webnovel

Chapter 211

Pagpasok ko agad kong nakita si Christopher yung lalaking minahal ko dati, yung lalaking akala ko bigay ni Lord para makasama ko habang buhay pero mali pala siya pala yung lalaking unang magpapaluha sakin.

Dati sabi ko kapag nagkita kami sasampalin ko siya or bubugbugin dahil sa ginawa niya sa akin pero ngayong magkaharap na kami wala na kong nararamdaman kahit ano para sa kanya kahit galit wala na. Parang ordinary acquintance na lang siya na dumaan sa buhay ko.

Totoo nga ang kasabihang time will heal your heartache pero ang the best medicine is to be in-love again.

"Kamusta?" Bati ko ng tuluyan akong makalapit sa kanya.

"Mabuti!" Sagot ni Christopher sa akin.

Sa bandang gilid ang napiling pwesto ni Christopher siya ay nakaharap banda sa may pintuan marahil para makita niya ko kagad kapag pumasok ako. Pinili kong umupos sa may tapat niya kaya naka talikod ako sa may pintuan.

"Omorder na ko ng food para satin. Di pa naman ata nagbabago yung taste mo sa pagkain diba?" Sabi niya sa akin nung tuluyan akong maka upo.

"May nagbago narin pero alam mo naman di ako maarte pagdating sa pagkain basta edible."

"I know!" Matipid niyang sagot.

"Asan na pala yung bigay ni Anna?" Tanong ko kay Christopher.

Gusto ko lang kasi makita yung bigay niya para abalahin pa niya yung Kuya niya para ihatid iyon sa akin.

"Ito!" Sabay abot sa akin ng isang malaking paper bag.

Agad ko naman din itong tinanggap at sinilip ang laman. Nakita ko ron ang isang pulang sling bag na halatang mamahalin at may mga beauty product like lotion, lipstick, make-up kit at pabango.

"Kahit kailan talaga si Anna." Nasabi ko at ipinatong ko muna yung paper bag sa bakanteng upuan sa gilid ko.

"So kamusta ka na?" Tanong ni Christopher sa akin. Siguro to start conversation.

"Mabuti naman! Ikaw?" Taong ko din para magtuloy-tuloy ang usapan namin napaka akward naman kasi kung di kami mag-usap na dalawa.

"Mabuti rin! Balita ko may boyfriend ka na?"

"Ah... Oo meron na!" Mabilis kong sagot wala naman kasi akong balak ilihim yung relasyon namin ni Martin.

"Good for you!"

"Yeah, ikaw kailan kasal?" Biro kong tanong sa kanya.

"Wala nga akong girlfriend paano ako papakasal." Natatawa niyang sagot.

Di naman lingid sa kaalaman ko ng simulang maghiwalay kami ni Christopher ay nagpapalit-palit siya ng girlfriend may isa pa nga daw siyang nabuntis akala ko nga papakasalan niya yung babae pero ang ending ay tumulak siyang America para maka takas sa responsibilidad.

"Ewan ko ba sa lalaking ito kung bakit naging playboy." Sabi ko sa isip ko habang ininom ko yung tubig na nasa harapan ko.

"Ikaw kailan kasal?" Ganting tanong niya sa akin.

Marahil nakita niya yung engagement ring ko. Akma na sana akong sasagot ng may ibang sumagot para sa akin.

"July next year!" Nagulat ako ng makita ko si Martin na nakatayo na sa gilid ko.

"Anong ginagawa mo rito Hon?" Tanong ko ng makabawi ako sa pagkakabigla.

"May meeting ako nearby naisip ko sanang yayain ka maglunch kaya lang pag dating ko sa office mo nakababa ka na daw sabi ni Dina."

"Bakit di mo nabasa text ko?" Tanong ko uli. Kinuha ko yung paper bag na nakapatong sa banteng upuan sa tabi ko para pauupuin si Martin. Itinabi ko muna iyon sa bandang paanan ko.

"Nabasa kaya lang akala ko maabutan pa kita, nung di na kita naabutan dumiretso na ko dito." Paliwang ni martin sa akin.

"Wait, orderan kita ng pagkain."

"Waiter!" Tawag ko.

Pag-alis ng waiter saka ko lng sila pinakilala sa isat-isa.

"Hon this is Christopher kapatid ni Anna then this is Martin may boyfriend." Introduced ko sa kanilang dalawa.

"I'm his ex boyfriend for five years." Pakilala ni Christopher habang inilahad yung kamay sa harap ni Martin na agad namang inabot ng isa.

"I'm her fiancé and to be husband!" Introduces naman ni Martin.

Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa di ko alam kung paano magrereact buti nalang dumating na yung waiter na may dalang pagkain na unang inorder ni Christopher kaya napilitan yung dalawang magbitaw ng kamay.

"Kuya pahingi ng extra plate, spoon and fork." Request ko sa waiter.

"Padagdag narin ng dalawang ornage juice." Pahabol ni Martin.

"Ikaw Christopher anong gusto mong drinks?" Baling ni Martin kay Christopher.

"Iced tea sakin." Sagot nito.

"Pa-add ng iced tea." Baling ni Martin uli sa Waiter.

"Diba mag gusto mo yung iced tea kaysa sa orange juice Mich?" Taning ni Christopher sakin.

Di ko lang maintindihan kung bakit need niya pa ko tawagin sa nick name ko sa harap ni Martin na para bang close parin kaming dalawa. Naramdaman ko yung tingin ni Martin kay Christopher na parang gusto niya itong suntukin.

"Sabi ko nga sayo maraming sa taste ko at mas gisto ko na yung orange juice." Sabay tingin ko kay Martin ng puno ng pagmamahal.

Agad din naman niya kong nginitian pero laking gulat ko ng bigyan niya ko ng mabilis na halik sa labi.

"Ikaw talaga!" Saway ko ng may kasamang kurot sa tagiliran niya.

Tanging tawa lang ang isinagot niya sa akin samantalang si Christopher ay nakitingin lang sa amin na para bang walang nakita. Di ko tuloy mapigilang mamula yung muka ko dahil sa kahihiyan.

Buti nalang at bumalik na kagad yung waiter na dala yung request namin.

"Share muna tayo sa food ko." Sabi ko kay Martin habang sinasalinan siya ng half ng pagkain ako sa pinggan.

Syempre ayaw ko naman na kaming dalawa lang ni Christopher ang kumakain habang naka tunganga si Martin dahil nga wala pa yung inorder niyang pagkain.

"Parang ngayon lang kitang naging attentive sa boyfriend mo ah!" Pabirong sabi ni Christopher sa akin.

"Bakit di ba siya attentive sayo dati?" Tanong ni Martin.

"Hindi nga eh, ako yung laging nagsisilbi sa kanya dati."

"Talaga?" Gulat na gulat na tanong ni Martin habang nakatingin sa akin.

"Oo kaya nga iniwan ako ni Christopher dati kasi di ko daw siya binibigyang pansin." Sagot ko.

Sa totoo lang yun din siguro yung fault ko kaya dumating kami sa ganung point ni Christopher.

Masyado ako nung naging busy sa pag-aaral at sa mga part time work ko kaya di ko siya masyadong nabigyan ng oras at pansin yun marahil ang nagtulak sa kanya para maghanap ng iba.

Siguiente capítulo