Nag half day lang ako sa trabaho kasi nga need ko pang umuwi sa bahay at ayaw ko naman maghintay ng matagal si Martin sa akin sa hospital. Sa totoo lang wala na nga sana akong balak pumasok kaya lang may kailangan akong tapusin kasi deadline na ng submission ko nun at bilang empleyado kailangan kong maging responsible para team member ko.
"Ma!" Tawag ko nung pagpasok ko sa loob ng bahay namin.
"Oh, andito ka na?"
"Nag-half day lang ako!" Sabay bless ko kay Mama.
"Ay ganun ba? Di mo man lang ako tinext para sana sinalang ko na yung adobo."
"Okey lang Ma, dinner pa naman yan ni Martin at saka mamaya pa ko aalis mga four kaya may oras ka pa!" Lambing ko kay Mama.
"Oh siya sige, by the way kumain ka na ba?" Alalang tanong niya sakin.
"Opo!"
"Oh siya gawin mo muna yung dapat mong gawin at ako ay maghahanda na para bago ag four ay naka luto na ko!" Agad lumapit si Mama sa may ref at kinuha yung mga kakailanganin niya sa pagluluto.
Di na siya masyadong nagtanong kay Martin kasi naikwento ko naman na sakanya yung sitwasyon nung tumawag ako kaninang umaga buti na nga lang binigyan na kami ng go signal na pwedi ng kumain si Martin ng heavy meal para makabawi na ng lakas.
Umakyat na ko sa taas para makapagligpit ng mga gamit ko kasi gusto ng Baby Damulag ko na magstay muna ako sa kanya hanggang makalabas siya sa Hospital kaya need kong magdala ng mga damit na pamasok.
Pagbalik ko ng hospital saktong alas sais na ng gabi at kung mamalasin ka nga naman nasalubong ko pa sa hallway yung Lola ni Martin kasama si Elena mukang kagagaling lang din nila sa kwarto nung isa.
"Magandang gabi po!" Bati ko, kahit kasi alam ko na ayaw niya sakin I need to show respect parin kasi nga Lola parin siya ni Martin kaya di ko pweding ignore.
"Ano nanaman yang ipapakain mo sa apo ko?" Mataray niyang tanong sakin.
Nakita niya kasi yung bitbit kong isolated bag.
"Pinagluto po siya ni Mama ng adobo."
"Baka mamaya hinahaluan mo ng gayuma yung pinapakain mo sa apo ko kaya patay na patay sayo kaya di niya makita yung tunay mong ugali."
"La, please don't waste your time in her!" Sambit ni Elena at hinawakan yung braso ng Lola ni Martin para yayaing umalis na sila.
"Tama yun umalis na kayo!" Sabi ko sa isip ko kaya bahagya akong tumabi para bigyan sila ng daan para maka alis.
"Alam mo Michelle kung pera lang habol mo sa apo ko sinasabi ko sayo wala kang mapapala pati yung pamilya mo kaya stop acting like a leech na sige ang kapit dahil sisiguraduhin ko sayo by end of the day si Elena parin ang papakasalan ng apo ko."
"Wag po kayong mag-alala di po ako manghihingi ng pera kay Martin!" Matigas kong sabi.
"Di ka manghihingi pero sige ang tanggap mo ng mamahaling bagay mula sa apo ko! Ang kapal ng muka mo!" Nangingig niyang sabi habang tiningnan ako mula ulo hanggang paa pero mas nagtagal siya sa hikaw, relo at singsing na suot ko.
Dahil nga aminado naman ako dun di na ko kumibo.
"Tsk...tsk... sabihin mo yan sakin kapag hindi ka na ginastusan ng apo ko! Ultimo nga sa kasal niyo na pinaplano kahit piso di ka naglabas ultimo susuutin ng pamilya mo apo ko ang bumili! Tapos ang ibibigay niyo lang sakanya yang pinagmamalaki mong Adobo your so cheap!"
Gustuhin ko mang magprotesta wala akong maisagot kaya linunok ko nalang ang laway ko at nanatiling naka yuko.
Mabilis silang umalis pero bago nila ako nilagpasan di kinalimutang banggain ni Elena yung balikat ko na para bang sinasabi na nanalo siya sa round na iyon at sa totoo lang yun nga yung nangyari.
"Hays!" Buntunghininga ko nung malayo na sila sakin.
Kung iisipin ko ngang mabuti, Ano nga ba yung naibigay ko kay Martin? Syempre ang sagot ko kung material na bagay ay wala pero siguro naman sapat na sakanya yung pagmamahal ko at kaligayahan naipadarama ko sakanya.
Ang tanong ko na nga lang is kung sapat nga ba talaga? Muli akong bumuntunghininga bago ako kumatok sa kwarto niya.
"Pasok!" Sabi ni Martin mula sa loob. Inayos ko muna yung sarili ko bago ko iyon itinulak para buksan.
"Buti naman dumating ka na! So, bored na ko!" Reklamo niya kagad.
"Bakit? Dinala ko na yung cellphone at laptop mo ah!"
"Hay naku! Kinuha ni Mama, bawal daw akong gumamit!"
"Ah, kaya pala wala akong natanggap na message sayo. Akala ko nga nakalimtan mo na ko!" Sabi ko na parang nagtatampo.
"Ikaw pa ba makakalimutan ko! Halika nga dito!" Agad naman akong lumapit matapos kong ipatong yung mga dala ko sa maliit na lamesa.
Isinubsob ko yung muka ko sa dibdib ni Martin para makakuha ako ng comfort.
"Nasalubong mo si Lola?" Agad niyang tanong, malamang naramdaman niya yung kalungkutan ko.
"Hmmm!"
"May sinabi siya sayo?" Seryosong tanong niya sa akin habang hinahaplos yung buhok.
"Wala naman!"
"Hon, don't lie!"
Dahil nga nahuli na ko ni Martin agad akong nagtaas ng tingin at tiningnan siya sa muka.
"Hon, Ano ba yung naibibigay ko sayo?"
"Naibibigay mo sakin?" Ulit niyang tanong sa akin na sinagot ko naman ng tango.
"Binigyan mo ko ng kiss! Sabay dampi ng halik sa labi ko.
"Binigyan mo din ako ng hug!" Sabay yakap sakin ng mahigpit.
"At higit sa lahat binigyan mo ko ng pagmamahal! Di ba?" Sabi niya sakin habang naka ngiti at makikita mo sa muka niya yung pagmamahal para sakin.
"Kung ganun dapat ang ibibigay mo rin sakin is Kiss, Hug and Love lang, Bawal na yung alahas, damit at pera!" Masayang sagot ko sakanya.
"Huh? Anong sinabi sayo ni Lola?" Muling tanong niya.
"Wala naman!" Sagot ko, ayaw ko kasing isipin pa iyon ni Martin.
"Hon!"
"Kain ka na! Masarap yung nilutong adobo ni Mama sayo!" Pagbabago ko ng usapan pero disidedo na ko na di na ko tatanggap ng ano mang mamahaling gamit at pera mula kay Martin para mapatunayan ko sa Lola niya na di yun ang habol ko kay Martin.