" Muli kong tawag para kunin yung atensyon niya.

"Michelle!" Tawag ni Christopher sakin.

"Okey lang ako! Sabihin mo na lang sa iba na nauna na ko!" Sagot ko sa kanya sabay hila na kay Martin papunta sa kotse niya. Bilang gentleman pinagbuksan niya ko ng pinto sa may katabi ng driver seat bago siya lumipat sa kabila.

Tumingin ako kung saan namin iniwan si Christopher pero andun parin siya at naka tanaw samin.

"Gusto mong balikan?" Sarkastikong tanong ni Martin.

"Tinitingnan ko lang si Mike!" Paliwanag ko, pero para matapos na di na ko tumingin sa direksyon na yun kasi nga nakita ko na mahigpit yung pagkakahawak ni Martin sa manibela ng kotse niya parang nagpipigil ng galit.

Makalipas ng ilang minuto tumatakbong lumabas si Mike, kasunod si Nina at Anna. Dahil nga nauna si Mike sa kanila agad itong sumakay sa kotse ni Martin. Magpapaalam pa sana ako sa dalawa ng biglang paharurutin ni Martin yung kotse niya kaya agad ko siyang tiningnan pero para sakanya okay lang yung ginawa niya. Napa-iling na lang ako at di na nagsalita kasi nga kasama namin si Mike.

"Akin na yung bag ko Mike!" Sabi ko, na agad naman inabot ng kapatid ko. Agad kong kinuha yung cellphone ko at doon bumungad yung 200 miscall ni Martin at halos 100 text messages.

"Grabe!" Nasabi ko nalang kasi nga naka silent yung phone ko kanina kaya di ko yung narinig at di ko narin naalala kasi nga nawili din talaga ako at alam ko namang mali ako dun. Di ko binasa yung text niya kasi alam ko naman laman nun sa halip nag compose ako ng text para kina Anna at Nina sa group chat namin.

"Girls paasensya na ha! Usap na lang tayo bukas!" Text ko.

"Dapat lang madami kang ipapaliwanag!" Message ni Anna.

"Okey ka lang ba?" Tanong ni Nina.

"Okey lang ako, Ano ba kayo? Mahaba-habang usapan nga lang ito!" Sagot ko habang sinulyapan si Martin na seryosong nagmamaneho at walang kibo. Malamang kinikimkim nanaman nito yung galit at kung wala lang si Mike kanina pa ito nag explode. Tiningnan ko yung oras sa relo ko seven na ng gabi.

Siguiente capítulo