webnovel

Chapter 187

Pagkatapos kong kumain ng binili ko agad kaming pumunta sa Plaza Cuartel kaya lang pagdating namin dun sarado na yung Plaza kasi hanggang five lang pala sila ng hapon. Kaya wala kaming nagawa kundi bumalik na lang ng hotel.

Doon na lang daw kami mag dinner dahil napagod narin ako sa kalalakad pumayad na rin ako.

Pagdating namin sa Hotel agad akong naligo paano amoy usok ako. Naamoy ko lang sa elevator nung paakyat na kami sa kwarto namin.

"Mukang exited ka ng makatabi ako ha, kaya naligo ka kagad pagdating na pagdating natin." Tuwang-tuwang sabi ni Martin sa akin nung lumabas ako galing sa banyo.

"Diba sabi mo amoy usok ako? Kaya ako naligo kasi nakakahiya naman sayo baka ma-turn off ka sakin kasi at bigla mo kong ipagpalit." Pagmamaktol ko.

"Ano kaba kahit amoy putok ka di kita iiwan!"

"Ewww.... kadiri ka!" Sabi ko sakanya habang iniwasan ko siya kasi akma niya kong yayakapin.

"Bakit?" Takang tanong niya.

"Maligo ka narin kasi mabaho ka na!"

"Bakit ayaw mo na sakin kapag mabaho ako?" Nalungkot niyang sabi.

"Oo naman, kaya nga kita sinagot kasi mabango ka. Kaya kapag mabaho ka na ayaw ko na sayo." Mabilis kong sagot sabay punta sa may tokador kasi nga mag-blower ako ng buhok ko.

"Ah ganun!"

"Ay Martin!" Tili ko. Paano ba naman binuhat niya ko at inihagis sa kama. Agad niya rin ako pinatungan kaya di ako naka tayo.

"Ano ka ba? Maligo ka muna." Mabilis kong hinawi yung muka niya nung akma niya kong halikan.

"Ag ganun ah!" Mabilis niyang hinawakan yung dalawa kong kamay at itinaas sa bandang uluhan ko. Dahil di ko na nga mahawi yung muka niya agad niya kong pinugpog ng halik sa muka at sa leeg at kahit anong wiggle ko di ako makatakas sa kanya.

"Kainis ka naman eh!" Irap ko sa kanya nung tigilan niya na ko. Pero naka higa parin kaming dalawa sa kama habang ako ay nanatiling naka tihaya samantalang siya ay naka tagilid habang tinutukuran ng kamay yung ulo niya para makita niya yung muka ko na naka simangot.

"Bakit ako nakaka-inis?"

"Paano hinalikan mo ko, amoy laway na tuloy ako!" Sagot ko sa kanya. Nasa muka ko parin yung pagkainis.

"Ganun! Tara ligo tayo uli para mawala laway ko sa muka mo!" Sagot niya sa akin sabay buhat sa akin.

"Ay di na... maghihilamos na lang ako pagkatapos mong maligo." Mabilis kong tangi kasi alam ko naman di lang paliligo ang gagawin niya sa akin.

"Hindi maliligo tayo uli!" Matigas niyang sabi habang buhat-buhat ako.

"Martin, baba mo ko!" Pagrereklamo ako habang nakakapit ako sa leeg niya baka kasi bigla niya kong mabitawan mahirap ng mabalian pero alam ko naman di yun gagawin sa akin ni Martin.

Pero parang wala siyang narinig at binitbit niya ako papasok sa banyo at ang ending di lang ang muka ko ang nilawayan niya pati buong katawan ko.

Muli niya kong binuhat palabas ng banyo habang nakatapis ng tuwalya kasi yung bathrobe ko basang basa na. Agad niyang kinuha yung blower para tuyuin yung buhok ko. Hinahayaan ko lang siya di ko rin siya pinapansin at kinakausap pero parang walang effect yung sa good mood niya dahil pakanta kanta pa siya habang tinutuyo ang buhok ko.

"Shameless!" Usal ko habang iniirapan siya sa salamin.

"I love you!" Abot tengang ngiti niya sa akin.

"Hmp!" Muli kong irap sa kanya at di ko na siya tiningnan. Paano ba naman gustong gusto kong lamutakin yung muka niya para mawala yung ngiti niya.

"Order na lang tayo ng pagkain. Alam ko naman pagod ka at masakit yung kamay mo kaya papadeliver na lang ako."

"Bahala ka sa buhay mo!" Sagot ko sa kanya habang di ko parin siya tinitingnan.

Tapos na niyang tuyuin yung buhok ko pero di parin ako tumatayo sa tokador paano parang wala paring pwersa yung mga paa ko. Paano ba naman yung position namin kanina... "Hays!" muli kong buntong hininga di ko talaga ma imagine yung itsura naming dalawa habang nasa ilalim kami ng shower. Di ko mapigilang mapa iling para mawala yung naiisip ko.

"Anong problema?" Tanong ni Martin.

"Ikaw ang problema ko!" Singhal ko sa kanya.

"Haha... Haha....! Tanging tawa lang ang isinagot niya sa akin.

Kusa niya kong sinuotan ng spagetti strap na bestida. Inalalayan niya ko na parang bata.

"Asan yung Bra at panty ko?" Takang tanong ko kasi nung masuot niya yun sa akin agad siyang umalis para kumuha ng damit niya. Naiintindihan ko kung bakit di niya ko kinuha ng Bra kasi nga gabi naman na at matutulog na kami pero ang di ko maintindihan bakit pati panty wala siyang binigay sa akin.

"Wag ka ng magsuot ganun din naman tatangaling ko rin yun mamaya!"

"Ikaw!" Sagot ko sa kanya sabay bato ng lotion bottle na nadampot ko.

Ang masaklap lang mabilis siyang naka iwas kaya di siya tinamaan. Muli ko sana siyang batuhin nung hair brush ko ng magsalita siya.

"Totoo naman ah! Mahihirapan lang akong tanggalin yun!"

"Ikaw talaga!" Gigil na gigil kong sabi.

Mabilis akong tumayo para sana bugbugin siya pero di ko na iyon natuloy kasi may biglang kumatok sa pinto malamang yung magdadala ng pagkain na inorder niya.

"Pasalamat ka!" Sabi ko sa kanya habang asar na asar parin ako. Mabilis akong kumuha ng panty ko sa cabinet at pumasok ng banyo para isuot yun. Isa pa ayaw ko naman makita ako ng room attendant sa ganung ayos at naiintindihan din iyon ni Martin kasi di na siya gumawa ng fuss at hinintay muna akong makapasok ng banyo bago niya binuksan yung pinto.

Pagpasok ko agad ako nagsuot ng panty at di ako kagad lumabas kasi nga andun parin yung room attendant kaya bahagya ko munang pinagmasdan yung sarili ko sa harap ng salamin.

Napaka seductive ng itsura ko. Manipis yung suot kong nightees dahil nga wala akong suot na Bra bakat na bakat yung nipple ko.

"Kainis talaga yung lalaking ito!" Usal ko habang hinahaplos ko yung bagong hickeys na nasa leeg at dibdib ko.

"Parang kulang ata yung nailagay kong tantos sa leeg mo ah." Proud na sabi ni Martin habang naka sandal sa gilid ng pintuan.

Sorry dahil bumagal yung update.

Medyo busy eh...

But don't worry tatapusin ko yung novel!

Thanks sa support!!

pumirangcreators' thoughts
Siguiente capítulo