Akala ko makakainom ako ng straight kasi busy sa pakikipag usap si Martin yun pala kahit busy siya sa pagsasalita nasa akin parin yung atensiyon niya kaya wala akong nagawa kundi sumagot.
"Opo!" Diba ang bait ko sabi ko sa sarili ko.
Kaya sinimsim ko lang yung beer sa halip na tunggain.
Hawak-hawak parin ni Marin yung kaliwang kamay ko at kahit umiinom siya ng alak nanatili parin kaming magka daupang palad na para bang takot na takot siyang mawawala ako.
Ang kagandahan lang kapag dumadampot siya ng pagkain sa lamesa bago siya sumubo ay inuuna muna niya akong pakainin.
"Ang sweet naman!" Sabi sakin ni Zaida kasi kaming dalawa lang ang magkakwentuhan pero pinakilala naman na niya yung iba sa akin. Minsan sumasali ako sa tawanan nila at ganun din si Elena.
Sakin naman wala sakin yun mukang siya lang talaga ang may problema sakin pero hinahayaan ko lang yung mga irap at ismid niya sa akin dahil di naman ako mamatay dun at isa pa ang importante kamay ko parin ang hawak ni Martin at wala siyang magagawa dun.
"Sino gustong kumanta?" Tanong ni Irene. Isa rin sa mga barkada nila pero dahil nga nag mamanage siya ng sarili iyang business medyo busy kaya ngayon lang kami nagkita.
"Kanta ka Michelle!" Sulsol sakin ni Zaida.
"Sige!" Sagot ko naman sabay abot sa mic na binigay ni Irene.
Nung marinig ni Matin na kakanta ako agad siyang lumingon sa akin.
"Anong gusto mong kanta Hon?" Tanong ko sa kanya.
"Kahit ano!" Sagot naman niya sakin.
"Anong favorite mo?" Matiyaga kong tanong. Wala kasi akong maisip na kantahin kaya si Martin yung tinanong ko.
"I'd Rather by Luther Vandross yung favorite song niya!" Sagot ni Elena sa akin.
Bigla akong napa tingin sa kanya pero mukang di lang ako halos lahat ata nasa kanya yung mata.
"I'm sorry!" Sabi niya uli kasi nga naka tingin na kami sa kanya.
"Pa input naman 71557!" Utos ko kay Leslie kasi nga hawak niya yung remote.
"Di ko yan gusto, burahin mo!" Sabi ni Martin na nagdilim ang muka.
Paano kakantahin ko yung I'd rather.
"Anong gusto mo?" Mahinahon kong tanong.
"Ito na lang, gusto ko ito!"' Sabi niya sa akin.
Tiningnan ko yung tinuro niya 62342 "love me like you do" by Ellie Goulding.
"Mataas yan!" Comment ni Nika na halatang inaasar ako.
"Hon?"
"Kaya ko yan!" Sabi ko kay Martin sabay kindat sa kanya.
Dahil sa paningurado ko na kaya ko si Zaida na ang sumigaw.
"Input mo na Leslie 62342!"
"Yehey.....!" Cheering ng lahat syempre maliban kay Elena at sa Bff niyang si Nika.
"Ehem...!" Sabi ko para i-test yung mic bago mag umpisa yung kanta.
You're the light, you're the night
You're the colour of my blood
You're the cure, you're the pain
You're the only thing I wanna touch
Never knew that it could mean so much, so much
You're the fear, I don't care
'Cause I've never been so high
Follow me through the dark
Let me take you past our satellites
You can see the world you brought to life, to life
So love me like you do, la-la-love me like you do
Love me like you do, la-la-love me like you do
Touch me like you do, ta-ta-touch me like you do
What are you waiting for?
Fading in, fading out
On the edge of paradise
Every inch of your skin is a Holy Grail I've got to find
Only you can set my heart on fire, on fire
Yeah, I'll let you set the pace
'Cause I'm not thinking straight
My head's spinning around, I…
Hanggang natapos ko yung kanta walang nag react parang natulala silang lahat sakin. Alam ko naman sa sarili ko na magaling akong kumanta pero di ko maintindihan kung bakit wala silang reaction kaya di ko mapigilang magtanong.
"Pangit ba?"
"Anong pinagsasabi mo diyan ang galing mo ngang kumanta eh! Isa pa! Wait pili ako!" Mabilis na sagot ni Zaida na pumipili na sa song book na nasa lap niya.
"Oo nga isa pa, di namin alam na may tinatago ka palang talent Michelle." Comment ni Lucas.
"Minsan gig ka nama dito sa bar ko." Offer ni Jerold habang naka ngiti sa akin.
"Sige kapag may oras ako!" Masaya ko namang sagot. Matagal na rin kasi akong di kumakanta sa bar simula ng magtapos ako ng college.
"Wala kang oras!" Sagot naman ni Martin na mukang di natutuwa sa papuring natatanggap ko.
"Ano tutusukin mo narin tenga nila?" Pang-aasar ko.
"Oo!" Mabilis niyang sagot di ko tuloy alam kung matatawa ako o maiiyak sa reaction niya.
"Ito na kantahin mo ito, 23345 Queen of the night." Sabay key-in ni Zaida sa remote.
"Ang taas niyan!" Manghang-manghang sabi ni Leslie.
"Kaya niya yan!" Kibit balikat ni Zaida.
"Kaya mo?" Mahinang tanong ni Martin na may halong pag-aalala.
"Pag nakanta 'to kiss mo ko ha!" Pag tease ko sakanya.
"Oh sure!" Sabay kindat sakin. Di na ko naka sagot kasi nagsimula na yung kanta.
I've got the stuff that you want
I've got the thing that you need
I've got more than enough
To make you drop to your knees
'Cause I'm the queen of the night
The queen of the night
Oh yeah, oh yeah, oh yeah
Don't make no difference if I'm wrong or I'm right
I've got the feeling and I'm willing tonight
Well, I ain't nobody's angel
What can I say? Well, I'm just that way
I've got the stuff that you want (stuff that you want)
I've got the thing that you need (thing that you need)
I've got more than enough
To make you drop to your knees
'Cause I'm the queen of the night (queen of the night)
The queen of the night (queen of the night)
Oh yeah, oh yeah, just say it, say it, say
'Cause I'm the queen of the night (queen of the night)
Queen of the night (queen of the…
Di ko na natapos kasi niyakap na ko ni Zaida.
"Idol na talaga kita Michelle... Ang galing galing mo!" Tuwang tuwa niyang sabi habang kapit na kapit sakin at bahagya pa kong niyuyugyog.